Kabanata 6

76 13 2
                                    

Demonica

"I need you more than you think."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng bidang lalaki sa mismong harapan ng dalagang umiiyak ngayon. Teka, napaka-oa naman ata nila. Dahil lang sa mga walang kwenta't nonsense na pinagsasabi ng mga lalaki ay iiyak na sila ng ganyan? Kaya ayoko talaga nanonood ng mga movie na gaya nito. Masyado silang dramatic towards this kind of situation sa mga movie. Sa palabas na 'to ay halatang nabi-bitter na naman ako. But masisisi nyo ba ako? Malay ko bang baka parehas kami ng kakahantungan ng babaeng 'yon kapag usapang pag-ibig?

At least hindi ako duwag gaya ng bidang babae.

"Please make it stop now, Jiro. It hurts."

Napangiwi ako sa sinabi ng babae bago ngumuso. "Ikaw pumili ng kahahantungan mo, beh tapos sasabihin mo itigil na 'yung sakit? Gaga ka ba?"

Naramdaman ko ang mga tingin sa akin ng ibang tao but the hell I care. Naramdaman ko ring natatawa na naman si Cloud na nasa tabi ko ngayon kaya tinignan ko sya ng masama. Kanina pa kasi ako nagco-complain sa katangahan ng bidang babae kaya siguradong alam na ng mga taong bitter ako sa ex ko. Hindi ko na nga lamang sila tinitignan dahil baka matakot sila lalo sa akin. I am wearing my resting bitch face dahil sa irritation na nararamdaman ko sa mga tingin nila kaya napalingon nalang ako ng wala sa oras.

 I am wearing my resting bitch face dahil sa irritation na nararamdaman ko sa mga tingin nila kaya napalingon nalang ako ng wala sa oras

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kung 'di lang talaga sya maganda ay mapagkakamalan syang isang creep na sumisigaw-sigaw dyan."

Kumunot agad ang noo ko sa narinig ko. Creep? Sa ganda kong 'to isa lang creep ang tingin nya sa akin? Like seriously, mas mukha syang creep dahil sa itsura nya. Mukha syang jejemon dahil sa polka dots na suot nya at sumbrelo nya. Ba't ba ang jo-jologs ng mga tao ngayon mag-damit? At talagang naka-sumbrelo sya sa loob ng sinehan? Seryoso ba sya?

Inirapan ko nalang ang kawalan bago tumingin kay Cloud na ngayon ay seryosong nakatingin sa screen na mukhang ina-appreciate talaga ang pinapanood namin. Hindi ko naman alam kung anong title ng movie pero ang alam ko ay nabi-bitter ako sa pinagsasabi ng mga artista. Sabihin na nating gusto kong batuhin ang screen dahil naiinis ako kapag may nakikita akong umiiyak dahil lang sa mga gano'ng bagay. Sabihin na nating isa lang 'yung movie pero hell! Masyado atang naapektuhan ang utak ko ng heartbreak lang dapat noon kaya ganito. Pati fiction hindi ko pinalagpas. Baliw na siguro talaga ako gaya ng sinasabi ng ibang tao.

"Cloud, umalis na tayo. Nakakairita na 'yung pag-iyak ng bida, e." Saad ko sakanya na kinataka nya. His chuckles filled that whole room. Siguro dahil tahimik na ang mga tao matapos ang dramatic scene sa movie kaya napatingin sa amin ang ibang mga tao na mas lalong kinainis ko. Ayoko ng center of attention sa ganitong oras kaya pwede ba? Give me a break.

"Bakit? Masyado na bang na-filled 'yang utak mo ng kabitteran, wife?"

Nanlaki ang mata ng ibang tao dahil sa sinambit ni Cloud na hindi ko naman kinagulat since kanina nya pa ako kinukulit sa pagtawag sa akin ng 'wife'. Nakakairita oo, pero ano bang magagawa ko? Makulit ang isang 'to kaya what's the point of stopping his shits now?

Captivated by her, Demonica.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon