The Rebel's P.O.V

18 0 0
                                    

Ha Ra's P.O.V

"Napakawalang kwenta mo talaga, tamad, tanga, walang alam sa buhay, puro ka kasi cellphone at laptop wala ka ng inatupag kung hindi iyan bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo mabait, responsable, marunong makisama ikaw naman hindi ka naman maganda ang taray mo pa ilagay mo sa lugar yung pagiging mataray mo hindi ka namin pinagaral para maging mataray honor student kang naturingan wala kang manners" tsss ayan na naman yung recorder nya madami pa yang kasunod.

"Yung kapatid mo mabait,responsable, matalino, maganda, masipag, marunong makisama, palaging nakangiti ikaw naman lagi kang nakasimangot hindi ka lumalabas ng bahay puro ka cellphone pagkatapos mo sa cellphone laptop naman tapos pagkatapos mo maglaptop T.V. naman aba hindi  ikaw ang nagbabayad ng kuryente" madami pa yan hindi pa sya tapos naglakad na lang ako papunta sa kwarto

"Maupo ka dyan, di pa ko tapos napakabastos mo talagang bata ka sa dami ng mga bagay na gagayahin mo yung mga mali mo pang nakikita ang ginagaya mo, di naman kami ganyan eh bakit ka ba lumaking ganyan lagi ka naman naming pinagsasabihan" oo nga lagi nga sabi ko sa isip ko

"napaka sama mo talaga hindi ko alam kung kanino ka nagmana sana hindi na lang ako nagkasakit ng dahil sayo buti pa talaga sa kapatid mo meron akong kunswelo eh kung tutuusin nga sya ang laging kapos dahil lahat napupunta sayo buti pa sa ibang tao napakagaling mo samin naman lagi mo kaming binabastos" dinamay na naman nya yung ibang tao aish

"Siguro kaya ka nagiging ganyan dahil sa mga kaibigan mo" dun ako napatingin sa kanya yung ibang taong sinasabi nya yun lang naman yung mga taong kahit pano naiintindihan ako.

"Pumunta ka na sa kwarto mo hindi ko kayang makita yung mukha mo naiinis ako sayo jusko bakit ba nagkaron ako ng gantong anak" pagkasabi nya nun pumasok na ko sa kwarto ko ng wala na naman akong nasabi andami kong naiisip na sabihin sakanya andami kong gustong ipagtanggol pero tanging si dugyot lang ang nakakaalam ng lahat.

Pagpasok ko sa kwarto humiga na ko at kinapa kung nasan si dugyot. Si Dugyot ay stuff toy ko na kulay blue na aso na mukhang oso ewan ko din kung ano sya basta sya si Dugyot kaya Dugyot yung pangalan nya kasi hindi ko pa sya nalalaban nine years na eh kasi hindi ako makatulog pag wala sya. Si dugyot lang ang kasama ko sa tuwing iiyak ako kasi kahit naman sa mga kaibigan ko hindi ako madalas umiyak. Di naman mabaho si Dugyot amoy maalat lang siguro dahil sa mga luha na lagi nyang inaabsorb galing sakin.Binigay yun sakin nila papa nung 6 pa lang ako meron din nun yung kapatid ko kulay pink naman na mukhang pusa ewan ko kung ano ipinangalan nya basta akin dugyot.

Ako nga pala si  Kim Ha Ra di ko na ipapakilala sarili ko malalaman nyo rin naman kung sino ko.

Niyakap ko ng mahigpit si dugyot

naluluha na ko "Dugyot inulit na naman nya yung mga sinasabi nya sakin eh ilang beses ko ng naririnig yun eh wala na bang bago" tahimik lang akong umiiyak habang kausap ko si dugyot

"Dinadamay nya pa yung mga kaibigan ko eh panong hindi ako magiging magaling sa kanila kung sila at ikaw lang ang kasama ko sa tuwing sinasabihan nila ko ng masasakit na salita." huminto ako at inisip yung mga bagay na lagi nilang sinasabi sakin oo nila hindi lang siya kundi sila lahat ng tao sa paligid ko pabor sa kapatid ko mas paborito nila si He Ra kesa sakin and so hindi ko na sila pipilitin kung ayaw nila sakin.

lalong dumadami yung luha ko
"Anak nandito na ko" katok ni papa.
nagpunas naman ako ng luha at mabilis na binuksan yung pinto

"Nagaway na naman ba kayo ng mama mo?" tanong ni papa tango lang ang naisagot ko ayokong magsalita kasi maiiyak na naman ako

"Anak sana intindihin mo na lang ang mama mo marami rin syang problemang pinagdaraanan hindi nya lang sinasabi sayo at ipinapahalata" nakatingin lang ako kay papa habang nagsasalita sya

"Kumain ka na ba?" mahinahon nyang tanong

"Opo" sagot ko pero ang totoo hindi at hindi din ako gutom

"Alam kong hindi ka pa kumakain narinig ko yung tyan mo" medyo napatawa naman ako dun hindi nga ako nakakapagsinungaling sa kanya kung tutuusin isa si papa sa mga bestfriend ko kahit hindi ko sya napagsasabihan ng mga problema ko nararamdaman ko na lagi syang nagrereach out para sabihin ko pero hindi ko magawa kasi meron gap between parents and child basta yun na yun.

"Kumain na tayo nagdadiet ka siguro gusto mong maligawan kaya ka nagdadiet no" natawa na ko ng tuluyan hay nako ano kaya mangyayare sakin pag umalis si papa baka mabaliw ako.

"Pa kahit naman magdiet ako walang manliligaw sakin bukod sa masama ang ugali ko hindi pa ko maganda" totoo naman yon iyon naman yung laging sinasabi ng mga tao sakin

"At sino naman ang nagsabi nyan? Anak kayo ni He Ra ang pinakamagandang babae sa buong universe" alam kong gustong pagaanin ni papa yung loob ko kaya nya yun sinabi at ngumiti na lang ako

Pinagtimpla ko ng kape si papa lagi ko syang pinagtitimpla ng kape wala lang mahilig sya sa kape eh kahit di nya na sabihin pinagtitimpla ko sya share lang.

Pagkatapos namin kumain nagurong na ko at pinakain yung mga aso namin na sila Ayako at Haruko.

Naglinis na ko ng katawan at pumasok na ulit ako sa kwarto at niyakap ko na si dugyot.nagdasal.at natulog.

~~~~~~~~
Ang haba XD pasensya na po kung mahaba XD

sana makarelate kayo *3*

UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon