CRRAAACCCCKKKKK.
Ahhhh!!!!!!!!!! Sayang yung itlog! Panlimang itlog ko na toh ah. I mean panlimang biyak ko na ng itlog toh pero kahit anong gawin ko lahat yata ng shell niya nakacrack. Yan tuloy imbis na ung egg white at yolk lang ang nasasama sa mangkok pati yung shell napapasama. -_-
Kanina pa ko ganito. Bwisit talagang Travis na yan! Arghh! Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan yung mga sinabi niya sakin kanina. Nangagalaiti pa rin ako. Tsk. Pati tuloy ang mga inosenteng itlog na toh nadadamay. Huhuhu kawawa naman kayo, inabort na nga kayo ng mga nanay niyo ngayon naman napagbabalingan ko pa kayo ng galit.
Kasalanan niya toh! Hai. . . . baka wala na akong makain nito. Wala nang laman ang ref ko at wala na ring instant noodles at mga de lata sa cabinet. ;(
Ang hirap talaga pag mag-isa ka lang sa bahay. Walang magluluto ng ulam mo. Hindi naman kasi ako marunong magluto. Hanggang prito lang ang alam ko. Nasan na ba kasi ang nanay ko? Hayyyyy. . . . Nakakalungkot tuloy.
Sniff. Sniff.
"Hinahanap mo ang nanay mo e ayun nga sa abroad naghahanap buhay para sayo. Tanga lang ang peg mo."
Nilingon ko ang aking konsyensya.
Pitik. Pitik.
"Waah! I'm gone."
Ba't ba ayaw ako tantanan ng salitang tanga?! Err. . . Paulit-ulit na lang na nag-eecho sa tenga ko. Tsk. And speaking of my mom, tatlong taon na siyang nasa New Zealand. Kinailangan niyang umalis ng bansa para daw mapag-aral niya ko. Wala na kasi kaming ibang maasahan kundi siya. Eight years old pa lang ako simula ng iwan kami ng hinayupak kong ama at sumama sa ibang babae. Mas pinili niya pa ang kabit niya kaysa samin na pamilya niya.
Nakakainis. Pareho silang nakakainis ng lalaking yun! Hmp. Ba't ko ba iniisip ang mga konabibwisitan ko sa buhay?! Makapag-luto na nga ng makatulog na.
~The next day.~
Suri's POV
"Bah! Himala late ka yata ngayon Suri?"
Si Mika. Kakarating ko lang, bale 10 minutes late na ako sa unang subject namin. Buti na lang lumabas muna yung teacher namin. Dyahe naman kasing project yan. Tinakbo ko pa ang kabilang building para lang maabutan si Ma'am Alice. Di pa ko magkandaugaga sa pagbitbit ng mga pinrint na report. At speaking of report, letse talagang Boy Sungay yan! Err hindi niya man lang ako binigyan ng pera pangprint. Humanda siya mamya sisingilin ko siya ng doble! Bwahaha >:D
Naupo na ko at inilagay ko sa taas ng mesa ang bag ko. Medyo hinihingal pa ko. Huminga muna kong konti saka hinarap si Mika.
"E pano andaming nagpapaprint don sa may computer shop. Naghintay pa tuloy ako. Tsk."
"Ahhh."
"Dapat pala sayo ko na lang binigay yun at ikaw ang nagprint."
"Eee. Sorry ka na lang, tapos na e. Hahaha"
Antokwa naman tong kaibigan ko oh. Sinamaan ko nga ng tingin. Agad naman niyang binawi ang tawa niya.
"Sige next time, magkukusa na ko."
"Hah! Dapat lang noh. Kundi isusumbong ko kayo kay Ma'am."
"Waah! Ikaw naman Suri magkaibigan tayo diba?"
Nagbeautiful eyes pa ito. I almost rolled my eyes.
"Ano yan? Blackmail lang? Hmp. Pasalamat ka mabait ako."
"Talaga lang. Kaya nga ikaw ang class president e. Hehehe"
BINABASA MO ANG
Ready or Not, You're Mine
Teen FictionManiwala na ang lahat sa 'love at first sight' pero may isang natatanging nilalang na mas gusto pang paniwalaan ang 'hate at first sight'. Nag-umpisa ito simula nang makaharap ni Suri Domingo ang campus crush con heartthrob con playboy ng school nil...