Chapter Four. *Warned*

41 7 0
                                    

Third Person's POV

"O-M-G! Nakita niyo yun girls?!"

Gulat na sabi ni Lexie. Napatakip pa siya ng bibig. Hindi niya akalain na babatukan ng isang unidentified specie kuno ang pinakamamahal nilang si Travis. Kung nagulat sila sa nasaksihan nila mas nagulat naman ang mismong nabatukan at ngayo'y nakatulala ring nakatingin sa unidentified specie na papalayo sa kanya.

"Uh-huh."

Magkasabay na sabi nila Tricia at Donna na pahero ring natulala sa nakita.

"May goodness!!!! Sino yung mukhang bacteria na yun na sinaktan ang ating Travis?!"

Take note. Ang 'ating' Travis. Para sa hindi nakakaalam sila ang Fang girls na tinutukoy ni Suri sa chapter one pa lang. Ang leader ng grupo nila ay si Lexie at sila Tricia at Donna ang mga kagrupo nito. Sila ang mga babaeng all day kulang na lang all night na laging nakadikit kay Travis. Kung wala lang silang mga mukha mapagkakamalan niyo na sila ay isang blood-sucking worm na kung tawagin ay linta. ^_^

"Hindi pwede toh! Anong karapatan niyang batukan ang Travis ko?!",ani Lexie.

"Ehem!"

Si Donna.

"Travis mo? Hindi ba Travis NATIN siya?"

Nadala siguro ng sobrang emosyon itong si Lexie kaya nasabi niya na sa kanya lang si Travis bagamat nangako silang tatlo na sa 'kanila' si Travis.

Napalingon siya kay Donna saka lihim na napairap.

"I mean Travis natin."

"Good."

Sus! Kung alam niyo lang parehong nagpaplastikan ang tatlong toh. Halos hindi sila magkasundo sa lahat ng bagay. Si Lexie na anorectic at may malaking thigh gap ay mahilig sa modelling, si Tricia na tulog nang mga panahong si Lord ay nagsaboy ng katangkaran at ginawang pag-asa ang heels ay mahilig sa pageants at si Donna ang babaeng malambot pa sa gulaman ang katawan ay mahilig sa pagsasayaw. Silang tatlo na kung tawagin ni Suri ay the Fang Girls ay sikat din naman sa campus nila. Marami rin silang tagahanga at marami ring lalaki ang nagkakagusto sa kanila. Kaso ang mga lentang eto este ang mga babaeng toh e sabay sabay yatang napana ni kupido na sa tingin ko ay naduling sa mga panahon na yun at tanging nakaset lang ang  'pagmamahal' nila kay Travis.

Nagsama-sama lang sila dahil sa iisang common goal nila-ang maging babae ni Travis. Babae ang term kasi wala pang sineseryoso si Travis na babae at ni minsan wala siyang sinasagot sa mga toh. Not interested ang lolo niyo. :D

"Girls tigilan niyo na ang argument na yan at dapat pa nating alagaan ang Travis natin. You see?! How can that stupid girl make batok of our Travis?!"

Putol ni Tricia sa namumuong bangayan ng dalawa.

"Oh-mee-jee you're right. Ah baby!!!!!"

"Travis my dear."

Suri's POV

"Ansaya-saya ko talaga best! Akalain mo yun? Kahit napagod ako sa kakahanap sa unggoy na yun napawi naman lahat ng pagod ko kasi naisahan ko siya!!!"

Kung pwede lang siguro magningning ang mga mata ko para makita ng bestfriend ko kung gano ako kasaya nang mabatukan ko si Travis e sana kanina pa ito kumikintab. Feeling heaven ang pakiramdam ko tuwing naalala ko ang nangyari kanina. xD

"Oo na."

Tinatamad na pagsang-ayun nito. Kanina ko pa kasi sa kanya ikinukwento yung nangyari pati na rin ang paulit-ulit na nararamdaman ko. Andito kami ngayon sa playground ng elementary namin. Dito lagi ang tambayan namin tuwing uwian.

Ready or Not, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon