Part 23

13 0 0
                                    

Mansion:

Si Ayessa, halatang puyat di nakatulog sa kaka abang ng text ni Eddy.

Hmp! Makikita mo mamaya akala mo papansinin kita.

Wala man lang consideration, nag cellphone ka pa!

Di ka naman marunong sumagot!

Ngitngit na ngitngit si Ayessa habang nag aayos na nakaharap sa salamin.

Si Eddy, maagang umuwi para mag bihis , tulog pa ang ama na umalis sa hospital. Dumating din ang ina- inahan na may dalang breakfast.

Di na kumain at nagmadali na ito dahil maaga sila aalis ni Ayessa ngayon. Pinagbilin ng secretary ni Ayessa na magdala ng extrang mga damit.

Magkakaroon sila ng site visit ng Lunes ng umaga , kaya linggo pa lang ay aalis na sila para mauuna na doon bago pa man dumating and developer ng subdivision.

Sa Cagayan ang punta nila ,malamang di sila makakauwi agad.

Na eexcite si Eddy at the same time na lulungkot dahil di na niya magagawa ang mga moves na gagawin sana para iparamdam sa dalaga ang pag ibig.

Well, enjoy ko na lang na kasama ko siya, iyon ang mahalaga sa lahat.

Hanggang di ka pa naikakasal Ayessa andito lang ako.

Sabi ni Eddy na naghihintay na kay Ayessa.

Samantalang si Ayessa kanina pa bihis, kung kanina naiinis para kay Eddy.

Ngayon naman ay kinakabahan ng sinabihan na siya ng katulong na andoon na so Eddy at hinihintay na siya.

Binaba ng katulong ang mga bagahe na akala mo buong linggong di uuwi.

Supposedly pwede namang bukas pa aalis, parang may nag utos na damdamin na ngayon na... Ang totoo ito lang ang paraan para makita niya si Eddy.

Kaya kagabi inutusan ang secretarya na tawagan si Eddy at iinform ito na ngayon na alis nila instead sa Lunes ng umaga.

Di pa siya nakapag almusal , nasa isip yayain niya si Eddy kumain sa kalagitnaan ng byahe. At kung saan man makaramdam ng gutom.

Ang lakad na to ay walang specific na schedule, bahala na kung saan sila dalhin ng isip. Importante makalayo muna siya sa lahat.... Huwag lang kay

Eddy.. Naiiyak na naman si Ayessa

Hmp! Bakit napaka emotional ko ngayon lahat dinadamdam ko, para akong lalagnatin parang may sakit sa kanya na di niya alam kung saan.

Bumaba na si Ayessa, ayaw niyang pag antayin si Eddy ng matagal baka maisipang umalis na.

Inayos pa ng isang beses ang sarili at dali ng bumaba.

Si Eddy ni reready na ang car mismo sa harap ng bahay kung saan lalabas si Ayessa.

Napaisip ang dami naman atang dala to ? Wala na bang uwian?

Samantalang siya tigdalawang pares lang ang bitbit, tama ba yong instructions ni Carol sa akin kagabi? Dahil halos madaling araw na to tumawag at naalimpungatan siya kaya halos di niya narinig ang lahat na sinabi ni Carol.

Ang alam niya lang di uuwi at magdala ng extrang gamit pansarili.

Mukhang magtatagal sila sa dami ng gamit na dinala ni Ayessa.

Mukhang maglalayas ata..

Pabirong bulong sa sarili.

Na siya namang nakita yon ni Ayessa na ngumingiti sa sarili habang nakatingin sa mga gamit niya sa trunk.

Loko to ah? Pinagtatawanan ata ang mga sangkatutak kung bitbit. Bulong ni Ayessa sa sarili..

Tinitigan niya ang kababata , napaka gwapo mo talaga Eddy. Binagayan ng hapit niyang muscle shirt ng Hollister na kulay puti. Na naka Levis na mapusyaw na nagpatingkad sa tikas nito.

Parang ayaw na munang lumapit ni Ayessa, gusto muna niyang magsawa pagmasdan ito.

Enjoy na enjoy siyang tignan ito habang inaayos ang lahat na mga bagahe nito.

Kapantay mo man ay langitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon