Part 15

30 1 0
                                    

Mamahaling Bakery ang pinuntahan nila, nakahanda na ito dahil inorder na pala ito ahead of time.

"Dami naman nito? Ganun ba kadami ang ka board meeting ni Ayy.. Ahmm ni Maam ? Tanong ni Eddy.

Normally, twice a month ginagawa ito ni bossing, kasama kasi mga empleyado dito, tayo, lahat na andoon . Sa paraan yon niya maipapakita ang pasasalamat niya.

Parang ito yong happy hour natin or employees appreciation party. Kasi dalawang oras tayo walang gagawin kundi magkainan at magtatawanan,

Doon sa building natin , may isang malaking room doon na pang gatherings ng kompanya.

Nasa rooftop ito, minsan inaabot na ng gabi, pag nasa mood si Maam Ayessa , tuloy ang enjoyment di na isang oras, , kainan , inuman , sayawan at kantahan na to sawa ang nangyayari.

Actually di lang tong bread ang food, madaming putahe, niluluto na mismo doon, kaya nga may company chef cook tayo, yong sa canteen natin, sila yong nagpreprepare dagdag na lang tong mga tinapay, favorite kasi ito ng pamilya nila.

Mahabang kwento ni Carol habang pabalik na sila sa office,

Ganun? Sobrang bait pala talaga nila ! sagot ni Eddy

kaya di nakapagtatakang halos doon na tumanda ang lahat ,

ayaw nilang umalis dahil nga sa kabaitan ng mga amo. Dagdag ni Carol.

So! Eddy partner tayo mamaya ha, ano sa tingin mo?

I wish, pero di ako sanay sa mga ganun nahihiya ako... Explain ni eddy

Nahihiya? Sa gwapo mong yan?.. Dilat na tanong ng babae

Sa totoo lang ayoko talaga lalo na nasa hospital Dad ko. Maybe sa susunod.

Ohhh, oo nga pala, kumusta na si Mang Nap?

Ok naman, maikli niyang sagot na tila gusto na niyang tapusin ang kwentuhan nila,

nilakasan niya yong music para matigil na si Carol, gusto lang niyang mag isip at balik balikan ang kanyang panaginip na parang totoo.

Nakuha naman ng babae ang intensyon ni Eddy, di na nag kwento pero sinabayan na lang ng kanta ang radyo.

Napatawang napailing si Eddy dahil may kasama pa itong sayaw na naka upo,

Masayahing babae ito, nakakatuwa, puna ni Eddy. Na mas lalo pang nagpakitang gilas ito dahil akala natutuwa si Eddy sa ginagawa niya.

Nakarating na sa sila opisina.

"Eddy alam mo papunta sa taas? tanong ni Carol"

Iling niya , never ko pa naikot ang building na to? Sagot ni Eddy

Ganun pumasok ka dito na wala man lang orientation?

Hayaan mo Eddy ask ko si Ayessa na dapat i orient kita ng sa ganun alam mo lahat pasikot sikot nito at ang mga secret doors and stairs, sabay kindat ng dalaga!

Napatawa si Eddy sa kapilyahan nito, pero in fairness ang ganda niyang tignan hahhaha , kaya lang di bagay babaeng kumikindat.

O siya maya na, back to work na tayo , hayan na si Ben, na may dalang cart ,

na nag aabang na pala sa basement kung saan sila nagpapark.

tutulungan ka niya paakyat, pahabol ni Carol, Mauna na ako at dahil may inutos pa si Maam.

Bye, pogi see you soon baboon!

Sabay flying kiss sa kanya, masarap kaibigan tong babae na to ,

Kapantay mo man ay langitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon