Kabanata 5

97 15 1
                                    

Xylie's side story.

"To be honest, nawalan na ako na pake sa mga taong puro pakilig lang sa chat. I realized that I should fall in love with actions not words."

Napangiwi ako sa sinambit ni Xylie habang umiiyak sa harap ko. Oo, umiiyak. Totoong umiiyak. Dahil kasi sa kalantudan nya iniwan na naman sya ng ka-chat nya na naka-meet up nya kahapon. Gusto ko nga syang batukan dahil sino ba naman di maiiwan kung ang trip mo ay ang maglaro ng overwatch magdamag at hindi girly things ang gusto mo? Yes, may pagka-tomboy ang isang 'to. Ang weird lang ng pagka-tomboy nya.

"Huwag ka nga, alam nating uulit at uulit ka ulit. Kalokohan."

Inambahan nya ako ng suntok pero inirapan ko lang sya bago napatingin kami ng sabay sa pinto ng marinig namin ang pagkatok.

Inambahan nya ako ng suntok pero inirapan ko lang sya bago napatingin kami ng sabay sa pinto ng marinig namin ang pagkatok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biglang sumilip ang isang gwapong nilalang sa pinto at nabigla dahil nakita nya si Xylie, na nakakapagtaka. Napasara agad sya ng pinto dahil sa nakita nya kaya nagtaka ako. Teka, sino ba 'yun?

Tumingin ako kay Xylie. "Mali atang office ang napuntahan ng batang 'y--Anong nangyari sa'yo?"

Nakita ko kung paano magbago ang mukha ni Xylie at nakita ko kung paano mawala ang ekspresyon nya ng makita nya ang lalaki. Teka, kilala nya ba 'yon? Bakit gano'n na lamang ang ekspresyon nya? Huwag mong sabihing isa 'yon sa mga fling nya noong isa pa syang ganap na playgirl?
"Anyare sa'yo?" Takang-tanong ko. Nakakapagtaka kasi ang pabigla-biglang pagkawala ng ekspresyon nya. Hindi normal 'yon sa isang babaeng pinaglihian ng pwet ng manok. Ang daldal nya. Sobra. Kaya siguro ang laki ng bibig nya.

Nagtaka ako ng makita ko kung paano naging unti-unting naging emosyonal ang itsura nya habang nakatingin sa akin.

"Anyare sa'yo, Xy?" Takang tanong ko muli sakanya. Aaminin ko, para na talagang tanga ang isang 'to pagnakakakita ng isang lalake dahil nireremind daw nila ang mga panlolokong ginawa ng ex nya. Which is kasalanan nya pa rin. Kung hindi kasi sya naging playgirl noon edi sana hindi sya hihiwalayan ni Johanne.

Nakita ko kung paano sya tumayo at lumabas ng office ko para siguro hanapin ang lalaki. Teka, may mali ba sa lalaking iyon? Mukha naman syang ordinaryong tao, ah? May kakaiba ba do'n sa pagsilip nya sa opisina ko kanina?

"Oh my god." Napahawak ako sa aking bibig ng maalala ko na ang mukha nya.

"It was Johanne! Ang shunga-shunga mo, Demonica!"

Agad akong tumayo para sundan sila. Nagtataka nga ata ang mga empleyado ko dahil sa biglang paglabas naming dalawa ni Xylie pero ang concern ko ngayon ay si Xylie. Kahit may saltik ang isang 'yon ay mahal na mahal ko na to the point na ayaw ko syang saktan ang sarili nya sa pamamagitan ng pagmamakaawa na naman kay Johanne.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makita ko si Xylie na nakatayo sa harap ng office ni Tori, which is 'yung secretary ko. May opisina kasi sya dahil pinalagyan ko since mapagkakatiwalaan naman sya ng lahat. Pero ano ng abang ginagawa nya sa harap ng opisina ng secretary ko?

Captivated by her, Demonica.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon