Chapter 2

71 10 11
                                    

Kitang kita ko kung paano nawala ang mga ngiti niya sa kanyang labi at pinalitan ito ng walang emosyon na tingin.

"Hindi ako pwedeng magkamali, yung mga mata.. yung mapupungay na matang 'yun.

Yun 'yung nakita ko nung naglakbay ang aking isipan. Tila, nanaginip ako ng gising nun.

Nung napawi ang kanyang ngiti at napalitan ito ng walang emosyon na tingin. Kitang kita ko kung unting unti naglaho ang kanyang muka maging ang kanyang katawan.

'Tila naging abo ito'

Yung mga ngiti niya nung nabangga niya ako, hindi ako nagkakamali hawig na hawig niya ito. Do'n sa lalaking imahe na nakita ko kahapon.

Sa hindi malaman na dahilan ay nasasaktan ako, nasasaktan ako. Tila, may sariling utak ang puso ko hindi ko ma-controll ito.

"Pero, ano bang meron sa lalaking yun? Ano ba ang koneksyon ko sa lalaking 'yun? o may koneksyon ba ako sa lalaking 'yun?." I shooked my head. I'm totally frustrated.

Bigla naman akong kinalabit ni jaymee. "Okay ka lang frenny? Bakit parang kanina mo pa kinakausap sarili mo? O may kausap kang iba na hindi ko nakikita? Omg. Frend don't make takot takot me." Ani niya habang yakap yakap ang sarili niya 'tila takot na takot ito.

"Oo, may kausap ako... Isang nilalang na hindi mo nakikita!" Iniba ko naman ang boses 'yung boses na nananakot.

Kumaripas naman sa pagtakbo ang sirang plakang babaeng 'yun. "Aaaaah!" Sigaw nito.

Nagulat naman ako sa inasta niya pero hindi ko pa rin maiwasan matawa. "Ang oa talaga ng babaeng 'yun. But still, thankful ako sa kanya kung hindi ko siguro siya nakita kanina baka naligaw na ako." Bulong ko sa kawalan biglang napangiti naman ako.

Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko yung lalaking nabunggo ko kanina. Kung kaya't lutang na lutang ako habang papunta sa silid aralan namin hanggang sa hindi ko naramdaman na nasa harap na pala ako ng classroom namin.

Pagkarating ko sa classroom namin, agad agad ako pumunta kung saan nakaupo si jaymee. Tahimik ito ngayon habang kinakalikot ang cellphone niya.

Hinila ko ang upuan sa gilid at itinabi ko ito sa kanya. Nagulat naman siya nung nakita niya ako. Akmang tatakbo na siya nang hilain ko siya. "Girl wag kang oa ha, niloloko lang kita. Don't take things too serious kaya ka nasasaktan e. 'Yung mga dapat biro lang ay sineseryoso mo." Taas nuong sabi ko sa kanya.

Bigla naman akong binatukan ni jaymee. "Aray ko!" Reklamo ko habang hawak hawak ang ulo ko. "Ikaw kasi, ayoko sa lahat multo tapos tinakot takot mo ko. I hate you girl!" Ani ni jaymee at inisnob naman ako.

Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating ang teacher namin.

"Goodmorning class, how's your vacation? Masaya ba? Or Team bahay lang kayo?" Masiglang bati naman ng teacher namin.

Inilibot niya ang kanyang mata sa mga istudyante. 'Tila pinagaaralan niya ito isa isa o tinitignan kung sinong mga kakilala niya.

Pero nagulat ako nang tumigil ang tingin niya sa'kin at biglang ngumiti. "Oh, are you transferee student?" Ani ni ma'am.

Tumayo naman ako. "Opo, I came from Holy trinity po." Ani ko.

"Ah, pero bakit ka lumipat dito?" Sabi ni ma'am.

"Gusto po nila na dito ako." Maikling tugon ko.

"Hindi ka rin pilosopo, eh, ano miss?" Sarcastic na tungon ni ma'am.

A Love MisspentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon