Matapos ng isang linggong pag-iisip ay naisipan niyang tanggapin ang offer ng tito Romualdo niya. Kailangang-kailangan niya kasi ang pera para sa project nila sa thermodynamic at sa trouble shooting. Nahihiya na siya sa buong klase nila na laging huli sa pagpasa sa mga project o 'di kaya ay pahirapan sa pagbibigay ng contribution sa mga gagamitin sa kanilang activity. Idagdag pa ang bayad niya para sa kanilang paparating na defense.Tinawagan niya agad ito matapos ng kanyang klase at sinabing dumaan siya sa kanilang bahay upang mapag-usapan daw nila ng masinsinan ang lahat ng kondisyones ng gagawing pagpapaibig sa anak.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at agad na tinungo ang bahay ng mga ito matapos ng klase niya. Mabuti at nataong off sa pinapasukang fast food."Hijo, glad you came. Have a seat," ani ng tito Romualdo niya nang mabungaran siya sa malawak na bulwagan ng mga ito.
May-ari ito ng isang construction company na nagsusuply ng mga construction product sa lahat ng ace hardware sa buong bansa at idagdag pa na share holder siya ng isang international company at marami pang iba.
Tumalima naman agad siya sa sinabi nito. "So, tatanggapin mo na ba ang aking alok?" Nakangiting tanong nito na tila puno ng pag-asa ang mukha.
"Yes, tito. Kailangan ko nang pera pero sana ay gaya ng mga kondisyones na sasabihin mo ay may isa lang akong hiling. Sana ay hindi ito makarating sa aking papa," hiling dito.
"Sure! Usapang lalaki ito. Makakaasa ka," agad naman nitong turan sabay tapik sa kaniyang balikat.
Dumating ang isang kawaksi na may dalang tray na may juice. "Uminom ka muna hijo at mahaba-haba ang sasabihin ko," anito. Mukha ngang mahaba ang kondisyones nito patungkol sa gagawing pagpapaibig sa anak nito.
Uminom naman si Jeremy dahil sa totoo lang ay kanina pa siya nauuhaw. Mabilis na naubos ang inihain sa kaniya. Nakitang napangiti pa ang kaniyang tito Romualdo.
"Gutom ka ba? Sabihin mo lang at magpapahain ako?" Wika nito. Marahil ay napansin nito ang ginawang pag-inom.
"Naku, okay lang po ako tito. Nauhaw lang po ako." Agad na awat rito. Medyo nakalam ang sikmura dahil isang burger lang ang kinain kanina.
"Okay," anito saka muling sumeryoso sang mukha. "Paiibigin mo siya pero hindi mo siya pwedeng galawin. Alam mo na ang ibig kong sabihin." Panimula ng kausap. "Gusto kong baguhin mo siya, iyong magpahaba na siya ng buhok. Iyong babaeng magkakagusto na sa lalaki hindi sa kapwa babae," dagdag nito.
Napaubo siya sa huling sinabi nito.
"Okay ka lang ba talaga hijo?" Untag na tanong nito sa kaniya.
"Opo tito, mukhang mahirap ang ipapagawa mo ah." Aniya upang maibsan ang pagiging seryoso nito.
"I know, pero naniniwala akong pwede ko pang baguhin ang anak ko. Gusto ko ng apo pagdating ng araw." Ulit nito.
"Mukhang mahirap tito pero susubukan ko," turan na lamang sa kausap. Nang maya-maya ay bumungad sa pintuhan ang kanilang paksa.
Napalunok si Jeremy. Napakaguwapo ang nakikitang papasok. Tila lalaki ito sa gupit at ayos. Kung lalaki lang ang katawan nito kagaya niya ay mas guwapo pa ito keysa sa kaniya.
"Georgina!" Tawag ng tito Romualdo niya sa anak nito.
Nakakunot ang noo nitong lumapit sa kanila. "Dad, do I need to repeat always that I'm not Georgina. I'm George," giit muli ni George sa ama.
'George daw,' ulit ni Jeremy.
"Hey! Did you say something?" Maangas na baling nito sa kanya.
"No, do I say something. Nothing," maang-maangan ni Jeremy.
Tumiim ang titig nito sa kanya. Ngumiti naman siya ng simpatiko. "I am going," anito saka tumalikod sa kanila.
"You're not going anywhere. Have dress 'cause you have a dinner date with Jeremy," utos ng ama nito.
"What?" Sabayan nilang bigkas.
