CHAPTER NINE

11.2K 211 30
                                    

ISANG buong araw na nagpractice ang banda nina Jessie para sa gagawin nila ng hapong iyon pero pinagpapawisan pa din si Jessie. She wanted everything to be perfect, so perfect that Nathan won't refuse to have her back in his life. She already texted him to come in front of their building. Nagpaalam sila sa Dean nila na magtatayo ng stage sa harap niyon at pumayag naman ito. Marami na ang estudyanteng nag-aantay sa kanilang tumugtog. She started to sing when she saw Nathen walked towards the other students and stopped far from the stage.

"Whooo, whoooo...How do I end up in the same old place, faced again with the same mistakes, so stubborn thinking I know what is right, but life proves me wrong everytime..."

Itinuloy niya ang pagkanta kahit na wala siyang mabanaag na kahit ano sa ekspresyon nito.

"I come to you now when I need you, but why do I wait to come see you. I always try to do this on my own but I was wrong cause only with you can I move on. Can I move on..."

She was in the middle of the song when someone in the crowd clapped loudly. Naagaw niyon ang pansin niya at ng makitang ang school janitor ang salarin ay ibinaling na niyang muli kay Nathan ang pansin. Nang matapos siyang kumanta ay tumalikod na ito at naglakad palayo. Hindi na niya binigyang pansin ang mga nagpapalakpakan at dali-daling sumunod sa binata.

"NATHAN! Wait!" hiyaw ni Jessie. Hindi niya malaman kung paano ito pipigilan sa paglalakad ng mabilis. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng ibang estudyante sa kakahabol dito. Hinihingal na siya ng bigla itong tumigil sa paglalakad.

"Thank God you stop! Bakit naman umalis ka na lang bigla?" tanong niya rito ng humarap ito sa kanya. He looked serious and she knew instantly that there was something wrong.

"And why would I stay?" naiinis pa nitong tanong sa kanya.

"Because that song was for you. Hindi mo ba nagustuhan?"

"Ah, para ba sa akin yun? Malay ko ba, hindi mo naman sinabi di ba?" he asked sarcastically.

"Paanong hindi mo nalamang para sayo yun, eh sayo lang naman ako nakatingin ah." sabi pa niya.

"Hindi kaya! Tumingin ka din sa ibang tao habang kumakanta ka kanina ah."

Napaisip siya sa sinabi nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makuha niya ang sinasabi nito.

"That was the school janitor! He clapped so loud so I looked at him because I got distracted. Have you lost your sense?" hindi siya makapaniwalang pinagtatalunan nila ang ganoong bagay.

"Well thank you sa kantang walang dedication, satisfied?" nayayamot pa nitong sabi. Tumalikod na ulit ito sa kanya at nagpatuloy ng paglalakad.

Napapailing na sinundan niya ulit ito.

"Ano bang gusto mo, magpagawa pa ako ng tarpaulin for you to know that I love you too and how sorry I am? Only stupid people would do such thing–" hindi na niya natapos ang sinasabi dahil bigla na lang itong huminto at humarap muli sa kanya. Dahil sa paghabol niya dito ay hindi niya namalayang nasa Engineering building na sila. Naagaw ng atensyon niya ang malaking tarpaulin na nakasabit sa bungad ng building ng mga ito. Napanganga siya sa nakasulat doon.

Please be mine forever, Jessi Adams–Nathan

Naglipat lipat ang tingin niya sa tarpaulin at kay Nathan na mukhang inaantay kung ano ang magiging reaksyon niya. Holy crap! Ngumiti siya na sa tingin niya mas ngiwi ang kinalabasan niyon.

"A-ahmm, pwede naman akong magbigay ng exception kung ikaw yun."

"Wow! Thank you very much ha?" nakataas pa ang kilay na sabi nito.

Napabuntong hininga siya. Alam niyang kailangan nilang magkausap ng maayos at hindi ganoong parang wala itong tiwala na mahal talaga niya ito. Kasalanan naman kasi niya kaya siya pinagdududahan nito ngayon.

"I'm sorry, sa lahat ng sakit na naranasan mo ng piliin mong mahalin ako. Hindi ako nangangakong ito ang huli. Matalino akong tao pero hindi ko napag aralan ang tungkol sa mga emosyon." she started talking and then looked away. "Akala ko kailangan kong patunayan sa mga nagmamahal sa akin na worth nila akong mahalin. I wanted to fill the space that my father left in my mother's heart. Nag-aral ako ng mabuti para maging masaya siya, when all along she noticed that and realized that I myself am not happy at all." malungkot na ikinuwento niya ang naging deal nila ng Tita Meredith niya at ang natuklasan niya mula rito tungkol sa nararamdaman ng ina niya.

"Isa akong henyo na walang pangarap para sa sarili ko. My life was always plannned to make my mother proud of me, when she died, I lost it. And then, I saw a man when I woke up in the library. Hindi araw-araw na may lalaki akong nakikita sa pagmulat ng mata ko at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nagustuhan ko iyon. So I risk my cellphone just to see you again." pag-amin niya dito.

"Sinadya mo yun? Akalain mong patay na patay ka na pala sa akin ng panahong yun?" mayabang nitong sabi.

"Ang sabi ko na-fascinate ako sa feeling na may nakita akong lalaki ng magmulat ako ng mata, ang ibig sabihin nun ay nagkataon lang na ikaw yun." pangaasar pa niya.

"Akalain mong may isa na naman pala akong dapat ipagpasalamat?" naaasar na ang tono nito. Pero hindi na ito muli pang nagsalita na para bang hinihintay nitong ipagpatuloy ang nasimulan na niyang pagtatapat.

"I was happy when I saw you again, but I surely can't express it right, dahil kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Then you came in front of me again with your friend's crazy idea and I even agreed with it. Ang sabi ko sa sarili ko, baka naaawa lang ako sayo kaya pumayag ako. Dahil aanhin ko ba naman ang bayad mo kung isang hingi ko lang kay Milo ay maari niya akong bigyan ng pera. Siguradong hindi yung part na gagawin kitang tutor dahil matalino ako. Then I realized that I agreed with the reason that I wanted to be with you."

"Akala ko ginagawa ko ang lahat ng mga bagay na hindi ko ginagawa dahil lang sa ayaw kong makita ang lungkot sa mga mata mo. Pero hindi pala yun ang dahilan, for the last six years of my life, I felt that I'm a homeless person. And I saw my future home in your eyes; I can't afford it to be darkened by anything again. For the first time in my life, I started dreaming for my self with you in it. Kailangan kitang hiwalayan para hindi mabulilyaso ang deal namin ng tita ko. I felt that the business that she was about to give me was the only hope that your family won't see me as someone whom you've just met and fancied. Pero ng umalis ako, nagduda ako sa desisyon ko. Paano kung sa konting panahon ay makahanap ka ng ibang mamahalin?"

Nabigla siya ng yapusin siya nito.

"Siyempre nagtampo ako sa ginawa mo, ang sabi ko pa nga sa sarili ko, bakit ba ikaw pa ang napili kong mahalin. Maganda ka nga pero ikaw ang pinakakomplikadong babaeng nakilala ko."

"Nilalait mo ba ako o pinupuri?"

Humalakhak ito.

"What I'm trying to say is I love you, Jessie. You don't have to prove anything, just love me back, okay?"

Nathan cupped her face. Hinalikan siya nito at wala na siyang pakialam pa sa ibang estudyanteng nakakakita sa kanila. Basta ang alam niya ay masaya silang dalawa ng tanging lalaki na mamahalin niya.

"I love you too." she told him after the sweet kiss.


~WAKAS~

Love And Lies (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon