6 Ligaw again?

7 1 2
                                    

Kinabukasan as usual nandito parin kami sa bahay nila. Hindi kami nagpapansinan at himdi ko alam kung kelan ako makakauwi.

"Mommy aalis lang ako, pupunta lang ako ng mall kasi may lakad kami ni Jacob tsaka ni Sandra, Kasama din namin si Wendy." Paalam ni Chlarise kay Tita Jennifer.

"Oh Lance samahan mo muna to. Marami kasi akong ginagawa kaya hindi ko siya maihahatid. Samahan mo na rin para hindi ka ma boring."

"Ah sige po mag bibihis lang po ako."

Bakit ganon. Hindi manlang umangal si Chlarise. Diba ayaw niya sakin? Bakit parang mad gusto pa ata niya.

---------
Chlarise

At that night gising ako at narinig ko lahat ng sinabi niya. Kaya napag isip isip ko na bigyan siya ng chance na maging magkaibigan ulit kami pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya to eh.

Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na ako at sumakay sa kotse ni mommy. Ako na ang nag drive papunta ng mall.

Pagkarating namin doon ay tinawagan ko si Jacob upang malaman kung nasaan sila. Sinabi naman niya sakin na nasa sinehan pa daw sila. Mag uumpisa palang yung palabas kaya hindi pa sila pwedeng umalis.

'Haish kung minamalas ka nga naman oh'

"Tsk. Minamalas daw, dami mong alam." Sabi niya sakin. So narinig niya yung sinabi ko? "Halika na nga pumunta muna tayo doon. May titingnan lang ako." Sabay hatak sa kamay ko.

Wala rin naman akong magawa eh kaya ayun gumala muna kami.

Napapagod na kaming maglakad kaya nagpunta nalang kami sa isang lugar kung saan pwede kaming mag relax.

Umorder ka ako ng isang Chicken Sandwich at Fries na may kasamang juice.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kanang kamay ko. "Chlarise diba wala nang tayo?" ano bang klaseng tanong yan?!

"o-oo bakit?" Kinakabahan kong sagot.

Ngumiti siya na aabot hanggang langit. "So pwede kitang ligawan, ulit"

naestatwa ako sa kinauupuan ko. Bakit ganon? hindi manlang ako nagalit o nainis. Sa halip parang gusto ko pa?

Natauhan lang ako nang dumating na ang inorder ko.

To be continued.....

AN: guys hinabaan ko na kasi sabi nung kaibigan ko. "Ang ikli naman masyado habaan mo naman"

E N J O Y ! !

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Past is Her Future?Where stories live. Discover now