"You heard me right?" Uyam ng napipikon na ama.
"Are you trying to annoy me Dad?" Baking ni George sa ama. "I am not going to have a date to any guy. I'm one of them," mariing wika ni George.
Gustong matawa ni Jeremy buhat sa narinig sa kaharap. Lalaki raw ito. Lalaking walang bayag. Hidni tuloy niya maiwasang mapangisi.
"Anong nginisi-ngisi mo diyan?" Mabilis na untag ni George sa lalaking kasama ng ama. Kilala niya ito at may pagtataka man kung bakit nasa bahay nila pero hindi na niya inalam pa.
Tatakikod na sana siya nang marinig ang baritonong tinig ng lalaki.
"You should get dress and enjoy the night," tudyo pa nito.
"Wtf, who are you do say what I'm gonna do?" Galit na galit na wika rito.
"Georgina! Watch your word. Hindi kita pinalaki ng ganyan." Banas na ng ama na kanina pa nagtitimpi.
Ngumiti si Jeremy ng makitang umirap si George. Kaya naisip niyang mas lalo pang inisin ito.
"I'm your future husband. So, better wear your sexy dress and come with me. I bit you will like it," aniya nang biglang umbagin siya nito.
Sapol ang panga niya sa suntok ng babaeng kausap. Halos umikot ang paningin niya sa lakas noon. Dahil hindi napaghandaan ay halos bumalandra siya.
"What did you do?" Malakas na sambit ng ama nito kay Georgina. "Georgina, I am warning you. Stop acting like a man because you're never be a man. Understand!" Dumadagundong na boses ni Romualdo. "Hijo, okay ka lang ba?"
Agad namang nakabawi si Jeremy. Gusto niyang mapamura sa sarili. Babae pa ang ang magpapatumba sa kaniya. Nang maayos ang sarili ay agad na nagsalita.
"Opo tito, maayos naman ako. Lakas manuntok ang anak niyo ah. Mahirap paamuhin," gagad rito nang tumuyang makaalis ng babae.
Matapos makitang bumalandra ang lalaki ay agad na umalis si Georgina. Nabigla rin siya sa ginawa pero hindi siya nagsisisi. Akala niya siguro ay madali siyang mauto. Nakita pang inalalayan ng ama ito patayo. 'Buti nga sa'yo.'
Kapwa na lamang nakatingin sina Jeremy at ang tito Romualdo niya sa anak nitong papaakyat sa hagdan.
"Alam kong mahirap ang pinapagawa ko hijo pero alam kong may pag-asa pa siyang mabago. Kaya ikaw ang napili ko dahil kilala na kita. Kagaya mo ay may prinsipyo rin ako. At alam kong magtatagumpay ka, determinado kang bata." Pagpapalakas pa nito ng loob niya.
Napalunok si Jeremy sabay sapo sa panga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para mapaamo ang babae pero kailangan niya ng pera.
"Tito, paano kung sa huli ay hindi ko magawa ang misyon ko?" Alanganing wika.
Tumawa ang kaniyang tito. "Huwag mong isiping hindi mo magagawa. Kilala kita, you prove your worth. Look at you now, nagagawa mong pag-aralin ang sarili mo ng walang tulong galing sa pamilya mo. I know you can do it hijo. I believe in you," akbay nito sa kaniya.
Napangiti na lang siya rito.
Maya-maya ay lumapit ito sa isang drawer at nilabas doon ang isang sobre. Alam na niya ang laman noon.
"Isang daang libo, panggastos mo. If you need more, just ask me." Anito sabay abot sa kanya. Napangiti siya dahil solve na ang problema niya. Ngunit kapalit naman noon ang problema kung papaano paaamuhin ang babaeng pusong lalaki.
Ngayon pa nga lang ay nasuntok na siya nito. Tiyak na hindi lang black eye ang mangyayari sa kaniya.
Kailangan niyang mag-isip kung papaano papaamuhin ang tomboy na kagaya ni George. Napangiti siya sa naiisip.
BINABASA MO ANG
SEDUCING THE BILLIONER's DAUGHTER(Certified Tomboy)(COMPLETED)
RomanceSEDUCING THE BILLIONAIRE'S DAUGHTER Genre: Romance BLURB: Paano mo iseseduce ang isang tomboy na kung umasta ay mas lalaki pa sa lalaki. Paano mo mapapaibig kung mas marami pang syota kesa sa'yo. Bilhan ng t-back ngunit ibabato lang sa mukha mo. Hah...