1//

195 9 4
                                    

-Nobody's POV

PAPASOK na si Sarah sa bagong paaralan na kanyang papasukan. Lumipat siya ng paaralan dahil sa problemang pangpinansyal. Kaya kung dati ay sa malinis at  magarang pribadong paaralan siya nag-aaral, ngayon naman ay sa madumi at masikip na pampublikong paaralan ang bagsak niya.

 Di naging komportable ang unang pagpasok niya rito. Bukod sa pinagtitinginan siya ay maraming mga lalaking nangtitrip sakanya. Marami ring mga babae ang masasama ang tingin sakanya. Yumuko na lang ito at tumungo na sa kanyang magiging silid.

***

"Good morning class."

"Good morning Mrs Lee."

"Okay. You may take your seat." 
At umupo na ang buong klase.

Unang klase ngayon. Karamihan sa seksyong ito ang mga tinatamad at mga walang gana. Sa totoo lang, halos lahat ng nandito ay mga walang interes sa pag-aaral. Pumapasok lamang sila dito para humanap ng mga pwedeng pagdiskitahan. Ibigsabihin, mga bullybitch, at mga tarantado ang mga nandito.

 Ngunit ang inosenteng si Sarah ay walang kaalam-alam na magiging ganon ang ugali ng kanyang magiging mga kaklase...

"Ah maam, excuse po..." -si Sarah na kadarating palang.

Napatingin ang buong klase kay Sarah.

"Sino sila?" tanong ni Mrs Lee sa dalaga.

"Ah ako po yung transferee..." -Sarah

"Ah okay. Come in iha. Ipakilala mo ang sarili mo sa mga magiging kaklase mo."

 Nahihiyang pumasok si Sarah sa siliddahil sa presensya ng kanyang mga kaklase. Yumuko ito at nagpakilala.

"Hello. I'm Sarah Krys Yu. I'm from Westbridge Academy. Hope we can all be friends."

"ANO BA YAN?! Kelangan ENGLISH?!" naiiritang sinabi ng babaeng de color ang buhok na nagngangalang Hyoyeon.

 Pagkasabi niya non ay nagtawanan ang buong klase.

 Nagulat naman si Sarah sa inasal nila. Di niya pa nararanasan ang mga ganitong pakikitungo kaya bigla siyang kinabahan sa mga kaklase niya.

"QUIET! Ganyan ba ang tamang pagwelcome sa mga transferees? Ang nilalait ang pagpapakilala hah?" pananaway ng kanilang guro.

"Eh nakakainis po kasi eh! Porke galing praybeyt, wagas na kung maka-ingles! Paka-yabang. Feel na feel ang pagpapakilala." maarteng pagkakasabi ni Hyoyeon.

"Oo nga naman. Saka maam, di naman siya Amerikana ah? Pilipina siya maam! PILIPINA!" sabi ng babaing nakadekwatro at nanguya ng bubble gum na si Minzy.

Nagtawanan ulit ang buong klase sa sinabi ni Minzy. Ganito talaga ang ugali nila, may pagkachildish rin kasi ang mga ito.

Napayuko ang dalaga. Di niya inaasahan na magiging ganitong mapanglait ang mga magiging kaklase niya. Umaasa pa naman ito na mababait at friendly ang mga ito.

"Hoy! Wag nga kayong ganyan sakanya!"
Napatingin siya sa nagsalita. Gwapo ito at malakas ang dating nito.

"Ang ganda ganda ni Sarah tas ipapahiya niyo lang? Wag kayong ganyan oy!" 

Di niya maintindihan kung plastik ba ito o ano. Basta ang alam niya ay masasama ang mga ugali nila.

"O sige Ms Yu. umupo ka na dun sa vacant seat sa dulo."

Trust (Sehun FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon