Chapter 1- pagtakas
"Huy! Akin na kasi 'yan. Akin 'yan eh. Ibalik mo na please. Di ko pa nga tapos mabasa 'yan eh."-sigaw ko sa lalaking may hawak-hawak ng libro ko ngayon. Nakakainis eh. Isip bata.
"Habulin mo muna ako!"-sigaw niya rin sa'kin. Tsk. Kailan kaya siya magiging mature? Aish.
"Psh. Isip bata ka talaga kahit kailan"-sabi ko sabay habol sa kanya. Wala akong magagawa. Gusto ko na talaga mabasa yun eh.
Ano ba naman kasi 'tong lalaking 'to eh. Napaka immature. Pero inaamin ko, iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Oo gusto ko siya at hindi lang gusto, mahal ko pa. O diba? Proud ako.
Nang maabot ko na siya, hinila ko ang laylayan ng kaniyang damit dahilan upang mapaharap siya saakin.
"Akin na sabi 'yan eh!"-sigaw ko sakanya sabay abot doon sa libro ko. Agad niya naman itong inangat dahilan upang hindi ko ito maabot. Tsk. Siya na matangkad.
"Kiss mo muna ako"-sabi niya sabay nguso. Agad naman akong lumayo sa kanya. Psh. Ang manyak niya talaga. Pero gusto ko rin. Haha. De joke lang tsaka na kapag ikakasal na kami.
"Eww. Ang manyak mo talaga. Kadiri ka"- sabi ko nalang sa kanya.
"Sus! Parang kiss lang eh. Ang damot mo"- sabi niya sakin sabay pout. Eh? Maka-demand naman siya kala niya girlfriend niya ko eh no? Ayaw pa kasi ako ligawan. Psh.
"Oy. 'Wag ka bumusangot diyan. Ang panget mo. Joke lang 'yon. 'Wag mo seryosohin. Bestfriend kaya kita"-sabi pa niya. Bestfriend. Bestfriend lang ba talaga?
"Eto na oh. 'Wag ka na magalit"-sabi niya ulit sabay abot sa'kin ng libro.
Agad ko naman iyong kinuha. Syempre binigay niya na eh. Magapapakipot pa ba ako?Kung di lang kita maha----
Hoy babae! Kasal mo na! Gising na!-sabi nung alarm clock ko. Psh. Bwiset na alarm na alarm clock 'yan. Inistorbo yung panaginip ko. Tsk!
Pero ano daw? Kasal-- Ow Sh*t! Kasal ko na nga pala ngayon! Kasal ko na nga pala ngayon sa lalaking hindi ko manlang alam ang pangalan.
Tsk. Pupunta pa ba 'ko? Aish. Anu ba naman kasi 'yan eh. Pesteng arrange marriage 'yan oh! Mawala na sa mundong ito ang nagimbento niyan! Sana mapunta siya sa Jupiter.
Since wala naman akong choice, pumunta nalang ako sa CR. Wala na din naman akong magagawa eh.
Pagkatapos kong maligo, nag ayos na'ko ng sarili ko pero hindi ko muna sinuot yung gown ko. Balak ko kasing magala muna habang hindi pa ako kasal. Parang last will ko na rin. Haha.
So, ayun na nga. Lumabas na'ko sa condo at dumiretso sa pinakamalapit na park.
Habang nasa park ako, nakakita ako ng mga batang masayang naglalaro. Malaya. Walang nagdidikta. Walang mabigat na problema. Hay. Ang sarap sigurong bumalik sa pagkabata no? Kug malaya lang sana ako gaya nila..
Tumigil ako sa pagiisip dahil kahit ano namang gawin ko, hindi na'ko makakabalik sa pagkabata. Ito na ang buhay ko. Ito na ako.
Habang naglalakad ako, napagisip-isip ko na hindi ko kayang maikasal sa iba. Isa lang ang lalaking mahal ko. At ngayong araw na 'to, ikakasal din siya. Ngayong araw na 'to, sabay kaming ikakasal. At ang masakit na katotohanan, arrange marriage kami sa taong hindi namin kilala.
Hindi ko alam pero mukhang ok lang naman sa kanya na maikasal sa ka-arrange marriage niya pero sa'kin? Hindi. Hindi dahil mahal ko siya. Siya na bestfriend ko.
Mahirap magmahal ng taong nakatadhana sa iba. O yung taong itinatali sa iba. Yung taong malabo mong makasama dahil sa iba talaga siya itinadhana.
*Ting* *Ting* *Ting* *Ting*
YOU ARE READING
My Biggest Mistake
FantasyHindi nakuntento. Hindi naghintay. Pinangunahan ang tadhana. Masisi niyo ba 'ko dahil sa ginawa ko 'yan? Marahil nga ay nagkamali ako. Maharahil nga ay nababaliw na'ko. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. Marami akong nagawang pagkak...