Ngayon nya lamang nakita si bea na ganun ang ayos
Tila nag wawala lalo ang alaga ni edward. Gusto nya na talagang maangkin si bea kanina pa ng makita nya itong nakatapis ng tuwalya, ibinuhos nya lamang ang init nito kay carol.
"b-bea hindi pa nakahanda,"
Utal na sabi ni carolNapalingon si edward kay carol,
Bakit nautal ito?
Sa isip isip ni edward." ah tutulong na ako para mapabilis," alok ni bea
Mabilis nilang natapos ang pag luluto at nag handa na para kumain.
"bea aalis ka ba?" tanong ni tita carol
"hindi po tita,"
"ah mabuti, aalis lang ako may bibilhin lang ako ah,"
"o-oh cge po," tugon ni bea
Umalis na si carol at tanging dalawa na lamang ang natira.
"edward, pag umalis ako, yung sa malayo, mag hahanap ka ba ng iba?"
Biglang sabi ni bea sa gitna ng katahimikan."h-huh? A-ah hindi, bakit mo naman natanong?" kabadong sagot at tanong ni edward.
Naalala na naman ni edward ang nangyari sa kanila ng tita carol ni bea, tila nabagabag sya ng kanyang konsensya.
"wala lang," isang matamis na ngiti ang sinabi ni bea
Nabunutan naman ng tinik sa dibdib si edward.Maya maya lang ay dumating na si tita carol, at dumiretso agad sa kwarto.
Sinundan naman agad ni bea ang dating ina inahan na naging tita titahan na lamang."tita ano yan?" tukoy ni bea sa isang maliit na garapon na hawak ni tita carol.
Mabilis namang nilagay ni tita carol ang garapon na iyon sa kanyang drawer."a-ah wala, gamot ko lang, hindi kasi agad ako makatulog sa gabi, sleeping pills ko lang," sabi nito.
Totoo iyon, isang sleeping pills lamang iyon, ngunit ang hindi alam ni bea ay may tinatago rin ang kanyang tita carol na isa pang garapon.
"nasaan na pala si edward? " hanap ni tita carol kay bea
"ah pinauwi ko na tita hehe,"
"bakit?" kunot noong tanong ni tita carol.
"wala, ang kulit kasi,"
"makulit? Paano?" ulit at paninigurado ni tita carol
Hindi alam ni bea ngunit may nadama syang kakaibang tono sa pananalita ng tita titahan.
"w-wala... G-Ge l-labas lang ako," pag tatapos ni bea sa usapan na iyon,
Bakit ganun si tita? Sa isip isip ni bea
Naiwan namang tulala at malalim ang iniisip ng tita carol nya sa kwarto.
Gabi na naman, sabi sa isip ni bea...
Mabilis ang pag takbo ng oras kaya ito na naman sya at nakaupo na sa kama habang nag susuklay at habang nakatapat sa kanilang salamin.Nakita ni bea ang drawer ng kanyang tita carol, tumayo sya at nilapitan ito atsaka dahan dahang binuksan.
Nakita nya doon ang dalawang garapon, una nyang kinuha ang kulay puti na kanina lamang hawak ng kanyang tita carol.
Sleeping pills
Ang nakalagay sa pabalat..
Akma nya na rin sanang kukunin ang isang pula ng biglang may kumuha nun at hinablot bigla ang sleeping pills sa kanyang kamay."bea bakit mo to pinakikielaman?"
Pagalit na tono na tanong ni tita carol"a-ah n-nakita ko lang po," pag dadahilan ni bea habang hindi makatingin sa mga mata ni tita carol
"nakita? Wag mo ko pinag loloko dahil nakasarado to bea!" malakas na ang tono ng kanyang pananalita.
Dun na napaangat ang tingin ni bea, namumula na ang kanyang mga mata dahil sa unang pag kakataon ay nataasan sya ng tono nito.
"parang yan lang tita!? Magagalit ka na? " hindi pasigaw ngunit mahahalata sa tono ng pananalita ni bea ang sakit at lungkot.
Tila nabuhusan ng malamig na tubig si carol sa inasta ni bea.
Biglang lumambot at umamo ang mukha ni tita carol."b-bea sorr---"
Hindi natapos ni carol ang sasabihin dahil tinalikuran na sya ni bea.Nag pasya si bea na pansamantalang matutulog muna sya sa dating kwarto,
Nung una ay nag alala sya sa kanyang tita dahil hindi nga pala ito nakakatulog sa gabi sa kwarto ng yumaong ama ngunit napawi ang kanyang pag alala dahil meron na palang sleeping pills ang kanyang tita carol.Nakahiga na si bea sa kanyang kama ng bumukas ang pinto nito, inuluwa dun ang kanyang tita carol na may dalang gatas.
"b-bea sorry... ," nakayukong sabi ni tita carol sa nakapikit na bea.
Hindi na pinadlock ni bea ang kanyang pinto sapagkat ayaw naman nyang padlakan ng pinto ang tita carol nya. Kahit galit sya dito ay hindi nya magagawa iyon parang kaibigan at higit pa ang turing nya dito.
Hindi na sya nag alanganing kunin iyon dahil lagi namang ganun ang nanyayari, pag mag kaaway sila laging si tita carol nya ang unang nalapit at nag bibigay ng gatas bilang peace offering, hindi naman kasi kayang tiisin ni tita carol na galit sa kanya si bea.
"ok na tayo?"
"ano pa nga ba?" tugon ni bea
Dun na napangiti si tita carol, at lumabas nakangiti.
BINABASA MO ANG
LIHIM
HumorAng kwentong ito ay para sa mga open minded, kung hindi ka open minded aba! pilitin mo!