Kabanata 10

36 9 0
                                    

Dainna

"Hindi ka na naman manonood? Bakit ba ayaw mo laging manood ng laro ng mga varisty players, Demonica? Siguro may tinataguan ka ano?" Maarteng usisa ni Xylie kay Demonica na nakasimangot na naman dahil sa pangu-usisa nito.

Nasa school cafeteria kami at pinag-uusapan ang tungkol sa laro bukas. Wala kaming gagawin bukas kaya heto kami at nagpa-plano mag-gala para bukas, and yes, may championship bukas kaya go go go na kami para do'n! At dahil sa kaartehan ni Demonica, hindi pa ata kami makakasama. Ano kayang problema ng isang 'to? Ganito rin sya noong niyaya namin syang makisabay kila Johanne sa upuan ng mga players. Unless, may tinataguan talaga syang isang tao.

"Wala naman akong bet sakanila kaya what's the point of going? Tinatamad ako at gusto ko pang matulog." Malumanay na saad nya bago lumantak na naman ng dried mango na dala-dala nya lagi tuwing papasok. Siguro ay trip nya lang talagang iwasan makipaglandian since baka magalit na naman si Sydd sakanya. Pa-strong 'tong mga 'to maghihiwalay rin naman.

Kukuha sana ako ng dried mango ni Demonica ng paluin nya ko na kinatawa nina Zyrah at humalakhak sila ng malakas. Narinig sila ng mga tao sa cafeteria but no one dared to help me. Bakit ba kasi ang dadamot nila pagdating sa pagkain na dala nila? Sabagay, halos sa c.r ako kumain tuwing break time. Mas nakakabuti nang ligtas ang mga manok ko kaysa rito ako kumain at tuluyan silang maubos.

Sumimangot ako bago tumayo at nagkunyaring nagwalk-out, ngunit ng walang sumubok na habulin ako ay agad akong napairap sa kawalan. Kahit nakakapunyeta mga ugali ng mga 'yon hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko pa rin sila. Siguro dahil sa taon na magkasama kami? Kasi kung wala pang taon kaming nagsasama ay siguro pinatapon ko na sila sa smokey mountain.

Naglakad nalang ako paalis ng lugar na 'yon at pumunta sa building na hindi na ginagamit para sana doon kumain ng manok na dala ko sa bag. Mas safe siguro rito kaysa sa banyo kaya pwede na rin. Wala namang magbabalak na pumasok sa madilim na lugar na ito. Pero impernes! Nakakatakot ng talaga ang takteng buding na ito!

"Nang ma-inlove ako sa'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay
Ngunit hindi rin nagtagal lumabas din ang tunay na kulay"

Napangiwi ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na mukhang nasa dulo ng buong building. Mukhang isang lalaking gustong mapag-isa ang isang'yun dahil wala naman sigurong may gusto sa lugar na ito. Sa unang tingin mo palang sa lugar na ito at siguradong mapapangiwi ka. Medyo malakia ng building pero madami na ang crack nito at delikado na rin kaya wala nang estudyante ang pwede rito. Unless, kung ang mga ibang mga Medtech students ay kakailanganin ang lugar na ito para pag-eksperementuhan.

"May tao ba dyan? Yoohoo?"

Nakarinig ako ng kaluskos ng makarating ako sa dulo ng building na kinakaba ko. May mumu ba rito?

"Hello from the other side! Hoy sino ka ba?" Aniko bago pilit na tinitignan kug mayroon bang tao sa dulo, and to my surprise, nakita ko ang isang maputing lalaking nakaupo sa dulo at mukhang napansin din ang presensya ko.

"Who the hell are you?"

Nanlamig ako sa kinanatuyuan ko ng ma-recognize ko ang boses na iyon. Yuki Alvarez-Smith. Varsity player, at isang walking dead sa gym. Anong ginagawa nya rito?

"A-Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't dapat nagp-practice ka?" Tanong ko agad sakanya bago kinapa ang switch sa gilid ko at ng tuluyan ng magkaroon ng liwanag ay bumugad agad sa akin ang mukha ni Yuki na nakatingin sa akin.

Thump. Thump.

"I should be the one who's asking you, right? Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" Malumanay na saad nya bago hinawi ang bangs nyang itim tinignan ako ng matalim.

Captivated by her, Demonica.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon