III.

98 8 6
                                    

| A U D R E A N N A |

Ano ba yan. Over over na yan ha. Kasing pula ko na ata yung kamatis eh. Habang kinakanta niya yang lines na yan, eye-to-eye kami! Brad, EYE-TO-EYE! MATA SA MATA! Shocks. Pwede na ata ako mamatay! De joke. Wag muna. Ikakasal pa kami. Hihihi.

"Sige. Salamat Audreanna. Ang saya ko ngayon. Thank you." Tapos niyakap niya ako. Aww. Welcome, my prince. Mayamaya, nakasalubong ko si Bryle.

"Oh, asan yung lover mo?"

"Lover ka diyan. Ewan ko."

"Ugok talaga yun. Iniwan ka. Teka. May gagawin ako ha. Hintay ka lang."

Hinatak na ako ni Bryle hanggang sa makarating kami ng parking lot.

"Teka anong ginagawa natin dito?"

"Ano pa ba? Edi hahatid na kita sa inyo. Mukhang wala kang sundo eh."

"Sige. Salamat Bryle." Tapos niyakap ko si Bryle. Mayamaya, may tumawag sa kanya.

"Kuya!" Ay si Redge myloves pala.

At ayun. Hanggang sa nag-usap na yung dalawang magkuya. Nagbabatukan pa sila. Pero nakita ko bilang umalis si Bryle, hahatid niya pa ako.

Tatawagin ko na sana siya nang biglang tumakbo papalapit saakin si Redge. Tinignan ko si Bryle tapos ayun nakita ako. Kinindatan pa ako ng loko. So eto pala yung sinasabi niya kanina. Hahaha. Napatawa na lang ako dahil sa ginawa niya.

"Mokong talaga yun! Tss." Binuksan niya yung pinto ng kotse at pinapasok ako. Kahit naguguluhan ako, pumasok na rin ako. Tapos ayun, nagsimula na siya magdrive.

"Diba, dapat si Bryle yung mag-uuwi sa akin?" Tanong ko kay Redge.

"Bakit gusto mo ba siya?" Tch. Ang sungit. Sabihin mo selos ka lang. Bwahahaha.

"Hindi naman. Nagtataka lang ako."

"Hhmm.. A-Ah kasi, dapat palit kami ng kotse ni Kuya! Nakalimutan niya ata! Oo yun nga." Aahh.. Yun lang pala yun.

"Edi dapat dun na lang ako sa kotse mo sumakay kung ganun para si Bryle pa rin ang kasama ko, diba?"

"Tss. Gusto mo ba si Kuya? Bakit ba tanong ka nang tanong tungkol sa kanya?" Galit? Agad-agad?

Tch. Ang awkward na ng atmosphere sa kotse. Ang tahimik.

Croo croo.

Biglang in-on ni Redge yung radio. Bakit s milyong-milyong kanta na pwedeng tugtugin ng radio station na yan eh, bakit yan pa! By Chance lang naman po kasi yung kanta. Tapos ayun, namula na naman ako. Kinikilig na nahihiya ako na ewan!

"Hahahaha!"

"Anong tinatawa-tawa mo diyan ha?"

"Yung mukha mo kasi namumula na naman! Ang cute mo talaga!"

Teka ngayon ko lang napansin, bwisit kasing Redge to eh, pinapakilig ako eh.

"Alam mo ba kung saan ako nakatira?"

"Ah sht. Oo nga. Hindi ko alam. Saan nga ba?"

"Sa Wattpad Circle."

"Naku po! Mga 1 oras mula rito yun ah." Tapos bigla siyang nag-u-turn.

"Teka. Eh saan mo ba ako dadalin? Saan ka ba dapat pupunta?"

"Sa bahay namin." Oohh. Uuwi na niya ako sa kanila? Hihihi. Sorry. Ang arti ko po.

"Ah. Ano nang oras na?:

"12:45 AM"

"Aahh."

"Matulog ka muna kung gusto mo ha?"

My First And Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon