Ha Ra's P.O.V.
Dumating na yung araw na pinakaayaw kong dumating paalis na si papa papuntang New Zealand.
Ayokong umalis si papa dahil una pakiramdam ko wala na kong kakampi,wala na kong kasama manood ng basketball, wala ng magpaparamdam sakin na kahit pano tanggap nya ko, mawawalan na naman ako ng bestfriend, wala ng magpapatimpla ng kape sakin, wala ng sasabay kumain sakin pagka nagtatampo ako, wala ng magsasabi na "Anak maganda ka para sakin" maiiwan na lang akong mag-isa kasama si He Ra at si mama at yung mga tao sa paligid ko na ang tingin sakin ay anino ng kapatid ko.
"Ha Ra aalis na si papa" sabi ni mama sakin hindi ako natulog non samin kasi walang kasama yung lola ko sa bahay nila pero kapitbahay lang namin si lola eh ayaw naman nyang makitulog samin.
Niyakap ko ng mahigpit na mahigpit si papa kasi matagal pa bago ko sya mayakap ulit magiintay pa ko ng ilang taon bago ako makakain ulit ng luto nya, bago ko sya mayakap ulit ng mahigpit.
"Magiingat ka lagi anak ha makikinig ka sa mama mo ingatan mo yung sarili mo ha wag kayong magaaway ni He Ra" umiiyak lang ako nun habang sinasabi yun sakin ni papa.
Hindi sya nagpahatid samin kasi daw susunduin sila ng agency nila alam kong hindi yun totoo pero di na ko nagpumilit ayokong maudlot yung pagalis ni papa dahil lang nagwala yung anak nya.
Bumalik na ko sa pagtulog kasi 8 pa naman ang klase ko at maagang umalis si papa.
Nagising ako wala na si papa bumalik na ko sa bahay at kumain ng fried rice at hotdog kasi hindi naman si mama ang nagluluto samin.
Nagkakasundo naman kami ni mama kahit pano kaya lang pag nagkakagalit kami halos ipamukha nya sakin na buong buhay ko isang pagkakamali.
"Ha Ra uminom ka ng enervon ha para di ka antukin sa klase" tumango na lang ako sweet naman minsan si mama maalagain pero pagka biglang naginit yung ulo nya lahat na lang ng bagay ipinapamukha nya.
"He Ra anak kumain ka ng kumain kailangan mo ng lakas" ngumiti naman si He Ra
~After ilang oras
English class namin non pero binigyan kami ng 20 minutes break 3 hours kasi un, katabi ko si Truk (trek basa dyan wag kayo) 10 am nun ng may mareceive akong text message
"Anak magiingat ka lagi sorry sa lahat ng pagkukulang ko sayo alam ko sobra kang masasaktan sa pag alis ko sana magkasundo na kayo ng mama mo kasi anak tandaan mo walang magulang na naghangad ng masama para sa anak nila, Mahal na mahal ka ni papa anak pasakay na ko sa airplane magiingat ka ha ikiss mo na lang ako kay bunso wag kayong magaaway ha. Malaki ka na alam kong maiintindihan mo ko kaya ko naman to gagawin anak para sa inyo din kaya konting tiis lang ha kung pede nga lang hindi na ko aalis pero sayang kasi yung opportunity anak hindi lahat ng tao nagbibigyan ng gantong opportunidad kaya sana maintindihan mo ko I love you anak" kada salita na binabasa ko lalong bumibigat yung nararamdaman ko
"Ha Ra umiiyak ka ba?" Tanong ni Trek gusto ko sanang barahin kaya lang umiiyak ako mamaya na lang. Napansin ko na tumahimik si Trek binabasa nya pala yung text message kaya ka pala umiiyak.
"Haha iiyak pa yan iiyak pa yan iiyak pa yan" pangiinis nya lycheee talaga si Trek hinampas ko sya pero hindi naman yung ober ober pero infairness medyo napatahan ako nun
"Oh e di tumahan ka mamaya ka na umiyak pag nasa bahay ka na wag dito sa school" sabi nya oo nga naman pag dito magkakachismis pa mamaya kung ano pa ipagkalat ng mga haters ko haha jk lang
Nagresume na ang klase pero lutang ako kasi yun pa rin yung iniisip ko
"Bebs tara na kain na tayo" yaya sakin nila Irish
tinignan ko lang sila saka ako tumayo
"Ha Ra may problema ka ba? Kanina ko pa kasi napapansin na di ka nagsasalita ang tahimik mo?" gusto ko sanang sabihin na may tahimik bang salita ng salita kaya lang baka sapukin ako ni Ivy
"Ok lang ako" saka ko nagpilit ng ngiti.
"Ok daw oo nga mukha ngang ok ka kaya pala namumula yung mata mo kasi ok ka" nangaasar na naman tong Abigelll ne to abigail talaga pangalan nya abigel lang gusto ko itawag sa utak ko lang naman eh
Ang totoo nyan maingay talaga ko kaya alam nila na kapag tahimik ako may problema
"Masakit lang kasi tyan ko kanina pa" sabi ko na lang pangiwas topic
"Fre samahan kita sa banyo" loko talaga si Aleli ganyan kami magbiruan lahat
"Kasi naman mylabs so sweet kung ano ano kinakain mo" parang siya hindi tuktukan ko tong Alliza na to eh
Yumuko na lang ako talo na ko sa kanila pa lang ndi pa nagcocomment yung iba suko na ko.
~~~~~~
Chaptahhhh TuReeeee
