Still Her P.O.V.

8 0 0
                                    

Chapter 2 ♥

~~~~~~~~~

"Hoy gumising ka na sabado ngayon maglinis kayo ni He Ra ng bahay wag mong utusan lang yung kapatid mo gumawa ka din" jusme naman umagang umaga

bumangon na ko niligipit yung hinigan ko pati si Dugyot inayos ko na kawawa naman eh

"Ate kain na tayo" tumango lang ako sa kanya saka naupo

"Mga anak kain na kayo, ako nagluto" tinignan ko si He Ra at tinignan nya rin ako at sabay na kaming kumain syempre nagdasal muna ko.

"Sige kain lang kayo ng kain matagal tagal bago kayo makatikim ulit ng luto ko" napatingin ako sa sinabi ni papa usually lagi silang naguusap nila He Ra sa hapag kainan tapos ako tahimik lang ganun naman talaga ko tahimik sa kanila pero sa mga kaibigan ko maingay.

"Ate kasi--" naputol yung sasabihin ni He Ra parang nagalinlangan sya kung sasabihin nya ba sakin o hindi

"Anak kasi--" naputol din si Papa

"Kasi ano?" Medyo galit kong tanong medyo napataas na yung boses ko si mama naman parang ayaw magsalita

"Ano?" medyo galit kong ulit.

"Ate kasi naapprove na yung working visa ni papa sa 2nd week ng october aalis na sya" sabi ni He Ra huta 4th Saturday na ng september ngayon lang nila to sinabe at alam ni He Ra samantalang ako.

"Alam mo yung tungkol dito He Ra?" mahinahon kong tanong

"Sinabe sakin ni mama ate" sabi nya saka sya yumuko

"Ha" ngumiti ako pero nangingilid na yung luha ko

"Alam ni He Ra pero ako ngayon ko lang nalaman kung kelan malapit ng umalis si papa" papatak na talaga yung luha ko

"Wala na ba talaga kong karapatang malaman yung mga bagay dito? Ganun ba ko kabastos sa inyo para yung gantong bagay itago nyo sakin" ayan tumulo na yung luha

"Anak kasi alam kong iiyak ka ulit kapag ka sinabe ko sayo" sabi ni papa

"Pa sa ginawa mo lalo mo kong pinaiyak alam nyo ba kung gano kasakit yun sakin ngayon ko pa lang malalaman kung kelan malapit ka ng umalis? Magkausap na tayo kagabi papa di ba bakit hindi nyo pa sinabe sakin? gano na katagal na approve yung working visa nyo?" tanong ko

"Nung June pa"

"June? June pa lang at alam na yun ni He Ra nung June pa lang" umalis ako sa hapag kainan at tumakbo sa loob ng kwarto ko nilock ko yun at dumapa ako sa kama ko at kinapa ko ulit si dugyot

"Haaaaaaaaaaaaaa" sigaw ko gusto ko magwala pero para san pa may magagawa ba yun kahit magwala ako dito ng buong taon hindi nun mapipigilan yung pag alis ni papa.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog ulit ako kahit kakagising ko lang

~~~~~~~~~~~~~

End

UnplannedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon