Chapter One. *Bad Shot*

161 11 5
                                    

Marami sa atin ang naniniwala sa 'Love at first sight'. Yung tipong naglalakad ka lang sa gilid ng kalsada tapos may makakasalubong kang isang lalaki na sa unang tingin pa lang masasabi mo nang hulog siya ng langit dahil sa angkin niyang kagwapuhan. Yun bang matutulala ka na lang sa pagtitig sa mala-anghel na mukha niya, tapos parang biglang titigil ang oras sa pagitan niyong dalawa, yung tanging makikita mo lang e ang mukha niya with matching slow motion na you could see even his smallest gesture at pagkatapos titibok na lang ng mabilis ang puso mo na parang anytime mahaheartattack ka. Yan daw ang sinasabi nilang 'Love at first sight'. Pero kung merong love at first sight maniniwala din ba kayo sa "Hate at first sight'? Yun bang unang tingin mo pa lang sa kanya mararamdaman mong unti-unting kumukulo ang dugo mo. Na kahit hindi ka naman sinabon ng boss mo e parang ganun na rin ang nangyari, na kunyari ang ganda ng lakad mo tapos naka apak ka na pala ng tae, na ang ganda ganda ng sound tripping mo sa daan e bigla na lang may nanghablot ng cellphone mo. Ganyan. Ganyang-ganyan ang feeling. You would even ask yourself what's wrong with his face at bakit naiisip mong napagtrippan ka ng Wow Mali. Hahaha

Pardon me guys if I did a harsh explanation. Hihi xD But yeah ganyan ang naramdaman ko simula ng makilala ko si Guy Travis M. Sullivan. Tunog monster ang name niya diba? Well bagay lang sa kanya yan kasi sa laki ba naman ng sungay niya e talagang masasabi mong mukhang halimaw talaga siya! I wonder why my classmates and schoolmates couldn't see his enormous 'sungay'. Parang gusto ko na tuloy maniwala na bulag sila o talagang nagbubulag-bulagan lang

Ehem. . . Kung nagtataka po kayo kung bakit ganito ang pagkaka explain ko sa lalaking ito, well sabihin na lang nating minsan ko na rin naranasan na apihin ng halimaw na toh. Err alam niyo ba yung feeling na gusto mo lang matupad ang simpleng pangarap mo tapos bigla na lang susulpot ang halimaw na yan na kung saang lupalok man galing at-

"Hoy tama na yan Suri. Baka mamaya mausog mo na yan sa sobrang titig mo."

Si Mika. Tsk naputol tuloy yung pagbabalik alaala ko. Kasalukuyan kami ngayong nasa second floor ng school namin. Break time. Nakadungaw ako sa bintana at tinitignan si Boy Sungay making his way to the school canteen together with his mga haliparot na alagad, our very own version of Mean Girls and I call them the 'Fang Girls'. Hahaha xD Why? Kasi lagi silang naka-angil kapag may lumalapit na ibang babae kay Boy Sungay.Imaginin niyo yun? Ano bang akala nila dito kay Boy Sungay honey?? At sila yung mga bubuyog na aali-aligid dito at nakahandang isaksak ang mga stinger nila sa kung sino man ang lumapit kay Boy Sungay. What the F naman talaga oh.

Napapailing ako sa mga toh.

"Hai naku Suri sinabi nang tigilan mo na yang kakatingin mo dyan kay Travis at baka mausog mo nayan noh!"

Bumalik na ko sa mesa na pinagkakainan namin ni Mika.

"Naku Mika! Hindi naman yan tatablan noh."

Sumubo muna ako ng sandwhich bago nagsalita ulit.

"Sa kapal ba naman ng balat nyan asa ka pang tatablan yan."

I don't care kung halos lumabas na sa bibig ko ang kinakain ko. Haha Baboy lang e. Noh?? xD

"Mukha lang sensitive ang balat niyan pero ang totoo balat kalabaw talaga yan!"

I made a gesture pa na parang tinuturo sa labas si Boy Sungay kahit hindi ko na siya nakikita. Napapailing sakin ang bestfriend ko.

"Ikaw talaga."

Umaktong babatukan ako ng bestfriend ko pero hindi naman niya tinuloy.

"Anlaki ng galit mo sa lalaking yan.  E parang 'yun' lang naman ang ginawa niya e."

Ready or Not, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon