3rd person pov
Umakyat si Yaya Relny para gisingin si Chlarise dahil mag hahapunan na.
"Chlarise gising na kakain na tayo. Nanjan si mommy mo sa baba may kausap na kaibigan daw niya nung high school." -Yaya Relny
"Opo bababa na po ako mag aayos lang po ako." -Chlarise
Nag-ayos ang dalaga at tsaka bumaba para kumain. Pababa pa lamang siya nang maamoy niya ang nilutong spaghetti ng Mommy niya.
"Ang bango!!" Sambit ni Chlarise nang maamoy ang spaghetti.
"Ito na pala si Chlarise, ang laki na niya!" Sambit ng babae.
"Oo, siya na yan, yung girlfriend ng anak mo dati" Sambit ng mama niya.
"Ayy oo nga tamang tama pala na nakita ko siya ngayon." Sambit ulit ng babae.
"Boyfriend ko? Sino po?"
"Ambilis mo namang mag move-on, nakalimutan mo na ata ako eh?" Biglang dumating si Lance.
"Oh lance andito ka na pala?" Sambit ng babaeng nanay niya pala.
"Kakarating ko lang din ehh narinig ko lang yung pinag uusapan niyo." Sagot ng lalaki sa ina nito.
"Umupo na kayo at kumain, tamang tama kasi masarap ang niluto ni Yaya Relny!" Sambit ng mommy ni Chlarise.
---------
ChlarisePagkatapos naming kumain ay agad akong nagpunta sa kwarto ko at inayos ang mga gamit na nakakalat sa sahig. Nagulat ako nang biglang umakyat si Lance sa kwarto ko dala ang folding bed namin.
"Oh anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.
"Sabi ni Tita dito daw ako matutulog ehh. Dun nalang ako sa kabilang side." Sabay turo sa gilid malapit sa pintuan papuntang terrace.
"Oo na ilatag mo na lang yan." Malas yung araw ko ngayon ahh.
"Geh goodnight!" Walang maganda sa gabi, ako lang.
To be continued.....
YOU ARE READING
Her Past is Her Future?
Teen Fictionisang babaeng hindi alam kung kaya pa ba niyang mabuhay sa kabila ng paghihirap sa past niya. Hindi niya alam na her past is her future? ibig sabihin maiinlove ulit ba siya kay Lance?