Chaper Five. *The Fang Girls*

31 4 1
                                    

Suri's POV

Kusot. Kusot. Kusot. Z__Z

Hai. . . Inaantok pa talaga ako pero ito ako ngayon, kusot ng kusot ng mata habang naglalakad papasok ng campus. Kahit gusto ko na lang matulog pa at wag nang pumasok ng school kailangan ko pa ring pumasok kasi kailangan pa naming magplano at maghanda para sa gaganaping festival sa school. Waah! Nakakaantok talaga.

Nakakatamad naman kasi si Mika! Hindi ko alam kung binabalaan niya ba talaga ako o tinatakot. Dahil tuloy sa pinagsasabi niya kahapon hindi ako nakatulog agad kaya nagdecide akong magmovie marathon mag-isa. Ayoko kasing isipin kung anong mangyayari sakin ngayon. Gaganti ba talaga siya??? Ano kayang pwedeng mangyari sakin?Eeeee... Isipin ko pa lang natatakot ako! Pero hindi pwede! HINDI. HINDI. HINDI!!!

Kasi naman si Mika e! Kung ano-anong sinasabi! Kainis. Dati naman hindi ako takot sa lalaking yun. Gustong-gusto ko lang talaga siya gantihan. Yun lang. Ahh! Bahala na nga!

Nasa may pathway na ko malapit sa school building na pinapasukan ko nang makita kong papalapit sakin ang the Fang Girls?! Oh geez! What I'm gonna do now?

Ipinilig ko ang ulo ko, takte naman! Ba't naman ako matatakot sa kanila? E isang ihip ko lang siguro sa mga yan e malamang tangayin na sila! Sa payat ba naman ng tatlong yan, dagdagan pa ng isang payat na nga mukhang ipis pa sa sobrang liit! Waah! Apakan ko yan e. Hihihi Sige lang Suri aliwin mo ang sarili mo. Wag ka magpaapekto sa mga yan.

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na sila, hinarangan nila yung daraanan ko at pareho silang nakahalukipkip habang tinititigan ako up and down, vice versa! Tss. Tsura ng mga toh!

"Anong kailangan niyo sakin?"

Inunahan ko na agad sila sa pagtataray.

"Aba matapang."

Sabad ni Donna. Hah! Talaga lang, hinding-hindi ako magpapa api sa mga gaya niyo lang noh. Mga beauty freak.

"Hoi babae."

Paninita sakin ni Lexie. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Akala mo ba hindi namin nakita yung ginawa mo kahapon? Ulitin mo pa ulit batukan si Travis nang kami ang mambtatuk sayo."

"Or worse kakalbuhin ka namin", ani Tricia.

Tss. Sa sobrang pagkainis ko sa tatlong toh napairap tuloy ako. Excuse me lang ha, sila ba ang nanay ng unggoy nay un? Kung makapangbulyaw kala mo inapi ang anak e.

"E ANO NAMAN NGAYON KUNG BINATUKAN KO SIYA? BAKIT KAYO BA ANG MGA NANAY NIYA?!!!"

"Excuse me?!?!!! Kami mukhang nanay?! Sa ganda naming toh? Pagkakamalan mo kaming nanay ni Travis our love?"

Ano daw?! Our love? Ewww...

"Malamang! E kung makapangbulyaw kayo kala niyo kayo ang ina."

"Aba't ang tapang talaga ng bunganga mo no? Hindi mo ba kami kilala."

"Hindi."

Walang kagatol gatol na sabi ko. Para naman silang hindi kumbinsido, tinitigan uli nila ako mula ulo hanggang paa. Talaga namang hindi ko sila kilala, ang alam ko lang sila yung aali-aligid na parang mga linta sa lalaking yun. Tss. Napakaconceited ng dating ng mga toh, kala mo mga Hollywood stars kung maka expect?! Assuming much.

"Ba't san ka bang bundok galing at hindi mo kami kilala? Para malaman mo kami ang groupie ni Travis."

Buong pagmamalaking pahayag ni Tricia. Paki ko ba?!

