Chapter 3

82 8 11
                                    

Halos limang minuto nang nakalapat ang aking likuran sa upuan, halos limang minuto na rin akong nakatulala sa labas habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad at pinapakinggan ang hagaspas ng hangin.


Dito ako pumuwesto sa gilid ng bintana. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang panaginip ko kagabi.


"Sino ka ba talaga sa buhay ko?"


Napabugtong hininga na lamang ako at inilagay ko ang dalawang braso ko sa arm desk at doon ko inihiga ang ulo ko. "Damn, bakit ganon ang napaginipan ko kagabi?" I ask frustratedly.


Habang nasa ganon akong posisyon nang maramdaman kung may lumalabit sa'kin. Iritadong tumingin naman ako sa gawi kung saan may kumalabit saakin.


"Ano bang kailangan m--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang magulat ako kung sino ang kumalabit sa'kin.


Si jonpauline


"Excuse me, that's my designated seat." Walang emosyon na tugon nito sa'kin.


Umalis naman ako agad sa kinauupuan ko. Sa hindi malaman na dahilan bigla akong kinabahan at naramdaman ko rin nanginginit ang magkabilang pisngi ko. "Sa sobrang hiya siguro 'to." Bulong ko sa sarili ko.


Maya maya pa'y pa-rami na ng parami na ang mga kaklase namin. "Hays, ang tagal naman ni jaymee. Nasaan na kaya ang babaeng 'yun?" Bulong ko sa sarili ko.


Sa sobrang inip ko, inihiga ko ulit ang ulo ko sa arm desk ko. Biglang may kumalabit na naman sa'kin. "Hys, sino na naman kaya 'to? Baka naman si jonpauline na naman 'to? Muka mo Zia ayusin mo. Ngumiti ka agad." Bulong ko sa sarili ko. Dahan dahan naman akong bumangon sa pagkakahiga ng ulo ko sa arm desk ko.


Dahan dahan ko rin inikot ang ulo ko sa gawi kung saan may kumalabit sa'kin. I whip my hair also. Tila gumagawa ako ng commercial ng rejoice. Binigyan ko rin ito ng isang malambing na ngiti, bigla naman napawi ang ngiti ko nang iba ang nakita ko.


Nadismaya naman ako nang iba ang makita ko.. Si jaymee pala ang kumalabit sa'kin. "Girl? Ano 'yang ginawa mo? Parang seni-seduce mo naman ako, gosh. Hindi tayo talo!" Maarteng tungon nito bigla rin akong inirapan nito.


Nahawak naman ang dalawang kamay ko sa magkabilang mata ko sa sobrang hiya. Gosh, ano na naman ba 'tong ginawa ko. Nag-assume na naman ako, kaya madaming na sasaktan e. Madami rin kasing assuming at isa na ako do'n.


Buti nalang biglang dumating na ang guro namin, lalaki ito. Dahil second day palang naman kaya puro pagpapakilala lang ang ginagawa namin. Panigurado ganon na naman ang gagawin namin dito kay sir. Bumusangot naman ako sawang sawa na ako. Paulit-ulit nalang kung pwede irecord nalang ang sasabihin ko bawat guro na pumupunta dito samin ginawa ko na e.


Total, paulit-ulit lang naman ang ginagawa namin per subject.


"Hello class, I'm Harold Genzola. I will be your personal development teacher." Nakangiting tugon naman ni sir. "Hm, mukang mabait ito si sir ah" I whispered.


"Okay class, total. Hindi ko pa kayo kilala. Hm, You will introduce yourselves in front. Para may thrill ang pagpapakilala niyo. We will do 2 lies and 1 not. The instruction is you will tell me 3 facts about youself. Your hobbies, attitude, favorite and etc. Then, dapat 'yung dalawa ay totoo and 'yung isa ay hindi. Dapat mahulaan namin ang lie sa tatlong sasabihin niyo. Okay class? Did each one of you get it? Are we clear?" Ani ni sir.


"Yes sir!" Masiglang sigaw naman namin.


Nagsimula na magpakilala ang bawat isa sa'min nagsimula sa nakaupo sa harapan.


A Love MisspentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon