Toffy's POV
"CESS WATCH OUT!" Sigaw ko kay Cess.
"Ano ba y---"
BOOGSH
Nagka-tinginan sila. Hindi lang basta tinginan. Titigan nga eh. Di pwede to. Kailangan kong iligtas si beslaluu dito sa impaktong gagong mokong na manlolokong gwapong nasa harap nya. Nasabi ko bang gwapo sya? Pwes, binabawi ko na yun. Kasi hayop yang ugali nyan ka--
"Sorry." Sabi ni Cess. Aba't sya pa ang nag-sorry ha!? Matapos nang lahat ng ginawa sakanya ng hayop na yan magso-sorry pa sya!? Di pa nga quits yung pagkakabangga sakanya ni Cess eh.
Tinulungan ko si Cess tumayo kasi parang walang balak tumulong sakanya tong hayop na lalaking to.
"Cess, wag kang mag-sorry sa impaktong yan. Alam mo namang madami yang nagawang ma--" Di ko naituloy yung speech ko kasi tinakpan ni Cess yung ngangabu ko.
"Ahh may pupuntahan pa tayo Toffy diba? Tara na girl. Baka ma-late pa tayo eh." After nyang sabihin yan ay tumingin sya sa lalaking nasa harap nya. Shet na malagket! Tong babaeng to di na natuto! Hala ka sakin mamayang babae ka! Ugh. Kairita ang feslak ng lalaking to.
At matapos ang madamdaming titigan, joke. Si cess lang naman yung madamdamin ang titig. And with that, nag shuflakelz babuuu na kami ni Cess bago ko mapatay tong hinayupak na nasa harap namin. [A/N: Shuflakelz babuuu = umalis.]
At nang nakalayo na kami sa lalaking yun...
Ihinarap ako ni Cess sa kanya at sinimulang sermunan.
"Ano ba naman yong eksena mo kanina Toffy? May Tofak ka na naman noh?" Sabi nya na parang frustrate na frustrate.
"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan Princess Rae Manalo! Ano yung mga titig mo kanina sa gago mo'ng EX?" Yup. Ex ni Cess yung naka-bumplak nya kanina. [A/N: Bumplak = bangga]
"Wala yun, tof." Sabi nya.
"Don't tell me may feelings ka pa sakanya? Jusko Cess 1 year na kayong wala diba?"
Cess' POV
"Don't tell me may feelings ka pa sakanya? Jusko Cess 1 year na kayong wala diba?"
BOOM. That hit a nerve. And with that, nag-flashback na naman yung isa sa pinaka-pesteng pangyayari ng buhay ko.
Flashback...
Ka-text ko si Lyric nang biglang nagbukas yung pinto ng kwarto ko.
"Cess kailangan nating pumuntang Bicol." Sabi ng kuya Pau ko with a serious look on his face.
"Huh? Bakit biglaan naman yata kuya?" Nagulat ako kasi medyo may kalayuan yun. At talagang naka-plano kami tuwing pupunta dun. Dun kasi nakatira ang Lolo ko. Yung ama ni daddy. Dun ang province nila. Si lolo na lang at yung mga pinsan namin yung pinupuntahan namin dun kasi wala na ang lola ko. Di ko sya naabutan.
"Basta. Mag-impake ka na." Seryosong sabi nya na may halong lungkot sa mga mata.
At nang makarating kami sa bahay ng lolo ko, nanghina ang tuhod ko sa mga ilaw na nakita ko. Sa gate pa lang ng bahay ni lolo, alam ko na kung ano ang dahilan ng pagpunta namin dito. Napahagulhol na ako sa kinatatayuan ko kasi lolo's girl ako. Di mag sink-in sakin na wala na ang pinakamamahal kong lolo. Niyakap ako ni Mommy at Kuya. Habang si Daddy, naiiyak na din.
Nang makapasok kami sa bahay ni lolo, pinasok muna namin ang mga gamit namin sa kwarto namin dito. Nag-aayos ako ng mga damit nang biglang nag-ring ang phone ko.
Baby ko Calling..
Si Lyric tumatawag. Napangiti ako. Lagi talagang right timing tong boyfriend ko na to. Yup, may boyfriend ako. Si Brian Lyric Atienza. Ang MVP ng buhay ko. :"">
"Baby.. Buti na lang napatawag ka. *naluha na* Di ko alam gagawin ko ngayon. Si lolo ka--"
"Cess let's break up." Pagpuputol nya sa sinasabi ko.
"Lyric I have no time for your jokes. May pr--"
"Di ako nagbibiro Cess. Were done because I'm breaking up with you." Sht.
"Sht Lyric! Wag naman ngayon. No.. Never."
"Ayoko na Cess."
"Anong nagawa ko?" Walang gana kong sagot.
"Wala kang nagawa. It's just that ayoko na sayo Cess. Ayoko na sa relationship na to."
"Putangina Lyric! Yun na yung dahilan mo? Tatapusin mo ang 2years relationship natin dahil ayaw mo na? Ginagago mo ba ako?" Umiiyak na ko at alam kong rinig nya yun over the phone.
"I'm sorry Cess but were done. Bye."
And with that, the call ended. Sa pagtatapos ng tawag na yun, yun na din ang pagtatapos ng relasyon na iningatan at pinahalagahan ko ng 2years. Pagtatapos ng lahat sa pagitan namin ni Lyric. Because he left me. He left me, just when I need him the most. Iniwanan nya ko kung kelan kailangan ko sya. Kung kelan kailangan ko ng masasandalan.
End of Flashback.
"Hala girl! Umiiyak ka na naman. Cess, Listen to me. He's not worth your tears. Alam mo yan diba?" Sabi ni Toffy habang kino-comfort ako.
Tumango na lang ako as an answer.
"Alam kong hindi mo sinasaksak sa kukote mo yun. Di mo pa matanggap na ginago ka nya."
Toffy's POV
"Alam ko'ng di mo sinasaksak sa kukote mo yun. Di mo pa matanggap na ginago ka nya." Sabi ko kay Cess.
Alam ko kasi yung pinagdaanan nya. Alam ko kung gano sya umiyak tuwing gabi lalo na pag kayakap nya yung malaking teddy bear na bigay ni Lyric. Ayaw nyang itapon yun. Actually, lahat ng bigay ng ex nya. Yung kwintas, yung jersey ni Lyric [Jersey ng basketball], mga petals ng flowers galing sa binigay na bulaklak ni Lyric sakanya dati. Ayaw nyang itapon lahat yun kasi pag daw tinapon nya yun, para na din daw nyang tinapon yung pinagsamahan nila. Ang laking katangahan diba? She keeps on holding on into things that is never coming back. Kung lalaki lang talaga ako, niligawan ko na sana si Cess. Pero mas babae ako sakanya eh. Kaya hopia.
"Tof una na ko ha. Baka kasi ma-late ako. Gora ka na din sa room mo baka ma-late ka din eh. Hahaha! Sige na ah, alis na ko. Mag-iingat ka wakla!" Dire-diretso nyang sabi with full smile sabay takbo. Tss. I know it's fake. Tinatago nya nanaman na nasasaktan sya. Hayyy. Etong bestfriend ko talaga oh.
*RINGGGGG!*
Napa-balikwas ako sa gulat sa school bell! May klase na nga pala! Shete late na koooo!
AN: Here you go guys. I hope you like the UD kahit medyo madrama. Haha. Thanks for reading! :)
Vote. Comment. Be A Fan.
BINABASA MO ANG
Mr. Yabang Meets Ms. Amazona
Novela JuvenilPag nagka-kilala ang isang Mayabang at Amazona? Gulo diba? Pero pano kung pinaglaruan sila ng tadhana at sila pala ang para sa isa't-isa? Tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan at katapangan nila. :D