Kabanata 1. My Love
Isulat sa patlang ang sagot sa mga sumusunod na katanungan :
1. Ano ang mas mabilis maglakbay, Kulog o Kidlat?
2. Saan nagmula ang salitang Dalmatian?
3. Sabi nila there's a thin line between love and hatred. What do you call that thin line? Ipaliwanag sa labing limang pangungusap. ( 5 puntos )
4. Sino ang pinakamatalinong taong nabuhay sa mundo?
5. Ibigay ang tatlong uri ng apple. Ipaliwanag ang bawat isa. ( 3 puntos )
"Ano na naman yan Eda? Para saan yang mga tanong na yan?" Tanong ng matalik kong kaibigan at kasamahan ko sa trabaho na si Jolas.
"Hindi ba halata? Exam." Kung makapagtanong kasi akala mo nagsusulat ako ng death note.
"Para san ang exam na yan? Hindi ka naman guro. At isa pa wala ka sa paaralan, nasa lathalaan ka ng diyaryo." Medyo pagkahaba-habang litanya na medyo ikinagulat ko rin.
"Alam ko." Maigsing tugon ko. Baka sakaling tumigil na siya sa pag-uusisa.
"Bakit ka nga gumagawa niyan?" Infairness, ang daldal niya ngayon nakakapanibago.
Wag kayong magtaka maingay na siya sa lagay na yan.
"May manliligaw akong bago, susubukan ko lang kung matalino. Kapag hindi siya pumasa sa exam na ito, maari na siyang tumigil sa pangungulit at pagpunta sa bahay ko at nang iwas abala." Sabi ko sa kaswal na tono.
"Na naman?" Medyo naghuhurumentado niyang akusa sa akin.
"Anong 'na naman'? Pang labing isang beses ko pa lang naman ito. Eksaherado ka masyado."
Talaga naman e, pang labing isa pa lang naman ito. Aba siyempre, mahirap na kailangan maingat sa pagpili ng magiging kasintahan. Hindi ako makikipagsabayan sa usong 'kahit sino na lang' o sa gasgas na dahilang 'basta mahal ko'.
"Ayokong makapangasawa ng bobo, kawawa naman ang mga magiging supling namin kung sa kanya magmamana." Pagdedepensa ko pa.
"Sa ginagawa mong yan baka hindi ka na makapag-asawa. Ang taas ng standards mo. Kung ganyan ng ganyan ang pananaw mo, tatanda kang dalaga." Pangangaral pa rin ng kaibigan ko.
"Huwag mong problemahin ang buhay pagibig ko Jolas, ang problemahin mo ay yung iyo. Bente singko pa lang ako, ikaw magte-trenta na sa susunod na taon pero hanggang ngayon wala ka pang ipinakikilalang nobya sa akin." Sabay baling ko sa kanya. Magandang lalaki naman kasi siya, nakapagtatakang wala man lang itong napupusuan.
"Hindi ako naghahanap." Matipid niyang sagot.
"May nobya na ako sa puso ko, okay na ako roon." Pagdudugtong niya pa saka biglang nagseryoso ang ekspresyon ng mukha niya.
Medyo magulo yung huli niyang sinabi kaya nagkibit balikat na lang ako.
"O siya, sabi mo e. Magtrabaho na tayo bago pa tayo mapagalitan ng mga boss." Pagkasabi ko naman nun ay umalis na siya.
May pagkamalihim talaga ang kaibigan kong yun. Sobrang misteryoso kung minsan na halos hindi ko na siya nauunawaan. Buhat ata nang makilala ko siya ay wala pa akong nabalitaang nobya o nililigawan man lamang.
Nagtrabaho na lang ako ulit at kinalimutan ang pag-uusap na yun. Aksaya lang sa oras.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko.
"Kung ang dahilan nang pagiging mapili mo ay si Ano, sa tingin ko ay oras na para bigyan mo ng pagkakataon ang puso mong magmahal at maging masaya."
-- Jolas
Ahh. Wala akong masabi. Medyo nasapul ako!

BINABASA MO ANG
Irog
RomancePrologue Sabi nila, umiibig ka kung yung taong yun ang una at huling taong pumapasok sa isip mo pagkagising mo sa umaga at bago ka matulog sa gabi. Umiibig ka kung ngumingiti ka sa tuwing naaalala mo siya. Sabi nila pagibig ang nad...