Via POV
Kakaalis lang kanina ni Ron pagkatapos naming maglandiaan kanina. Oo aaminin ko na mag pagkahigad ako, may pagkamakati ako kahit na ikakasal na ako sa taong ayaw naman sa akin. Kaya nakakasawa din namnag kulitin siya na mahalin ako pabalik kaya eto, naghanap ako ng bago but sorry if kung yung nahanap kong lalaki is my jowa na.
Buti lang kay Jricxynne yun ,dapat lang sa kanya yung nangyare para mabagok sana nga namatay na lang para hindi na umepal sa mga eksena ko habang nakikipagharutan.
Palabas na ako ng bahay ng may sumalubong sa akin na isang lalaki. Pero may naamoy akong hindi maganda sa kanya. Something fishy!
"Sino ka naman? " tanong ko sa kanya
"Isa lang naman sa may ari ng bahay na eto.. " sabi niya, so siy pala yung kapatid ni Ron.
"Bakit ka nandito sa pamamahay namin? " tanong niya
"Nakipaglandian sa kuya mo! Angal? "
"Oo! Kapal ng face mo na makipaglandian sa kuya ko?! Helloooo?! Mag girlfriend na po?!"
"Kasalanan ko ba kung ginusto din ng kuya mo na makipaglandian din sa akin?! Duh?! Ginusto niya, ginusto ko, so ginusto naming dalawa! Kaya wag ka ngang makijoin sa landian namin! " sabi ko.
***PAAAKKK***
"HOW DARE YOU?! " gigil na sabi ko
"Para yan sayo! Eto para sa paglandi mo sa kuya ko! "
***PAAAKKK***
"Eto para sa pagsagot mo sa akin!"
***PAAAKKK***
"AT ETO PARA SA LAHAT! "
***PAAAKKK***
"Tapos ka na ba?" Tanong ko.
"Hindi pa! " sagot niya pero oppsss. Sinangga ko agad yung sampal niya.
"Wag kang mamihasa na sampalin ako! " sabay bitaw sa kamay niya.
"Umalis ka na! " sigaw niya
"Oo aalis na ako! Thanks sa pagpapatuloy niyo sa akin dito. Salamat at pinapasok niyo ang isang demonyo dito! " sabi ko sabay tawa at labas na sa bahay nila.
Pagkarating ko ng bahay ay gusto ko na agad makatulog pero hindi eh. Dahil nakokonsensya ako sa ginawa ko kay Jricxy.
Pero di dapat ako makonsensya dahil kagagawan niya din naman yung eh. Bumawi lang ako para maprotektahan ang sarili ko.
See you in hell na lang kung mamatay ka na...
*****
YOU ARE READING
Dear Ex Boyfriend (SLOW UPDATE)
RandomHi ex! This is me! Narealize ko na hanggang doon na lang tayo. Kasi di natin kayang ipaglaban ang isa't isa. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon. At sa kinakasama mo. Sana maging masaya kayo.