Jricxynne P.O. V.
Nakabihis na ako at tapos ng kumain. Ang hinihintay ko na lang si Ron. Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng bahay namin. Bigla ko namang naalala yung letter na pinadala ni Fhronner. Totoo kaya yubg mga sinasabi niya dun sa letter. 'Baka niloloko niya lang ulit ako'. Pero anong gingawa niya sa school kahapon? Nakakapagtaka lang.
Maya maya lang ay dumating na si Ron.
"Ang aga mo naman ata? " biro ko sa kanya.
"Sorry naman daw. Sinermonan kasi nila ako daddy at mommy. " explain niya sa akin.
"Ah... Okay, let's go? " aya ko sa kanya. Ayoko na siyang tanungin tungkol doon.
Hinatid niya ako papnta sa kostse niya at tsaka niya ako pinagbuksan ng pinto.
"Uhmm... Di ka nagtext kagabi ah? " pag oopen niya ng topic.
"Sorry... D-di ko na kasi napansin. Medyo maaga din kasi akong nakatulog sa pagod ko. Medyo marami din kasing nangyari kagabi. " pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo di ako masyadong nakatulog dahi di ko parin maintindihan ang mga nangyari kahapon , mas lalo na doon sa sulat na pinadala ni Fhronner at nung time na nakita ko siya sa school.
"Okay lang naiintindihan kita. Pwede mo'kong kausapin. "
"I-I'm okay. N-nothing to worry about me. " sabi ko naman sa kanyan
"Okay... We're here. "Sabi niya tsaka nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Tara na , baka malate pa tayo sa class natin ngayon. " parang wala siya sa mood ngayon.
Habang naglalakad kaming papunta sa classroom namin ay walang umimik sa amin ni isa. Hanggang sa makarating na lang kami sa room.
"Thanks sa paghatid. " pagpapasalamat ko sa kanya, pero tumango lang siya at lumakad na paalis.
Di man lang siya nagpaalam sa akin. Bakit ganon siya ngayon? May nagawa ba akong mali sa kanya?
"Jricxy?! " tawag ng pamilyar na boses.
"Via?! " tawag ko din. Di ko alam na makikita ko siya sa room na ito.
Naalala niyo pa ba siya? Siya yung kahapon. Ying tinulungan namin kahapon ni Ron. Yung dinala namin sa clinic dahil natapilok siya sa heels niya.
"Grade 11 ka na din pala?!!" Takang tanong niya.
"Yeah... " sagot ko
"Bakit di mo ata kasama si Ron? Tama ba? "
"Tama. Ahh kakahatid niya lang sa akin kanina eh." Sabi ko
"Eh... Anong nang grade niya? " tanong nuya ulit.
"He's a grade 12 student. "
"I see... Tara tabi tayo ng upuan?" Aya niya sa akin.
"Sure! " pagsang ayon ko sa kanya.
Humanap siya ng may dalawa pang vacant seat. At nakahanap naman siya atsaka kami umupo.
Maya maya ay dumating na yung adviser namin at pumunta sa harap.
"Good morning class." Pagbati niya sa amin
"Good morning Mr. " pagbati din namin.
"So ngayon tayo mag iistart ng klase natin ngayon. So our subject today is Science. "
Science?! Agad agad?! Eto pa naman yung pinaka hate na subject ko!
DISCUSS
DISCUSS
YOU ARE READING
Dear Ex Boyfriend (SLOW UPDATE)
DiversosHi ex! This is me! Narealize ko na hanggang doon na lang tayo. Kasi di natin kayang ipaglaban ang isa't isa. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon. At sa kinakasama mo. Sana maging masaya kayo.