II.

95 7 4
                                    

| A U D R E A N N A |

"Welcome Freshmen! Have a good night and let's party!"

Tapos na pala yung program. Woohoo party party na! Kaya lang wala naman akong friend na makakaparty party dance. Hay. Kakain na lang ulit ako. Sayang kaya! Sorry PG much. Kain kain nom nom kain kain nom nom. Hay nabusog ako dun ah.

Hanggang sa yung party music turned ito love song.

Statue.

Nang-iinis talaga si Destiny! Nakakainis! Statue ba naman yung patugtugin ng DJ eh. Hoo. Haa. Hoo. Haa. Inhale exhale po yan. Baka kung ano isipin niyo.

Siguro nagsasayaw na si Redge at si Monique. Hay. Naku. Wag ka na nga malungkot Audreanna. Kaya mo yan. Okay lang kahit wala kang lovelife. Mabubuhay ka pa naman. Tingnan mo, sabi na eh! Hindi masusunod yung sinasabi ni Ma'am na wala dapat babaeng nakaupo. Eh ano tawag nila sa akin? Nakalutang? Oo. Lutang isip ko. Lumulutang papunta kay Redge.

Teka. May naaaninag akong papalapit dito? Ang dilim naman kasi eh.

Holy moly! Si Redge!

Papalapit sa akin si Redge. OMG. Ano kayang gagawin niya?

"May I have this dance?" Ano raw dance? Ako? Tumingin ako sa likod ko. Wala namang tao kasi dulo na nga itong table na ito at wala rin naman akong kasalo rito sa table ko. Loner nga kasi ako.

" A-Ako? Sayaw t-tayo?" Ano ba ito? Nabubulol ako. Nakakahiya!

"Oo ikaw nga, Miss Audreanna Rodriguez." At binigyan niya ako ng isang makalaglag panty na ngiti. OMG. Magsasayaw kami.

"Sige." Tinanggap ko na. Nakakahiya. Redge Villaruiz, tatanggihan ko? Mapukol pa ako ng mga fans nito! Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa gitna.

"T-Teka lang. Di ako marunong sumayaw eh." Oo. Tama kayo ng basa. Nakakahiya talaga ako kahit kelan.

"Akong bahala. Eto. Dito." Kinuha niya yung kamay ko at nilagay sa balikat niya.

"At eto naman dito." Nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko.

"Basta sumunod ka lang ha. Trust me." OMGeeeee~ Mamatay na ata ako sa kilig. Kung wala lang siya sa harap, baka nahimatay na ako. Teka. Ang awkward na. Hindi ba siya magsasalita. Habang nagsasayaw kami ay natanaw ko si Monique. Siguro kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako nakabulagta rito. Huh. Akala niya.

"Soo.." Ayun sa wakas at nagsalita rin.

"Soo.. what now?"

"Okay ka lang ba?"

"O-oo naman no. Ilan na ba ang nakasayaw mo?" Pang-ilan kaya ako sa naisayaw niya no?

"Hahaha. Diba ito yung first love song na tumugtog. So sa tingon mo sino?" Tumawa siya! As in HA HA HA! TUMAWA SIYA! Okay. Ang OA ko. Sorry naman.

"Ako? Ako yung first dance mo? Di nga? Eh paano yung kinantahan mo kanina? Bakit di siya ang first dance mo?"

"Hinay hinay lang mahina ang kalaban hahaha. Oo, ikaw yung first dance ko." Teka di naman niya sinagot yung tanong ko ah. Hayaan mo na nga. Baka ayaw niya pag-usapan. Baka nabasted siya?! Di bale, akin na lang siya pag nangyari yun. Bwahahahaha.

"Malapit na matapos yung kanta, it means change partners na. Pwede bang humingi ng favor?" Aww. Matatapos na agad? Parang 1 second pa lang ang nakalilipas ah.

"Sige, ano ba iyon?" Ano kaya yung hihingilin niya? Naku wag pera, wala kong dala. De joke. Mayaman yan eh.

"Pwedengbangikawyunglastdanceko?" Ano raw? Nabingi ba ako sa kilig? Di ko maintindihan?

My First And Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon