And They Meet Again (Part 2)

75 1 0
                                    

Van's POV

Sa infirmary..

"Hi Sir!" With full smile na bati sakin ng nurse.

"Yah. Hi. Whatever." Sabi ko naman. Masyadong pa-cute eh. Hayy.

"Hihi. Anong year mo na Sir Pogi?"

"Look, I'm not here for a personal interview. Can't you see that I'm carrying someone? She's way too heavy. And as far as I know, this place is an infirmary right? A place where we'll bring someone who is sick, injured, or someone who has experienced an accident inside our school. So if you would'nt mind, can you please help me here?" Nakaka-irita kasi tong nurse na to! Inuuna pa ang harot kesa trabaho! Ipasisante ko kaya to kay Dad?

"Hello?" Sabi ko sa nurse sabay snap. Parang ewan! Naka nganga eh!

"Wow sir! Imported pala kayo! Hihi. Ano nga po ulit yung sinabi nyo?" Sabi nung nurse! Asdfghjkl!

"Wth!? Sabi ko tulungan mo ko dito sa babaeng dala ko! Sa pagkaka-alam ko kasi infirmary to diba? Tanga ka ba!? Nakaka-init ka ng ulo eh!" Hoo! Pandagdag ng inis to eh!

"Ah yun lang pala sir! Akala ko naman kung ano na. Ang haba po kasi nung sinabi nyo eh. Sorry sir! hehe!" Natatarantang sabi nya. Sabay takbo at kuha nung kama na may gulong. Yung pang-hospital. Di ko alam tawag eh! Di naman kasi ako taong ospital.

"Ihiga nyo po sya dito sir." Dagdag pa nya.

Ihiniga ko naman agad si Amazona dun. Tapos pinasok sya dun sa CR. Hindi comfort room ha! Check-Up Room. You see, ito kasing infirmary namin, parang hospital talaga. Malaki sya at madaming iba't-ibang rooms para sa pasyente na katulad ng isang totoong ospital. Sumunod naman ako sa kanila.

"Oh, Van! What are you doing here?" Gulat na sabi ni Dr. Gonzaga, family doctor namin.

"Dad's decision." Plain kong sabi.

"How long have you been staying here? Bata ka pa nung huli kitang makita." Sabi nya habang chine-check up si Amazona.

"Two to three weeks ago siguro."

"Oww. So hijo, your girlfriend is fine. Medyo nahilo lang sya kasi hindi siguro sya nag breakfast. I'll just put a bandage on her forehead after cleaning the wound, dumudugo kasi eh kaya kailangang linisin muna at baka ma-infection. Ano nga bang nangyari sa noo ng girlfriend mo Van?"

"HINDI KO GIRLFRIEND YAN DOC! ASA PA KAYO NOH!" Sigaw ko kay Dr. Gonzaga. OA ba? Eh totoo naman eh. Mahirap na, baka ma-issue pa ako na may girlfriend noh. I HATE GIRLS! So much!  Masyado kasing maiingay at maarte. Syempre except kila Mommy, Ate Vianne & Arielle. Mahal ko yung mga yun kahit papano noh.

"Hahaha! So ano mo pala sya?" Eto si Doc chismoso talaga!

"Classmate." Sabi ko.

"Oww I see. Kaya pala sa lahat ng kaklase niyo na pwedeng magdala sa kanya dito eh ikaw pa? I believe na hindi ka uutusan ng teachers mo na ikaw ang magdala sa kanya dito kasi takot na lang nila sayo diba? Hahaha. Don't be shy about it, Van. Normal lang yan sa mga teenagers na kagaya mo."

"Kulit nyo naman doc! Hindi nga sabi eh! Kaya ako ang nagdala sa kanya dito kasi ako yung naka-tama ng bato sa noo nya. Eh wala namang ibang tao sa paligid kasi class hours kaya ayun, ako na lang ang nagdala sa kanya dito. Alangan namang iwanan ko sya dun sa daan diba? Napaka-walang puso ko naman pag ganun." Walang preno kong sabi kay Doc Gonzaga.

"Easy, Van. Chill. Pero last one question. Nabanggit mo na class hours ngayon diba? Eh kung ganon bakit di kayo umattend ng klase? Balak nyo sigurong umalis at mag date ano? Hahaha!"

Mr. Yabang Meets Ms. AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon