Prologue

63 10 1
                                    

Love doesn't have a exact definition.

Kaya nga tayong mga tao nahihirapan ipaliwanag kung ano nga ba ang Love. Because we people couldn't find the exact words to explain and express the love to the person we love.

Noon nga pag tinanong mo yung iba ng "What is the meaning of love for you?" Tapos ang isasagot "Love is blind" o ang iba naman ay "Love is in the air".

Kahit din naman ako. I have my own definition of Love. Pero kahit na ganun, ayoko pumasok sa isang relasyon. Natatakot kasi akong masaktan, Sabihin nalang natin na di talaga mawawala yung salitang "Masaktan" "Masasaktan" "Nasasaktan" "Nasaktan" kapag nasa isang relasyon ka na.

Ayoko maranasan yung nangyari sa Parents ko. Baliktad nga e, diba sa Relasyon madalas na naglo-loko ay mga lalaki? Ewan ko ba.

Si Mama biglang kaming iniwan at sumama sa lalaki nya. Nakikita ko lagi si Papa na umiiyak. Pero kahit na ganun never ko s'yang nakitang naglasing. Hindi ko nga lubos na akalain na sasama si Mama sa lalaki nya. Hindi ako makapaniwala na iniwan nya ang isang taong katulad ng Ama ko na walang ginawa kundi maging mabuting Asawa sakanya at Ama sakin. Hindi ko nga alam kung naiisip pa ba kami ni Mama? Siguro may anak na sila ng lalaki nya.

Siguro may mga tao lang talagang di marunong makuntento.

Kaya ayoko sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Ayoko sa isang relasyon na alam mong iiwan ka din nya. Naniniwala kasi ako na pag mahal mo walang rason para iwanan mo sya. Pag mahal mo dapat marunong kang makuntento. Pag mahal mo hindi mo sasaktan.

Love never ends through positive and negative times.


Heartbeat ChaserWhere stories live. Discover now