5 Sorry

6 2 0
                                    

Lance

Mga 10:47 na siguro ngayon, dalawang oras na ang nakalipas nung huli niya akong kinausap. Nakakalungkot lang na parang iniiwasan niya ako.

Hindi ko alam kung bakit ako lumapit sa kanya. Nakapatay ang ilaw at tanging ilaw lang ng buwan ang maaninag mo.

'Kailangan kong humingi ng tawad' yan ang nasa isipan ko. Kaya siguro ako lumapit sa kanya.

"Chlarise pasensya na kung iniwan kita noon. Ayoko lang na makita kang masaktan kapag umalis ako kaya hindi ko nalang sinabi sayo yung tungkol doon. Hindi naman talaga kita pinagpalit eh, kahit iba yung kasama ko ikaw pa rin yung nasa isip at puso ko." Pabulong kong sabi sa kanya.

Alam kong tulog na siya at alam kong hindi niya naman alam to eh.

"Wag mo naman sana akong tratuhin na parang hindi moko kilala. Tsaka sana wag mo naman akong iwasan."

Bigla nalang nanlabo ang mga mata ko at doon na pumatak ang luha ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang bumalik sa hinihigaan ko.

"Gusto kong bumalik tayo sa dati, kaya gagawin ko lahat ng dapat kong gawin. Papatunayan ko yung sarili ko sayo na talagang nagsisisi na ako sa mga ginawa ko noon."

At muli bumalik na ako sa hinihigaan ko. Gusto kong sumigaw pero hindi pwede kasi nanjan lang sila tita.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at doon hinayaan ang sariling umiyak.

To be continued....

Medyo maikli lang yung 5 kasi you know naman ihh inaantok na ko. Its already 11:08 inaantay ko lang mag 11:11 dahil mag wiwish ako.

G O O D   N I G H T   R E A D E R S

Her Past is Her Future?Where stories live. Discover now