KABANATA 1

4.3K 92 29
                                    

*Paalam*

Pangakong hanggang kamatayan
Dadamayan, aalagaan
Ngunit di natin inasahan
Putok ng baril, puputol sa ugnayan

-Leu Nam

" Nasasabik na ako sa araw ng ating kasal, nais kong malaman mo na maya't- maya kitang iniisip. Kahit alam kong imposible, gusto kong hilahin at pabilisin ang takbo ng oras upang tayo'y ganap ng maging isa." ani Manuel habang ako ay yakap-yakap nya.

" Ako rin Manuel, hindi ko na maikubli ang pagkasabik sa nalalapit nating pag-iisang dibdib. Diko lubos akalain na dito rin pala ang kahahantungan ng ating pagmamahalan." sagot ko habang nakatinggin ng tuwid sa kaniyang mga mata.

" Alam mo ba Laura? Diko inakala na magtatagal tayo ng ganito, noong una'y tila aso't pusa tayo kung magtalo ngunit ngayon, magkasundo na tayo sa halos lahat ng bagay. Tunay ngang napakamahiwaga ng pag-ibig." wika nya habang patuloy na nakatitig sa akin na ngayon ay tila namumula na dahil sa di ko maipaliwanag na dahilan.

" Ang pag-ibig ang naging susi ng ating pagsasama, tanging pag-ibig lamang ang nakapagbuklod sa ating dalawa. Dahil din sa pag-ibig kung kaya't nahanap natin ang isa't isa." dagdag pa ni Manuel sabay hawak sa kamay ko habang ako ngayon ay parang naistatwa na sa aking kinatatayuan.

" Manuel, napakabolero mo talaga kahit kailan, alam na alam mo kung paano magpa-ibig ng isang babae gamit lamang ang iyong matatamis na pananalita." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

" Ang mga bituin at ang buwan ang saksi sa ating pag-iibigan," wika nya habang nakatinggin sa kalangitan

" Kahit saan at kahit kailan man ay lagi silang magpapaalala sa atin kung paano natin natagpuan ang isa't isa." dugtong pa niya.

 Napatinggin din ako sa kalangitan, malalim na ang gabi ngunit nagsisismula pa lamang mamukadkad ang mga bituin sa langit na animo'y mga bulaklak sa hardin. Naaaninag ko din ng maigi ang maliwanag na buwan, tila nakangiti ito sa amin ngayon.

" Casanting da, casanting dang lalawen." (Ang ganda, ang ganda nilang pagmasdan) iyan na lamang ang aking nasabi sa pagkat ako ay tunay na namangha sa aking pinagmamasdan.

" Maganda nga silang pagmasdan, ngunit tulad din ng kahit anong bagay dito sa mundong ating ginagalawan, darating din ang araw kung kailan unti-unting mawawala ang kanilang kislap. Magmimistula silang apoy sa lampara na aandap andap at di maglalaon ay tuluyan ng lalamunin ng kadiliman." paliwanag niya habang nakatitig pa rin sa kalangitan.

" Ngunit kahit na sila ay tuluyan ng mawala, mananatili pa rin sa alalala ng mga taong nakasaksi sa minsan nilang pagkislap ang saya na kanilang nadama noong mga panahong sila ay naroroon pa." bigla kong nasabi habang bahagyang nakangiti.

" Ngunit huwag kang mangamba aking Laura, pinapangako kong hindi ako kailanman magiging katulad nila" sabay turo sa mga bituin sa langit " lagi akong mananatili sa iyong tabi at hinding hindi kita hahayaang mag-isa." dagdag pa nya.

" Palagi akong magiging katulad ng buwan ngayong gabi, laging magpapaalala sa iyo na ngumiti at maging masaya."

" Hayaan mo, kung sakaling dumating man ang panahon na magkalayo tayong dalawa, lagi akong titingala sa kalangitan, tititigan ko ang buwan at aalalahanin ang iyong mga sinabi." sabi ko habang nakangiti sa kanya.

" Halika na Laura, bumalik na tayo sa mansyon dahil malalim na rin pala ang gabi." pag aaya niya. Tumango na lamang ako at sumunod na sa kanya.

Napakaaliwalas ng gabi, napakatahimik ng paligid at ang tanging maririnig lamang ay ang paghuni at mga kaluskos na nililikha ng mga insekto na nagkukubli sa likod ng dilim. 

With Love, LauraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon