*****
"I... I s-still love you... " gusto kong matawa sa sinabi niya.
Nagulat ako ng makita ko si Rin sa likod ni Fhronner. Makikita ko sa hitsura niya ang galit na galit na Ron. Nagulat ko ng bigla niyang sinugod si Fhronner dahilan para matanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Gago ka! " sigaw niya sabay suntok kay Fhronner.
"Pagkatapos mong saktan si Jricxy lalapit lapit ka sa kanya!! Tapos ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos ng lahat lahat na ginawa mong kagaguhan sa kanya sasabihin mo pang 'I still love you'!!!! " sigaw ni Ron sa harap ng mukha ni Fhronner.
Inawat ko sila. Dahil puro dugo na ang mukha ni Fhronner. Naawa na din ko sa kanya.
"Ano ba tama na!! " sigaw ko pero patuloy parin sila sa pagsusuntukan. Nagulat ako ng si Fhronner naman ang sumuntok kay Ron.
"Hindi ba kayo titigil d'yan?! " sigaw ko ulit. Tinulak ni Ron si Fhronner dahilan para ma out of balance siya.
Pumunta ako sa gitna nilang dalawa at pinahhiwalay ko sila.
"Anooooo baaaaa!!!! Sinabiii ko ng tamaaaa naaa!!!!! " sigaw ko sa kanila. Naiinis na ako sa kanila. Dahil yung mga ibang estudyante ay pinagtitinginan na sila.
"H'wag nga kayong mag away dito!!! Di ba kayo nahihiya?!! Ang daming nakatingin oh?! Dito pa talaga kayo magsusuntukan?! " naiinis na ako.
Sa inis ko nasampal ko si Fhronner.
"Tigilan mo na ako... May girlfriend ka na! Isipin mo naman si Via!! H'wag mong gawin sa kanya yung ginawa mo sa akin! Sakanya mo na lang ituon yang atensyon mo kaysa sa akin!! Wala na Fhronner, tapos na tayo. Tanggapin mo na... I'm sorry... " huling sambit ko tsaka ko hinila si Ron papuntang clinic para ipagamot yung iba niyang pasa at sugat sa mukha.
"What happened?! " salubong sa amin ni Lester.
"Bakit nandito ka? " tabong ni Ron kay Lester.
"Inaway kasi siya kanina. Kinalmot siya nung mga babae na umaway sa kanya kaya dinala ko siya dito para ipagamot yung kalmot. " paliwanag ko.
"Ikaw, bakit andito ka?! " baling ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba kasi kasama mo yung ex mo?! " sabi niya. Nainis naman ako sa sinabi niya.
"Bakit alam mo ba lahat ng nangyare kanina?! Diba hindi ko na nga siya sinagot sa mga pinagsasabi niya sa akin kanina?! Diba wala kang narinig sa akin?! Kaya h'wag mong sabihin na ayaw kong nandito ka kasi kasama ko si Fhronner! " sigaw ko.
"Oo nga wala nga akong narinig pero ano tong mga toh?! " sigaw niya taoos may pinakita siya sa aking sobre. Ito yung mga letter na pinadala sa akin ni Ron pati na din yung mga ibang letter na dapat ipapadala ko sa kanya kaso di ko napadala.
"S-saan mo nak----"
"Sa kwarto mo!! Kelan pa?! Ha?! Kelan pa yan?! " sigaw niya sa mukha ko.
"M-matagal na y-yan... " sagot ko.
"Matagal?! Kaya nga!! Pero kelan pa?! " sigaw niya ulit kaya nainis ako at sinagot ko siya.
"Last week lang! Oo last week lang yan!! Makapagsalita ka naman ng ganyan sa akin, bakit?! Boyfriend ba kita?! Huh?! Wala kang karapatang magselos kasi manliligaw pa lang kita!! " sigaw ko pero mukhang mali ata an mga nasabi ko.
"Oo nga... Tama ka nga hindi mo pala ako 'boyfriend' hahaha 'manliligaw' lang pala ako... "Sambit niya kaya parang napahiya ako.
"Alam kong di mo ako boyfriend pero parang sa sitwasyon natin parang tayo na. Kaya may karapaan parin akong magalit o kaya magselos dahil una sa lahat ,oo manliligaw lang ako pero hindi ibig sabi na porket manliligaw lang ako eh pwede mo na akong saktan , pinayagan mo akong manligaw dahil gusto mo na ako na ang makatuluyan mo hanggang sa huli. Pero yun pala may koneksyon ka pa dyan sa ex mo! " sigaw niya kaya unti unti ng tumulo ang luha ko.
"H-hindi t-totoo yan... " sabi ko.
"Totoo! Baka ginawa mo lang akong rebound?! " tanong niya pero umiling lang ako.
"Hindi. Kahit kelan di ko inisip na naging rebound ka.. " ayoko na. Gusto ko ng sumuko na lang.
"Wag ako... " sabi niya sabay labas ng clinic.
"Okay lang yan... " pag comfort sa akin ni Lester.
"Paano ako magiging okay? " tanong ko.
"Pabayaan mo na lang muna si Kuya. I think he needs a space. " paliwanag niya. Mukhang may point din siya.
Tumango na lang ako at lumabas na din ng clinic. Habang papunta ako ng classroom nakasalubong ko si Via kasama niya si Fhronner. Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal
*PAAAKKK! *
Inaamin ko na masakit yung sampal na yun. Pero di ko alam kung para saan yung sampal na yun.
"So ikaw pala yung ex ni Fhronner?! " taning niya.
"O-oo. " sagot ko sa kanya.
"Di mo man lang sinabi sa akin para nainform ako. Kapal mo din pala noh?! Ang kapal din ng boyfriend mo! Tignan mo nga tong ginawa niya sa mukha ni Fhronner!!! Pagbabayaran niyo toh! Sinisgurado ko yan! " pagbabanta niya sa amin. Makapagbanta naman si sa amin kala mo kung sino siya.
"Wag mo na kaming pagbantaan. Just do it... "Mahinahong sagot ko.
"Jricxynne... " pagpapatigil sa akin ni Fhronner.
"Kapal mo't sumagot sagot ka pa! " sigaw niya sa akin at sabay sambunot niya sa buhok ko.
At dahul nasaktan ako dun ay sinambunutan ko sin siya. Para kami ditong mga bata na nag aaway. Ewan ko ba pero naiinis ako ngayon. Ang sarap bunutin lahat ng buhok.
"Tumigil na nga kayo!! Via tumigil ka na nga!!! Mahiya ka naman!!! " sigaw ni Fhronner kaa naman napatanggal ng kamay si Via sa buhok ko at binitawan ko din yung buhok niya.
"Bakit?! Kinakampihan mo pa siya?! Kinakampihan mo pa yang ex mo kaysasa akin?! Sa girlfriend mo?! " sigaw niya sa mukha ni Fhronner.
"Hindi ko siya kinakampihan dahil una sa lahat a kasalana ko din kung bakit ko natamo tong mga sugat na toh. Tsaka wala din siyang kasalanan dito, ako ang may kasalanan dito. Kaya wag mong sabihin na may kinakampihan ako sa inyong dalawa! " sigaw din ni Fhronner kay Via.
"Yan kasi... Think before you speak. Alamin mo muna kung anong nangyare bago mo'ko sampalin. Susugod ka na lang bigla ng di mo alam ang dahilan?! That's bullshit!! " sigaw ko sa kanya.
Bago ako umalis ay sinampal ko din siya. Isang malakas na sampal. Yubg halos lahat ng galit ko nilagay ko doon.
*PAAAKKKK!!!! *
"OUCH!!! " sigaw niya. Bago ako tuluyang makaalis.
Di ko alam kung anonv gagawin ko ngayon. Galit sa akin si Ron nalaman na din ni Via at nagalit na din siya. Ewan ko ba kubg sino ang sisisihin ko sa mga nangyayare ngayon. Si Fhronner ba o Ako?! Ang tanga tanga ko naman kasi. Di ko alam kung sino ang masasaktan ko.
Lumabas na lang akonng campus at umuwi na lang....
****
❤Please don't Forget to VOTE ,COMMENTAND FOLLOW!! ❤
GOD BLESS!!FACEBOOK: Mark Allan Padohinog
INSTAGRAM: markxzxckiee
❤marKyutskiee❤
YOU ARE READING
Dear Ex Boyfriend (SLOW UPDATE)
AcakHi ex! This is me! Narealize ko na hanggang doon na lang tayo. Kasi di natin kayang ipaglaban ang isa't isa. Sana maging masaya ka sa buhay mo ngayon. At sa kinakasama mo. Sana maging masaya kayo.