Kabanata 13

19 5 0
                                    


Dinilat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang mainit na palad na hawak ang kamay ko. Pamilyar ang  init na dala no'n kaya agad akong nagising.

"D-Demonica?"

Nang tuluyn ko nang mamulat ang mga mata ko ay nabigla ako ng makita ko kung sino ang nasa tabi ko.

Si Sydd. Kami lang dalawa sa kwartong kulay puti.

Gusto kong magsalita, pero hindi ko magawa dahil sa hindi ko malamang dahilan. Gusto kong malaman kung anong nangyari at bakit ako nasa ospital. Napapalibutan ng kung anu-anong wires na hindi ko talaga gusto. Hindi ako makagalaw. Feeling ko..

Wala na kong lakas pa para gumalaw.

Wala akong maalala kung bakit ako napunta rito. Pero—

"S-S-Sydd... S-S-Si C-Clo-oud?"

I tried my best to speak those pero nagtaka ako ng yumuko sya at humigpit ang hawak nya sa aking kamay. Wala akong nakuhang sagot at umalis sya sa harapan ko na mukhang may tatawagin sya sa labas.

Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa naalala ko. Ang huling naalala ko, may dumukot sa akin at dinala ako kung nasaan si Cloud. Ang huling nakita ko, ay 'yung parteng may isang lalaking kulay puti ang buhok nakatayo sa harap ko bago mawalan ng malay.

Puno ng dugo ang kamay nya. Nakakatakot sya.

May pumasok sa kwarto ko at nakita ko ang mga doctor kasama si Sydd. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa nila sa akin at nakatitig lamang ako kay Sydd ng nakakunot ang noo. Gusto ko sya muling tanungin, pero alam kong magsasayang lang ako ng oras.

Hindi ko namalayan na unti-unti akong pumi-pikit kahit hindi ko pa gustong matulog muli.

Si Cloud. Kailangan kong makita si Cloud—

Yuki

"Hanggang kailan natin itatago kay Demonica 'yung nangyari? 1 buwan na nakalipas, Yuki. Alam kong hinahanap nya na si Cloud! At alam kong alam mo kung nasaan ang taong 'yon."

Tumingin ako kay Dainna ng seryoso bago ibinalik ang tingin ko sa kisame.

"Hindi ko alam kung nasa'n ang batang 'yon, Dainna." Totoo ang sinabi ko. Hindi ko na alam kung saan pa makikita ang taong 'yon matapos ang nangyari isang buwan na nakalipas.

Naglaho si Cloud na parang bula matapos iligtas ang kapatid ko. Hindi na rin ako nagtaka pa dahil alam kong  ibang tao na sya simula no'n. Marie antoinette syndrome is not a joke. But the only thing na sure ako, he's still sane. Sana lang talaga hindi matuluyang masira ang utak nya.

Magiging magaling akong assassin, Kuya Yuki. Pagkatapos ng lahat ng ito, babaguhin ko ang buhay ko, at babalik para kunin si Demonica.

Napahinga ako ng malalim ng maalala ko na naman ang mismong sinabi ni Cloud noon bago ko sya turuang maging assassin. Napahanga ako dahil pursigido syang tapusin ang bawat misyon nya just to satisfy himself. Gusto nyang maramdaman na malapit nang matapos ang lahat ng 'yon at pwede na ulit syang maging masaya.

But everything did not fall into the right places at ang pinangako kong magiging maayos ang lahat sa huli kay Cloud ay hindi natupad. Dahil sa galing nya sa pagiging assassin, hindi na sya makatanggi sa bawat misyon na binibigay sakanya. To the point na hindi na nya nagugustuhan ang nangyayari.

Kaya ko pinipilit matapos ng misyon nya kay Sydd dahil gusto kong ayon na ang maging last. I know that every person he killed kept on hunting his peace of mind. Hindi ko gusto 'yon para sakanya. Highschool palang si Cloud, gustong-gusto nya na ng mga madudugong kwento at kaya sya nilalayuan ng lahat.

Captivated by her, Demonica.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon