Chapter 1

42 4 0
                                    

Mataas na ang sikat ng araw pero ito parin ako nakatambay sa soccer field at nagbabasa. Kanina pa namin uwian pero ayoko pa umuwi. Tinatamad kasi ako, wala kasi akong kasama sa Apartment na inuuwian ko.

Si papa naman nasa bahay namin. Kaya lumipat ako ng apartment para medyo malapit nalang ang byahe ko papunta sa university na pinapasukan ko.

"Miss! yung bola paabot naman." Sigaw ng isang soccer player. Tinitigan ko lamang sya. Yung tingin na ayaw-ko

Kaya lumapit na lamang sya kung saan naroon ang soccer ball. O'diba ambait ko? Hindi ko kinuha dahil na-istorbo nya ako sa pagbabasa. Istorbohin nyo na ako lagi except pag nagbabasa ako.

"Papasuyo lang ng bola e." sabi ng soccer player na tumawag sakin kanina para magpa-abot ng bola.

"Nagbabasa ako." Sagot ko.

"Ano naman pake ko."

"Wala din akong pake sa bola nyo."

Niligpit ko ang gamit ko at mabilis na umalis dahil kumukulo ang dugo ko sa lalaking yon. Akala mo kung sino, gigil nya ako.

Pumara ako ng Taxi para umuwi at nang ako ay makapagbihis narin.

Dumiretso ako sa Bubba Lab pagkatapos ko magbihis at mag-ayos. Doon ko nalang itutuloy yung pagbabasa ko at sasabayan ko na rin ng paginom ng kape.

Pumasok ako agad sa loob ng Bubba Lab at naupo sa upuan na malapit sa counter dahil doon na lamang ang bakanteng pwesto.

"Miss, makikiupo lang ako dito, dito nalang kasi yung bakanteng table." sabi ng lalaking nasa harap ko. Pamilyar sakin mukha nya.

Pinagtaasan ko sya ng kila at tinitigan ng masama.

"Ikaw na naman?! Sorry kanina sa asal ko." Sabi nya.

"Nagbabasa ako." Sagot ko sakanya dahil ayoko ng istorbo.

"Sorry na."

Hindi ko na lamang sya pinansin.

"Ang seryoso mo jan. May I know your name?"

Sinara ko ang libro ko at muli ko syang tinitigan ng masama. "Niobe Gaia Clavel."

"Kaano-ano mo si Aiax Vin Clavel?"

"Kuya ko siya."

"I see. I'm Daion Evo Prieto."

"Okay. So tapos ka na? Pwede na ako magbasa ulit?" sabi ko sakanya na may halong pagkainis. Nawalan na ako ng gana magbasa dahil sa mokong na to.

"Ang ganda mo kaso ang sungit mo." Pabulong nyang sinabi pero narinig ko parin.

"Kahit lalaking-lalaki mababakla sayo kaso ang pa-epal mo."

"Anong sabi mo?"

"Uuwi na ako." Nilagay ko ang libro sa bag at mabilis na lumabas ng Bubba Lab.

Hindi ko namalayan na sumunod din sya at agad nyang hinawakan ang braso ko ng mahigpit at dinala sa parking lot.

"Ano ba? Uuwi na nga ako saan mo ko dadalhin?!"

"Hatid na kita. Give me your address, Gaia."

"Ang kulit mo. Hatid mo nalang ako sa Monte Vista Subd. Marikina. Doon kasi yung apartment na tinutuluyan ko."

"Okay Miss."

Lagi ko syang nahuhuling sinusulyapan ako habang nagma-maneho s'ya. Baka masapak ko pa to ng wala sa oras.

Madalas talaga 'di ko maintindihan ang mga lalaki, lalo na yung mga sobrang epal talaga.

"Focus on driving Prieto."

"Focus na po." Agad nyang sabi.

"Siguraduhin mo lang. Pag tayo na-aksidente 'di na kita papauwiin sainyo ng buhay."

"Don't worry. I'll make sure na safe kitang maiha-hatid. Susunduin pa kita bukas."

"Just focus on driving Prieto. Mamaya mo na ako kausapin."

Lumingon sya sa sakin ng nakangisi. "So, magu-usap pa pala tayo mamaya?"

Dumating din kami agad sa Monte Vista. He parked his car sa harap ng apartment ko. At pinagbuksan nya ako ng sasakyan.

"Tuloy ka muna sa loob." Pinagbuksan ko s'ya ng pinto at pinatuloy sa loob.

"Ang linis dito ah. Ikaw lang ba mag-isa dito?" Tanong nya habang pinagma-masdan ang bawat sulok ng apartment ko.

"Ako lang. Magluluto lang dito ka na mag dinner." Dumiretso ako sa kusina para mag-handa ng makakain.

Sumunod s'ya sa kusina at tinitigan ako ng may kasamang pag-ngisi. Sumandal sya sa pader at pinanunuod akong naghahanda ng makakain.

"Wag mo 'ko titigan Prieto kung ayaw mong i-prito kita." Banta ko sakanya. Mahinang pag-tawa lang ang isinagot nya sa'kin.

"I was wondering if we could have lunch together tomorrow, Gaia?"

Nagulat ako sa tanong nya dahil ngayon lang may nagyaya sakin na lalaki to have lunch together. What's with you Deion Evo Prieto?

"No way na I'll have lunch with you. Mag-lunch ka mag-isa." sagot ko sakanya.

"Please Gaia, i want to have lunch with you."

Ang kulit talaga. Pag lunch time kasi nasa library or soccer field lang ako ulit para magbasa.

"Sabay na nga tayong magdi-dinner ngayon. Okay na to. Baka umabuso ka pa e." Sabat ko at tumawa ng mahina.

"Kahit bukas lang Gaia. 'Di na kita kukulitin."

"Okay. Treat mo, dahil ikaw ang nagyaya."

Lumapit sya sakin, at hinawakan ang dalawa kong kamay na ikinagulat ko naman.

"Sunduin kita after class mo."

Hindi ko na lamang sya inimik at umupo sa dining table para kumain.

Nakakapagod yung araw na to. Tinatamad akong pumasok bukas kaso naalala ko mag lunch kami together ni Prieto. Baka magalit s'ya pag lumiban ako sa klase ng hindi ako nagsasabi sakanya, susunduin pa naman nya ako after class.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartbeat ChaserWhere stories live. Discover now