Cess' POV
"The chuvaness of the churvaloo is eklavu bla bla bla.." Teacher ko yan. Wala akong maintindihan grabe. Lecture sya ng lecture pero heto ako, nakatingin sa bintana. Nagmumuni-muni. Di ako maka get-over sa muling pagkikita namin ni Lyric. Taraaay "muling pagkikita" daw. Para namang namatay sya at muling nabuhay noh? Haaay. Naalala ko dati nung mga panahong kami pa, grabe parang kailan lang pala yun. Yung 2years na yun. Tapos wala na agad!? Grabe ha. Hindi naman kasi ako masyadong kagandahan. Kasi cute nga ako diba? Hehehe. ^^V Tapos hindi ako ganun ka-sexy. May mga baby fats nga ako eh. At higit sa lahat, flat chested ako. Oo flat chested po ako. Di na nga ako gifted sa hinaharap tapos ang bobo ko pa! Lalo na sa Math! Hayst. Yun siguro ang dahilan kung bakit ako iniwan ng ex ko. I'm too boring to be liked. I'm too plain to be loved. Charot. Nabasa ko lang yun sa twitter. HAHA. Pero mabalik ako, yun nga, baka yun nga yung dahilan nya. Kaya nga minsan naiisip ko, bat di na lang kaya ako magmadre. Kasi para namang hopeless na ko. Wala na yatang magmamahal sakin. Parang di na ko makaka-hanap ng true love!
"Miss Manalo!!!"
"AY ANAK KA NG TRUE LOVE!" Sigaw ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Epekto yan ng sobrang gulat ko kay Ma'am Bustamante. Geometry teacher namin.
"Are you shouting at me Miss Manalo? And one more thing kanina ka pang tulala sa klase ko!" Patay na. Sobrang taray pa naman nyang teacher na yan. Wala kasing asawa. Matandang dalaga, ika nga.
"Hindi po Maam! Hehe." Sabi ko sabay tawa ng konti. Maiihi na ako sa takot pero ayokong ipahalata. Grabe kasi. Pinagtitinginan na ko ng mga kaklase ko.
"Eh ano yang true love na pinagsasabi mo jan, aber? At bakit ka tulala? Are you daydreaming about your boyfriend? Teenagers this days, I should have known." Sabi nya sabay taas ng kilay.
"Wala po Ma'am. I'm just thinking, kung sino po ang lalaking nararapat para sainyo! Iniisip ko po kung pano kayo hahanapan ng true love! Hehe. :D" Sabi ko kay Ma'am with full smile.
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko!
"STOP LAUGHING EVERYONE!" Galit na sigaw ni Ma'am.
"And you, Miss Manalo! *Sabay turo pa nya sakin* GET OF MY CLASS NOWWW!" Galit na sigaw ni Ma'am.
Grabe huh. Galit na galit Ma'am? Eh kayo na nga tong hinahanapan ng lovelife! Kaloka tong teacher na to. Hahaha. At bago pa nya ako kainin, lumabas na ako ng classroom. Syempre dala ko yung bag ko. Hay. First time ko to ha. Baka isipin nyo isa akong suwail na estudyante, pwes nagkakamali kayo. Ayoko lang talaga sa geometry kaya ganon. Kaya nung nakahanap ako ng paraan para maka-alis sa boring na klaseng yun, gora na. Grab na agad sa chance baka bi--
*PUKKKKK!*
"ARAY!" Napasigaw ako. May pesteng bato kasing tumama sa noo ko. Grabe ha. Sobrang swerte ko ata ngayon! At dahil nabangga ko yung ex ko kanina tapos ngayon may nambato ng noo ko, eh aminado akong masakit talaga. Malakas kasi yung pagkaka-bato sakin eh. Naka-tungo lang ako sabay hawak sa noo ko'ng tinamaan ng bato. Shet na malagket! May dugo! Umiikot na talaga yung paningin ko. Di ko na keri. And everything went black.
Van's POV
Sht. Bwisit talaga! Nakaka-badtrip lintek! Ang unfair nila ha. Balak ba talaga nila akong parusahan? Walangyang buhay! Kaasar! Di nyo magets noh? Ako din eh di ko sila ma-gets! Hoo!
Flashback...
I was walking on the school's hallway. And as usual, girls can't help but take a glance on me. Di na ko nagtataka. Sanay na ko sa atensyong nakukuha ko sa mga tao lalo na sa mga babae. Kahit nung nasa States ako, ganyan na talaga ang takbo ng buhay ko. Hayy, pogi problems nga naman. Back to the topic, I'm on my way to my classroom to attend my next subject; Geometry, my favorite. Yeah. Favorite ko yun. Astig ko noh? Matalino pa. Bwahahaha! Sasapakin ko ang tututol! *evil grin*
BINABASA MO ANG
Mr. Yabang Meets Ms. Amazona
Teen FictionPag nagka-kilala ang isang Mayabang at Amazona? Gulo diba? Pero pano kung pinaglaruan sila ng tadhana at sila pala ang para sa isa't-isa? Tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan at katapangan nila. :D