Her P.O.V. agen
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~\
Ha Ra's P O V
Tsssk ano naman gagawin ko sa party na yun sayang lang oras ko.
-mr.mr.- <[ringtone yan XD]
"Ha Ra pede ka ba sa saturday? May practice tayo para sa project natin" si Irish
"Ha sige magpapaalam muna ko"
"Kailangan na natin yun matapos sana naman payagan ka"
sana nga binaba ko na yung phone ko at binuksan yung laptop ko nagcheck lang ako ng Facebook account at naglog out na wala naman akong gagawin ngayon kaya bumaba na lang ako magpapaalam na ko.
"Ma may practice po kami sa sabado kailangan ko ng umattend para po matapos na" sabi ko
"Gabi ka na nga lagi umuuwi hindi pa rin tapos yang project nyo na yan? Oh baka naman gala ka lang ng gala kaya hindi nyo matapos tapos yan" magpapaalam lang naman ako pero bakit lagi kaming ganto hindi na lang ako sumagot
Bakit ba kapag ako yung nagpapaalam hindi pwede laging may issue pero bakit pag si He Ra oo agad. Si He Ra na lahat wala man lang natira sakin puro sa kanya na lang at yung nagiisa kong kakampi umalis pa.
"Ano Ha Ra hindi namumulot ng pera yung tatay mo sa ibang bansa para gamitin mo sa mga walang kwentang bagay" eh kung try kaya nila yung mga ginagawa ko sa school hindi naman kasi biro yung university na pinasukan ko mataas yung standards nung school kaya mahirap yung mga ginagawa
"Di na lang po ako aatend" sabi ko saka umalis na
"Hoy Ha Ra bumalik ka nga dito ikaw na nga lang tong magpapaalam ikaw pa yung bastos" di ko na alam gagawin ko kahit naman anong sabihin ko hindi nya ko papayagan
"Siguro gagala ka lang talaga kaya hindi ka na lang tutuloy"
"Ma kung ayaw nyo kong payagan ok lang sakin sabihin nyo na lang na ayaw nyo ang dami nyong hinala sa kin puro mali ko na lang yung nakikita nyo" umalis na ko ng tuluyan lumabas ako ng bahay hindi ko alam kung san ako pupunta
naglakad lakad na lang muna ko.
at napadpad ako sa isang maliit na field maganda sya kahit maliit mahangin saka maganda yung view ngayon ko lang to nakita.Napangiti ako kasi ngayon lang ulit ako nakalabas kadalasan kasi sa school lang ako saka bahay.
Nakangiti ako ng biglang magflashback sakin ang lahat
-Flashback-
"Yang si Ha Ra napakatamad buti pa yung kapatid na bunso masipag at responsable"
"Napakaganda talaga ni He Ra lagi pang nakangiti yung isa naman laging nakasimangot"
"Buti pa si He Ra mabait yung isa napakamaldita"
"Buti pa si He Ra mapagbigay yung isa napakasungit"
"Ang talino talaga ni He Ra"
"Wala kang kwenta buti pa yung kapatid mo may pakinabang kami sayo wala"
"Ang tanga tanga mo simpleng bagay hindi mo alam"
"Buti pa sa ibang tao napakagaling mong makisama samantalang sa kapatid mo hindi ka maasahan"
"Magbago ka na napakasama ng ugali mo"
hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko nakakatawang isipin na pag naalala ko yun lagi akong napapaiyak ilan lang yun sa mga sinasabi sa kin ng pamilya ko na parang hindi ako belong sa kanila na para bang si He Ra lang ok na kahit hindi ako isama pedeng pede.
-Another Flashback-
"Pa naglinis ako ng bahay"
"Very good anak napakasipag talaga ng ate ko"
"Mama naglinis si Ha Ra ng bahay" sabi ni papa tapos tinignan nya lang yung bahay at naglakad na
"Papa naglaba ko"
"Bat mo nilaban lahat anak dapat inintay mo na lang ako, ako na dapat naglaba"
"Kasi papa alam ko pagod ka na paguwi"
"Napakabait talaga ng anak ko"
-Graduation-
"Anak proud na proud sayo si papa napakatalino mo biruin mo taon taon kasama ka sa honor students" sabi ni papa
"Wag kang mapressure anak hindi mo kailangan maging honor student proud na proud ako sayo"
mas lalo akong napaiyak nung maalala ko yung mga sinabi ni papa
Nagulat na lang ako nung may nagabot ng panyo sakin
"Miss eto oh kanina ka pa umiiyak" inabot ko yung panyo at ipinunas ko sa mga luha ko
"Salamat ha" sabi ko
"Alam mo sabi nila pag daw shinare sa stranger yung problema nakakagaan ng pakiramdam" tumingin ako sa kanya
"Hindi mo ko maiintindihan" maikli kong sagot
"Makikinig ako" tapos ngumiti sya hindi ko alam kung bakit pero unti unti kong kwinento sa kanya yung mga problema ko at nakikinig lang sya
"Pareho pala tayo" sabi nya
"Huh?"
"Pareho tayo ganyan din yung nararamdaman ko pero kinalimutan ko na yun kasi kung puro iyon yung iisipin ko hindi ako magiging masaya, kung lagi kong iisipin na wala akong lugar sa pamilya ko magrerebelde ako masisira yung buhay ko sayang kaya pilit ko yun kinakalimutan kahit sobrang sakit sakin" its my turn to listen
"Hindi ko naman sinasabing wag mo ng alalahanin yun ibaon mo na lang sa limot pero kasi kung lagi mo yun iisipin hindi ka magiging masaya lagi kang makikipagkompetensya sa kapatid mo hindi mo ba naisip na baka sa ginagawa mo mas lalong dumami ang tao na hindi nakakaappreciate sayo? Saka tandaan mo "No Man is an Island" walang tao ang kayang magisa" tapos nginitian nya ko
"sana nakatulong ako sayo Theon [Theeyon"] nga pala" tapos nagshake hands kami
"Ha Ra" tapos ngumiti ako
"Wag ka na ulit iiyak sayang yung luha mo"
hinatid nya ko sa tapat ng bahay at nagpasalamat ako kinuha nya din yung number ko incase daw na gusto ko ng kausap
totoo yung sabi nya gumaan talaga yung pakiramdam ko
______________________________
Lame