Graduation Day!

27.5K 535 7
                                    


"Congratulation Hija. You made it!" wika ni Romualdo Venezuela sa nag-iisang anak na si Georgina.

Sa narinig ay bumasangot si George. Ilang beses bang sasabihin sa ama na hijo siya hindi hija.

"Georgina Buenaflor Venezuela," tawag ng emcee sa pangalan niya. Hindi siya tumayo kahit nakitang tumayo na ang ama. "Georgina Buenaflor Venezuela," muling ulit ng emcee.

"Ikaw na!" untag ng kaklaseng si Carlo.

Wala siyang nagawa ng lumapit na ang ama na tila galit na naman ang mukha nito.


"How I hate that name. Georgina. Awww!" Himutok niya habang paakyat sa stage. Nakita niya buhat doon ang girlfriend na si Stacy na masayang kumakaway pa.

"Mind explaining what happening to you?" Inis na baling ng ama nang nakababa na sila ng stage.

"Holy shit!" Hindi mapigilang mura nang makitang papalapit sa kanila si Stacy. Sumenyas siya dito pero tila hindi nito nakuha ang kanyang nais ipahiwatig. She knows very well na ayaw na ayaw ng ama na umaasta siyang lalaki. Much more kapag nalaman nitong may girlfriend siya.

"Huwag mo akong mumurahin!" Mataas na tinig ng ama.

"Sorry dad," agad na sabad.

Hindi na alam ni George ang gagawin lalo na payakap na sa kanya ang girlfriend at hinalikan siya sa labi.

"What the heck are you doing young lady? Is it proper to kiss a girl lip to lip." Matigas at dumadagundong nang tinig ni Romualdo.

Tila napahiya ang kasintahan sa sinabing iyon ng ama. "Dad, she's my girlfriend. Give some respect," aniya sa ama.

"Georgina. Don't talk about respect. Have you ever respect yourself? Babae ka at kailan man ay hindi pwede magkaroon ka ng kasintahang babae. Tandaan mo iyan," duro ng ama sa kanya saka nagpatiuna sa sasakyang nakahimpil doon.

Wala siyang nagawa kundi ang humingi ng paumanhin sa kasintahan at sumunod sa ama habang nakasunod ang isa pang bodyguard nito.

Inis na inis pero wala siyang naagwa dahil batid na kapag sumuway siya ay ipapakaladkad siya nito sa bodyguard nito.

Sumenyas siya sa kasintahan saka nagflying kiss rito.

Agad naman nitong sinalo iyon sabay ngiti sa kaniya nang muling bumaling ang ama. "Are you kidding me?" Madilim na mukha nito.

"Dad, as you can see. I'm not normal—"

"So, sinasabi mong abnormal ka?" Sarkastikong wika nito.

"No!" Giit rito:

"Then act like a normal woman. I'm warning you Georgina," turan nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang nagawa kundi ang sumunot rito at padabog na pumasok sa backseat ng upuan.

"Kahit magdabog ka pa ng magdabog. Kailan man ay hindi ko mapapayagan na ang nag-iisa kong anak ay may karelasyong babae." Matigas at tila pinal na wika ng ama bago pinausad ng driver bodyguard nito ang sasakyan.

Umirap siya rito.

"It will not change anything. God makes you a woman, so act like a woman. I want a grandchild in due time."

Sa sinabing iyon ng ama ay tila gusto niyang magwelga. "Apo? Kalokohan," bulong sa sarili.

"It's not a joke. I really wanted a grandchild. And who will give that to me kung kapwa mo babae ang karelasyon mo?" Muling litanya na naman ng ama. Papasok na sila sa malaki nilang bahay pero hindi matapos tapos ang sermon nito.

Pagkababa nila ng sasakyan ay agad na pumasok sa loob. Ngunit hinabol pa siya nito.

"Hiwalayan mo ang babaeng iyon?"

"No."

"Do it!"

"Dad?" Angil rito.

"You know me Georgina," madiing wika.

Nakipagsukatan siya ng titig sa ama.ang kasintahan na nga lang ang nagpapasaya sa kaniya tapos mawawala pa.

"No!" Salubong sa titig ng ama.

SEDUCING THE BILLIONER's DAUGHTER(Certified Tomboy)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon