Friendssss

36 1 0
                                    

Cess' POV

"Eto girl oh, try mo!" -toffy sabay abot sakin ng backless.

Andito kami ngayon sa mall. Kasama ko si Toffy. After kasi ng eksenang yun with yabang ay kailangan ko munang mag relax para naman maka-recover sa kahihiyan.

"Abnormal ka ba Toffy? Anong tingin mo sakin prosti?" Asar kong tugon kay Toffy.

"OA mo girl! Kaya ka jiniwan ng boylet mo eh."

BOOM sapul. Alam kong joke lang yun pero iba ang dating sakin. Natigilan naman ako dun. Di ko din kasi alam ang dapat kong sabihin eh.

"Girl! Uy! Sorry! I did'nt mean to--"

"Okay lang yun noh. Sus. Totoo naman talaga eh. Kaya nya ako iniwan dahil ang plain ko. Wala akong kwenta." Sabi ko kay toffy with a smile. A fake one. Hindi dahil galit ako, kundi dahil nasasaktan pa rin ako.

"Wag mo ngang isipin yan! Sya ang nawalan dahil sa pag-iwan nya sayo. Sya ang walang kwenta. Di nya deserve ang isang tulad mo."

"Halika nga dito." Toffy continued with open arms which calls for a hug.

Agad ko naman syang niyakap. My fake smile quickly turned into a sincere one.

"Kung di ka bakla, maiisip kong bet mo ko. Pero hindi eh. Baklang bakla ka. HAHAHA. I love you bestfriend!" Sabi ko habang yakap sya.

Nagkaron naman ng moment of silence dahil walang imik si wakla. After a few seconds ay bigla syang bumitaw sa yakap.

"Kadiri ka Princess! Baka type mo ako ha? Hay. Anyway, tama na ang emote at para tayong tanga na nagyayakapan sa gitna ng mall. Ew girl." Sabi nya in her usual gay tone.

Di man ako sinwerte sa lovelife, sobrang swerte ko naman sa kaibigan. I'm so thankful that I have him in my life. Mahal ko tong baklang to. ❤

Van's POV

Sobrang bored ako sa bahay kaya andito ako ngayon sa mall.

*lakad.

*lakad.

*lakad

*lakad.

Ang boring pa din! Wala akong makasama eh. Haaay.

"Holdap to." Sabi sakin ng lalaking naka-bonet habang sakal ako gamit ang braso nya.

"Holdap sa loob ng mall? Seriously?" Bored kong sabi.

"Hay! Kelan ba kita mati-trip Allen!?" Sabi nung lalaki sabay tanggal ng bonet nya.

"Gin? Bakit ka nandito?!" Gulat kong sabi.

"Wala lang. Sinundan ka namin. Haha" sabi ni Gin. Kabarkada at kababata ko sya sa States.

"Namin!?" Bulalas ko.

"Hoy baklitang Gin, sinabi nang tigilan mo na yang katangahan mong plano eh. Ayan tuloy, nasira grand entrance ko." Sabi naman ni Rensz habang papalabas ng isang shop sa tapat ng kinaroroonan namin ni Gin.

"Haaaay! Mga asungot! Pati ba naman dito?" Mahilig kasi magbangayan yang dalawang yan.

"I'm guessing kasama nyo rin yung dalawa? Nasan sila?" Dugtong ko pa.

"Ahh, si Suji nasa CR. Alam mo naman yun, jingle bells ang theme song. Tapos si Travis nasa States pa. Susunod na lang daw siya." Sabi naman ni Gin.

Si Suji at Travis ay mga barkada at kababata ko rin. Bale, Lima kami.

"Hoy kayong dalawa, tara na nga kumain. Dyan pa talaga kayo magchichismisan ha." Biglang sabi ni Rensz.

"Hoy ka rin Unggoy na Rensz, hindi kami nag chichismisan ha! Nagkakamustahan lang! Saka dito muna tayo. Sabi ko kay Suji dito nya tayo puntahan. Alangang iwanan natin yun! Bobo nito." Sabi naman ni Gin.

Mr. Yabang Meets Ms. AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon