Halos limang minuto pa lang nakalapat ang aking likuran sa isang malambot na higaan sa aking silid nang biglang naglakbay ang aking isipan.
Nakita ko ang aking sarili na may kasamang lalaki na hawak hawak ang aking kamay.. Malawak at matatamis ang ngiti niya ngunit sa hindi inaasahan ay bigla itong bumitaw mula sa pagkakahawak ng aking kamay, malungkot na tumingin sa'kin ang kanina'y matatamis niyang ngiti, biglang nawala napalitan ito ng isang blankong tingin at halos isang minuto kaming nagkatinginan.
Nakita kong unti unting naglaho ang kanyang muka maging ang kanyang katawan na tila naging abo ito. Lungkot ang aking naramdaman habang hinahabol ang mga abo na tinatangay ng hangin.
Ngunit hindi ko na ito nahawakan o nadama manlang sa hindi inaasahan ay biglang pumatak ang aking luha sa kanang pisnge . Nang biglang--
Naputol ang paglalakbay ng aking isipan nang narinig kong may mumunting katok mula sa pintuan ng aking silid.
"Anak, baba na kakain na tayo." Ani ni Inay
"Opo inay pababa na ho" Tugon ko naman. I caught myself crying too at sa kanang mata rin mismo bigla akong kinalibutan sa hindi alam na dahilan.
Wala ako sa aking sarili habang bumaba. Pagkababa ko nakita ko silang lahat na nakatingin sa'kin tila pinagaaralan ang muka ko. Pero hindi ko sila kinibo at dire-diretsong umupo sa isang silya.
"Anak, bakit tila ang lalim ng iniisip mo? Natutulala ka na riyan at halos hindi mo kinikibo ang iyong pagkain" Ani ng aking ina.
"Busog lang po ako." Maiksing sagot ko naman pero sa totoo ay bumabagabag lang sa aking isipan ang biglang lumitaw sa na imahe ng lalaking na kasama ko..
Napaalam naman ako sa aking Ina na pupumunta na sa aking silid. "Inay, aakyat na po ako." Ani ko. Pumayag naman ang aking ina.
Pagkarating ko sa aking silid ay nagmuni-muni ako. Bigla ko namang ibinagsak ang aking katawan sa malambot na higaan ko.
"Siguro dahil sa pagbabasa ko ng wattpad yun. Wala naman sigurong kahulugan iyon." Ani ko habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto.
Hindi ko namalayan nang bigla nalang ako nakatulog.
- - - -Habang nasa malalim na tulog ako tila may naramdaman akong umaayog ng aking balikat hindi ko ito pinansin. Sa halip ay hinila ko ang kumot ko hanggang ulo at itinakip ito.
Pero bigla niya rin hinila pabalik ang kumot iritadong umupo ako sa aking higaan. "Ano bang problema mo?" Kunot noong tugon ko.
Nagulat ako nang makita ko si Ina na nakacrossed-arms na nakatingin sa'kin. "Anak, nakalimutan mo ba? 1st day of school mo ngayon."
"Oo nga po pala, nakalimutan ko sorry. Akala ko kasi si kuya johay ang humihila ng aking kumot" Nakangusong tugon ko.
Tumawa lamang si Inay at hinila ako patayo. "Gising na anak." Ani ni mama, habang yakap yakap ako. Gan'to talaga maglambing si Inay sa'min ayaw niya kasing magkaroon kami ng gap sa isa't isa kaya kung maari ay kahit matatanda na kami ginagawa niya pa rin kaming mga baby niya.
"Opo ma, sige po. Maliligo na ho" Ani ko. Kumawala naman ako sa pagkakayakap niya. Hinagkan ko ang pisnge niya. Saka, walang gana naman akong pumunta sa cr sa aking kwarto.
Pagkarating ko sa cr umupo ako sa toilet bowl at imidlip roo'n ganito talaga ang gawain ko tuwing may pasok. "Kahit 5 minutes lang" bulong ko sa sarili ko. Papikit na ang aking mga mata..
Nang may narinig akong may bumato ng isang matigas na bagay sa pintuan ng cr, bigla naman akong napatayo sa sobrang taranta..
"Bilisan mo raw maligo diyan, parang nagrorosaryo ka dya'n sa loob ng cr ah" Sigaw na sabi ni kuya johay. Kumulo naman ang dugo ko.

BINABASA MO ANG
A Love Misspent
ChickLit"Is there any chances that you'll comeback to me? Is there a possibility for you to love me again, even though our past relationship ends up by hurting each other?" Highest ranking #72 in Chicklit #81 in Chicklit 💓 #87 in Chicklit