Chapter 2 - Tulay
Ito na. Ito na yung sign na hinihingi ko. Tadhana na mismo ang nagbalik sa akin sa lugar na ito. Lugar kung saan ako nararapat naroon kanina pa. Lugar kung saan ako itatali sa isang taong hindi ko kilala. Lugar kung saan ako ikakasal.
"M-manong s-sa t-tulay p-po. Ihatid niyo po ako sa tulay"-sabi ko kay mamang driver.
Gaya ng sinabi ko, nagpahatid ako sa tulay. Siguro dun makakapag isip-isip ako. Baka dun matauhan ako. Baka dun makalaya na'ko.
Pagdating ko dun, binigay ko lahat ng pera ko kay manong. Sinabi niya pa nga na sobra-sobra yun pero Ok lang sakin yun. Para na din sa pamilya niya. Kung meron man. Atsaka, lahat ng sinabi ko ginawa niya. Pagkatapos nun, umalis na din si manong. Umupo ako sa gilid ng tulay at humawak sa bakal dahil onting tulak lang sa akin ay siguradong mahuhulog ako.
Ako nalang mag-isa ang nasa tulay na ito. Walang sasakyan. Walang tao. Perfect timing para mag emo.
Perfect timing para makapag isip-isip. Kaya lang walang perfect. Wala.
Naisip ko na, maraming tao ang naabala sa selfish kong desisyon. Sarili ko lang ang iniisip ko. Pero masisisi niyo ba ako? Ayokong makasal sa taong hindi ko kilala. Ayoko. Isa lang ang taong gusto kong makasama. Pero baka ngayon, nakatali na siya sa iba. Hindi kami para sa isa't-isa. Dapat ko na iyong tanggapin.
Pero bakit hindi ko matanggap? Ayokong maniwala na kasal na siya ngayon. Iniisip ko na hindi pa huli ang lahat kahit na alam ko naman na wala akong nagawa. Hindi ko siya nahanap. Tumigil ako sa paghahanap.
Mula dito sa tulay, tinignan ko ang papalubog na araw. Ang ganda nitong pagmasdan. Sana kasama ko siya ngayon makita ito. Sana nandito siya katabi ko at kasama ko. Sana hindi ako malungkot. Sana. Maraming akong sana sa buhay. Pero ni isa do'n, walang natupad at malayong matupad. Ngayong araw na 'to, wawakasan ko na ito. Ayoko na ng buhay na 'to.
Sawa na 'ko sa buhay ko. Ayoko na. Pagod na 'ko. Pagod na akong sumunod sa lahat ng gusto ng magulang ko. Hindi ako malayang makapag desisyon para sa sarili ko. Hindi ko manlang nasunod ni isa sa mga gusto ko. Bakit? Dahil dinidiktahan nila ako.
Alam ko naman na lahat ng ginagawa nila ay para sa ikabubuti ko pero pati ba naman yung taong pakakasalan ko? Hindi na tama ito. Alam kong kasalanan 'tong gagawin ko pero ayoko na talaga eh. Wala na akong pag asa.
Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Ang sarap nitong langhapin dahil napaka fresh nito dahil maraming puno sa magkabilang dulo ng tulay.
Tumayo ako at pinagmasdan ang ibaba. Napakalinis pa rin ng tubig. Nakikita ko pa rin ang repleksyon ng tulay dito kahit gabi na. Unang tingin palang, mahahalatang malalim ito.
May ilang ilaw na rin ang bumukas dito sa tulay. May mangilan-ngilan na ring dumadaan na sasakyan sa tulay. Nakakapag taka lang dahil bigla nalang may dumaan na sasakyan. Wala namang dumadaan kanina ah?
Inalis ko nalang ang atensyon ko dito at tumigala sa langit. Ang gandang pagmasdan ng mga stars sa langit. Ang sarap pakinggan ng mga kuliglig na tanging nagbibigay ng ingay sa paligid.
Pumikit ako. Dinama ko ang hangin na tumatama sa aking balat. Last na 'to. Nakapagdesisyon na'ko.
"Ineng"
"Ay kabayo!"-bigla akong napadilat dahil bigla na lang may nag salita mula sa likuran ko kaya napalingon ka agad ako.
"Pasensya ka na at mukhang nagulat kita"-sabi ng matandang babaeng tumawag sa akin kanina. Mukha siyang pulubi. Naawa ako sa mga kagaya niya dahil dapat sa edad niyang 'yan, nagpapahinga nalang siya o di kaya'y nagpapakasarap sa buhay dahil alam naman natin na malapit na sila sa finish line.
YOU ARE READING
My Biggest Mistake
FantasíaHindi nakuntento. Hindi naghintay. Pinangunahan ang tadhana. Masisi niyo ba 'ko dahil sa ginawa ko 'yan? Marahil nga ay nagkamali ako. Maharahil nga ay nababaliw na'ko. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. Marami akong nagawang pagkak...