KABANATA 16

852 15 7
                                    

" Mayap a abac queca Laura. (Magandang umaga Laura.) " Nakangiting bati sa akin ni Manang Rosa pagkakita niya sa akin.

" Mayap a abac mu rin pu queca yu Manang Rosa. (Magandang umaga rin po Manang Rosa.) " Masayang bati ko rin sa kaniya, pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. Nakita ko namang medyo nagulat siya sa aking ginawa pero halata rin namang napangiti siya dahil doon.

" O ano hija, handa ka na bang umalis para mamili ng sangkap sa pamilihan? " Tanong ni Manang Rosa sa akin pagkabitiw ko sa pagkakayakap sa kaniya. Tumango na lamang ako bilang tugon sa kaniyang katanungan.

Dali dali na niyang tinawag sila Susana at Nena upang makaalis na kami at magtungo na sa pamilihan sa bayan. Medyo may kadiliman pa sa labas ng mansyon sapagkat mag aalas singko pa lamang ngayon.

Pagkababa namin sa mansyon ay nakita ko na naroon na si Rolando upang salubungin kami at ihatid sa aming kalesa na sasakyan patungo sa bayan. Mabilis naman kaming nakasakay sa kalesa, sa tulong at pag alalay na rin ni Rolando.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Manang Rosa habang nakaupo naman sa tapat namin sa bandang harapan sina Susana at Nena. Marahang pinaandar ni Rolando ang kalesa na aming sinasakyan. Mabilis kong binuksan ng bahagya ang bintana ng kalesa upang sumilip at pagmasdan ang aming dinaraanan.

Kahit na medyo madilim pa sa labas ay marami ng mga tao ang aking nakita. Ang iba ay nagwawalis sa harapan ng kanilang mga mumunting bahay. Ang iba naman ay nagpapakain na ng kanilang mga alagang hayop. Marahil ay kailangan talaga nilang gumising ng maaga araw araw dahil marami silang mga trabaho na kailangang asikasuhin at tapusin.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na rin namin ang bayan, hindi ko man lamang namalayan na nandirito na pala kami sapagkat masyado yata akong naaliw sa aking mga nakita kanina.

" Laura hija, naisip ko lamang na mas makakabuti siguro kung isusuot mo muna ito habang tayo ay namimili. " Sabi ni Manang Rosa sa akin sabay abot ng isang balabal na kulay asul.

" Naiintindihan ko po Manang Rosa, salamat po sa pag aabala. " Nagpasalamat na lamang ako sa kaniya at itinalukbong ko na sa aking ulo ang balabal na dala niya. Mas makakabuti nga naman kung magsususot ako nito ng panandalian upang wala na ring makakilala sa akin habang kami ay nandirito. Maigi na rin ito upang makapamili ako ng mas maayos at matiwasay.

Inalalayan akong bumaba sa kalesa nila Nena at Susana. Pinakahuli namang bumaba si Manang Rosa, may ibinilin pa kasi siya kay Rolando bago siya bumaba sa kalesa.

" Hija, saan mo nais na mag umpisang mamili? " Pagtatanong ni Manang Rosa sa akin pagkababa niya.

" Nais ko po sanang bumili muna ng sariwang gatas ng kalabaw, Manang. " Pagsasaad ko ng aking balak.

" Kung ganoon ay tara na at baka maubusan pa tayo ng sariwang gatas. Malayu layo pa naman mula rito ang kinaroroonan ng mga nagtitinda noon. " Pag aaya niya sa amin.

" Kung mamarapatin ninyo po sana ay hayaan ninyo na lamang po na ako na lamang ang bumili noon sapagkat gaya nga po ng inyong sinabi ay may kalayuan po ito mula sa atin. Baka po kasi ay mapagod kayo sa paglalakad Manang. " Pagtutol ko sa kaniyang pag aaya. Hindi naman kasi maitatago na may katandaan na rin si Manang Rosa kaya't baka makasama pa sa kaniya kung maglalakad siya ng malayo.

" Kung iyan ang gusto mo hija, pagbibigyan kita. Ngunit kailangan kang samahan ni Nena sa pamimili mo. " Pagsasaad ni Manang Rosa. Tumango na lamang ako at inaya ng umalis si Nena.

" Magkita na lamang tayo rito mamaya sa may tapat ng kainan nina Aling Amor, maliwanag ba Nena? " Pagbibilin ni Manang Rosa kay Nena.

" Maliwanag po Manang. " Magalang na sagot ni Nena sa kaniya.

With Love, LauraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon