😻Indecent Job

13K 377 9
                                    



Pagod na pagod si Jeremy sa pagtatrabaho sa fast food na iyon. Kasabay pa ng maghapong tutok sa pag-aaral halos apat o limang oras lamang ang tulog. Ngunit kahit anong hirap ay gagawin maipakita lang sa ama na kaya niyang magtagumpay. Ayaw niyang lumapit sa mama niya dahil tiyak na sasabihin ng ama na wala siyang isang salita, na nilamon niya lahat ang sinabi rito.

Patang pata ang katawan at pabagsak na inihiga sa kanyang kama nang magring ang cellphone niya. Tinatamad na kinuha iyon at sinagot. "Hello," aniya na antok na antok.

"Hijo, kumusta ka na. Tito Romualdo mo ito. Nagkita kami ng iyong ama kanina at sinabi—" litanya ng nasa kanilang linya.

"Sinabing naglayas ako," dugtong niya.

Tumawa ang nasa kabilang linya. "Hijo, mukhang pagod na pagod ka ah," usisa pa nito.

"Opo, full time kasi ako sa trabaho ko at full din iyong units ko," aniya rito.

"Saan ka naman nagtatrabaho?" Usisa ulit nito. Napakunot noo siya dahil interesadong interesado ito. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman malalaman ng papa mo. May trabaho kasi akong ipapagawa sa'yo. Mas madali at mas malaki ang kita," anito.

Siya naman ang natigilan sa sinabi ng kausap. "Ano po iyon tito?" Mabilis na tanong dito.

"Seduce my daughter," matatas na wika.

"Again?" Aniya na tila hindi narinig ang sinabi nito.

"You heard me right Hijo. Paibigin mo ang anak ko at babayaran kita ng sampong milyon," anito.

"You're kidding me?" Hindi mapigilang sabad rito.

"I'm serious," anang naman ng kausap.

Paano niya paiibigin ang anak nito eh mas lalaki pang umasta at masaklap mas guwapo pa ito sa kanya.

"Tito mukhang impossible ang pinapagawa mo," alinlangang wika.

"Walang impossible Jeremy. Babae ang anak ko. At ang babae ay para sa lalaki," anang pa nito.

Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Para sa kanya impossibleng mapaibig ang isang katulad ni George.

"Pag-isipan mo Hijo. Sampong milyon. Makakapag-aral ka na may pangtayo ka pa ng engineering firm mo," pangungumbinsi nito.

"Pag-iisispan ko po."

Pero kahit anong isip ay napaka-impossible ang inuutos nito. Lalaking lalaki kasi ang anak nito tignan idagdag pang kaliwa't kanan ang girlfriend nito. Baka nga ibalibag lang siya nito kapag nagtangka siyang hawakan man lang ito. Paibigin pa kaya.

"Pag-isipan mo hijo. Ayaw kong mawalan ng pag-asa at gusto kong magkaapo," dagdag pang wika nito.

Gusto niyang tumawa sa narinig buhat sa kaibigan ng ama. Nagpapatawa ba ito. Magkaapo. Titi na nga lang ang kulang eh lalaki na ang anak nito.

"May nakakatawa ba?" Untag ng nasa kabilang linya. Hindi niya namalayang napatawa nga pala siya sa sinabi nito.

"Wala po tito. Wala!" Mabilis na sagot rito.

SEDUCING THE BILLIONER's DAUGHTER(Certified Tomboy)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon