Chapter Six. *Elected*

38 8 8
                                    

Suri's POV

"Ayan kasi! Yan ang napala mo sa pangbabatuk kay Travis. Oh di inaway ka na ng mga babaeng yun!"

Panunumbat ni Mika. Kakabreak time lang namin at kakaalis lang ng mga classmates namin, yan agad ang pangbungad niya sakin. Hindi na ko nagtaka pa, kasi kanina nong pumasok ako ng room nakita ko siya sa may tabi ng bintana kung saan makikita mo yung pathway papasok sa school building namin. Malamang nakita niya kami ng mga Fang girls na yun. Mga fanggulo. =__=

 Akala ko nga susugurin niya ko kanina noong pagkapasok ko ng room at pagtatalakan buti na lang kasunod ko rin yung teacher namin for the first subject. Haist kaya eto, para akong maliit na batang sinesermunan ng nanay ko. Wala talagang preno ang bibig ng babaeng toh. Ansakit na sa tenga ha.

"Hoi nakikinig ka ba sakin Suri?!"

Naputol yung pag-iisip ko. Tinitigan ko siya at sinimangutan. Seryoso?! Mas inuna niya pa yung panenermon sakin kesa bumili kami ng food sa canteen. Nagugutom na kaya ako.

Nakipagtitigan din siya sakin, tinaasan niya pa ko ng kilay. Ampu! Tinalakan din nga ko ng mga babaeng yun kanina pati siya dadagdag pa. Anak ng kalungkutan namang buhay toh oo. X___X badtrip men! Bumuntong hininga muna ko bago nagsalita.

"Opo nay."

"Wag mo nga kong mananay nanay dyan. Naku! Kung ako sayo, layuan mo nang mga babaeng yun. Wag mo nang pansinin ang mga yun, ikaw lang lugi sa kanila pag nakipag-away ka sa kanila. Alam mo naman ang mga yun mga easy go lucky lang ang mga yun, puro make up at si Travis lang laman ng mga utak nun."

Napangiti ako sa sinabi ng bestfriend ko. Totoo naman kasi, ang mga babaeng yun mga beauty freak walang ginawa kundi magpaganda. Haist. . . at magpapansin sa unggoy na yun. Tama ang kaibigan ko dapat wag ko na lang sila pansinin. Afterall, class president ako ng klase namin, di dapat ako magpakababa sa level nila. Mahirap na baka masira pa ko nang dahil sa mga yun. ^_^

"O sige na sige na, pwede kumain na tayo? Kanina pa ko gutom. Wala akong breakfast Mika."

Putol ko sa mga sasabihin pa niya. Gutom na gutom na ko. Baka mamya magcollapse pa ko sa gutom nito, mukha kasing wala yatang balak kumain tong kaibigan ko.

Talak ng talak pa rin siya e. Hinimas-himas ko yung tummy ko. Waah! Gutom na talaga ko. Buti na lang napansin niya yung ginawa ko. Siguro napansin niyang gutom na gutom na ko.

"Okay. Basta tandaan mong mga sinabi ko ha?"

"Oo na. Tara na nga kain na tayo."

"Sige."

Nilagay muna namin yung mga gamit sa bag tapos sabay kaming lumabas. Hai sa wakas! Makakakain na rin. Nagrereklamo na yung bituka ko sa gutom. ^_^

"Oh teka! Dahan dahan naman Suri. Para kang mauubusan ng pagkain ah."

Pang-aawat sakin ng kaibigan ko. Wala akong pakialam kahit mukha na kong patay gutom sa dami ng isinasaksak kong pagkain sa bunganga ko. Pagkadating na pagkadating namin sa canteen umorder na agad ako at dinamihan ko yung order ko.

Isang order ng spaghetti, tapos may burrito, saka dalawang slice ng Hawaiian pizza, dalawang bar din ng butter scotch at isang large na mango shake. Nung matapos ako, sumandal ako sa upuan at hinimas-himas yung tyan ko. Hai sa wakas busog na ulit si tummy! ^_^

Hinayaan ko lang si Mika na titigan ako na para bang hindi niya gusto yung pinaggagagawa ko. Ah bala siya, basta ako busog.

"Ah sa wakas! Nabusog rin."

Ready or Not, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon