*****
Nakakainis naman tong araw na toh! Masyadong maraming mga nangyayari dito! Di na maabsorb ng utak ko. Pero bakit nasa grade 12 siya kanina? Tapos nandito na siya ngayon sa grade 11 at katabi ko pa?! What the heck!!!
Maya maya lang ay may pumunta ng harap at nagsalita...
"Guys merong announcement!! May meeting lahat ng teachers ngayon so walang klase ngayon. Medyo matagal pa ata matatapos dahil pinag uusapan nila yung tungkol sa mga bagong ipapatupad dito sa Academy na ito. So parang Free Day na natin toh!! " announce niya sa amin.
Medyo natuwa naman ako kahit papaano dahil hindi ko makakasama tong mokong na to! Atleast di ko siya makakatabi For Now!
Agad agad akong lumabas ng classroom at naglakad lakad kung saan mapapad pad.
Habang naglalakad ako ay napaisip ako. Kung lumipat si Fhronner dito para sa girlfriend niya?? Sino ang girlfriend niya dito sa Academy?!
Hindi ko namayalan na may nakabungguan pala ako. Agad akong humingi ng paumanhin sa kanya.
"S-sorry po. D-di ko sinasadya. " paghingi ko ng tawad sa kanya..
"Ahh. It's okay. Haha! " medyo may naramdaman ako sa lalaking toh! Parang may kakaiba sa kanya. Tsaka parang nakita ko na din siya somewhere.
"Pamilyar ka sa akin. " sabi ko sa kanya.
"Syempre naman! Hahaha! Ano ka ba?! Kapatid ako ni Ron and ikaw ung nililigawan ni kuya?? " sabi niya!. Sabi ko na nga ba eh! Tama ako ng hinala! Bakla pala tong kapatid ni Ron. Hahahaha! Tsaka tama nga ako nakita ko na toh. Pero di ko maalala kung saan.
"Nice to meet you. I'm Jricxynne but you can call me Jricxy. " pagpapakilala ko sa kanya.
"I'm Lester . But you can call me Leslie. Hahahaha!!! " sabi niya tsaka inabot ko naman yung kamay ko pero nadismaya ako ng tignan niya yung kamay ko tsaka parang nandidiri siya?! Tengne! Arte lang ah?! Kala mo naman may germs yung kamay ko.
"Sorry pero di ako nakikipag shakehands sa mga babae! Like you! Buti sana kung lalaki ka. Pero sorry you're not a boy. Ahahahaha!!!!" Tawa niya. Lanyang baklang toh kapal ng mukha!
"But we can be friends. Hahahaha! " sabi niya. Ano bang meron?! Bat tawa siya ng tawa?!
"Sure!" Sagot ko naman. Syempre para maging close ako sa pamilya ni Ron diba?!
"Tara canteen tayo? Nagugutom yung baby ko eh. " sabi niya sabay hawak sa tiyan niya at hinimas himas niya pa ito.
Tumango na lang ako para sa pagsang ayon ko. Medyo nagugutom na din kasi ako eh. Hindi kasi ako nakapagmeryenda kanina dahil nawala ako sa mood tsaka umalis din si Ron.
Habang naglalakad kami papuntang canteen ay nag open ako ng topic.
"Alam mo na ba yung nangyari sa Lola niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Ah oo naman ako pa. Nagulat nga din ako eh. Ako yung unang tinawagan nila para pumunta sa ospital kas medyo busy ako kanina kaya sinabi ko na si Kuya na lang. " paliwanag niya sa akin.
"Ahhh.. May iba pa bang naging girlfriend si Kuya mo? " na curious ako kung meron pa ba siyang ibang naging girlfriend maliban sa akin.
"Ah... Oo si Trellyza kaso di sila tumagal. " Lester
"Bakit naman? "
"Kasi habang patagal ng patagal eh lumalabas yung totoong katauhan niya. Nagiging demonyo na kaya ayun. Di na natiis ni Kuya nakipaghiwalay siya kay Trellyza. " hindi nakuwento sa akin ni Ron yan ah?
YOU ARE READING
Dear Ex Boyfriend (SLOW UPDATE)
RandomHi ex! This is me! Narealize ko na hanggang doon na lang tayo. Kasi di natin kayang ipaglaban ang isa't isa. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon. At sa kinakasama mo. Sana maging masaya kayo.