"So what?! Ba't kung kilala ko ba kayo tatalino ako? Tss. Kahit kayo pa ang muchaha ng lalaking yun pakialam ko ba? Kayo ha!"

Isa-isa ko silang tinuro. Tinabig naman ni Lexie ang kamay ko.

"Tigil-tigilan niyo ko! Hinding-hindi ako magdadalawang isip na pagsasapakin yang mga pagmumukha niyo."

Umakto pa kong nangbabraso sa kanila.

"Ewww...."

Nandidiring napatili si Donna. Ang arte! Tuluyan ko na kaya toh?!

"Wag mo nga kaming gaganyanin! Subukan mo lang kaming lagyan ng black-eye lagot ka sa mga parents namin."

"Oo nga!"

"Ssshhh. Shut up, you two."

Sabi ni Lexie sa dalawa. Humakbang siya ng mas malapit sakin at pinakatitigan ako.

"Ikaw."

Tinuro-turo niya ko ng daliri niya.

"Binabalaan kita, wag na wag mo na ulit gagawin kay Travis yun kung ayaw mong masaktan at maging miserable ang buhay mo dito sa campus. Ingat-ingatan mo rin yang bunganga mo ha. Siguro nga hindi mo kami kilala the way mo kami pagsalitaan, well magtanong-tanong ka sa mga schoolmates natin. Baka sakaling makilala mo kung sino talaga kami."

Walang kakurap-kurap na sabi niya. Mababakas sa mukha niya na parang inis na siya sakin. Nakipagtitigan lang din ako sa kanya. Gustong-gusto ko sanang bungangaaan din siya kaso baka mauwi pa sa gulo. Ayoko rin gumawa ng eksena. Dyosko! Naturingan pa naman akong class president ng klase namin tapos mababalitaan na lang na nakipag-away ako sa babaeng toh. Geez.

At isa pa, hinding-hindi ko ipagsasapalaran ang reputasyon ko sa mga fang girls na toh! Isa lang silang hamak na mga asungot ni boy sungay!

"Tara na girls."

Binalingan nito ang dalawa saka naunang naglakad. Tinitigan muna ako ng dalawa at sinimangutan bago sumunod kay Lexie. Sinimangutan ko rin sila. Akala mo naman! Isang parte ng isip ko ang gustong awatin sila pag-alis at pagtatalakan kaso wag na lang. Magmumukha pa tuloy akong bungangera though mabunganga naman talaga ako. ^_^

Isang beses lang, palalagpasin ko ang ginawa niyo.

Papasok na ulit ako ng school building nang mapansin kong marami na palang estudyante ang nakapansin samin at nagsitigil sa paglalakad saka pinagtinginan kami. Lihim akong napasimangot. Hmp! Ba't ba naman kasi sumulpot ang mga yun at ginulo ang araw ko! Umagang-umaga. Naku naman! Badtrip! X_X

Ewan ko ba kung anong nakita nila sa lalaking yun at patay na patay sila dito. Ultimo personal life nong tao pinapakialaman! As if naman! Sila ang inaway ko. Tss. Kainis! Fang girls talaga.

Hindi kaya inutusan din sila ng lalaking yun? Siguro. Eww ang bakla niya. Pero kung tutuusin mas magmumukha siyang bakla kapag siya pa mismo ang nang-away sakin. Sana nga. Wag na niya ko gantihan sa ginawa ko sa kanya kahapon, nakupo! Lagot ako kung sakali. Err. Naaalala ko kasi ang pananakot sakin ni Mika e! Yung babaeng talagang yun, kahit kelan. Tsk.

Habang naglalakad ako napatingin ako sa may second floor ng building namin parang pakiramdam ko kasi may nakatingin din sakin. Hindi nga ko nagkamali, muntik na kong magpahalata na nagulat ako, buti na lang poker face ako.

Nakita ko yung unggoy nakalambitin. Lol hahahaha xD Kidding aside, nakita ko siyang nakatingin sakin. Nang-uuyam ang mga titig niya sakin. Argghhh... Kung pwede lang sanang may lumabas na pangsibat sa kamay ko ng matamaan ko tong unggoy na toh! Bwahahaha >:D

Back to the normal me. :)

Ready or Not, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon