Part 30

25 0 0
                                    

Mag ala sais na ng umaga ng naramdaman ni Eddy na sumisikat ang araw sa kanyang kwarto.

Si Ayessa nasa tabi pa din niya at mahimbing na natutulog.

Di pa din siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanila kagabi at pati sa pagtulog ay nakatabi pa niya ito.

Hinimas ang mukha at hinalikan ito sa noo.

Good morning, mahal ko...

Bulong ni Eddy...

Bumangon na at dahan dahan tinungo ang kabilang kwarto.

Binuksan ang kama ni Ayessa .

Balak nitong ilipat para if ever magpumilit man si Greg na gisingin ito nasa room si Ayessa.

Nais niyang protektahan ang dalaga, hanggat na di pa malinaw ang lahat sa kanila ni Ayessa, ayaw niyang magkagulo ito at masilipan ng pagkakamali si Ayessa ni Greg.

Ayaw niyang masaktan si Ayessa, gustuhin man niyang ipaglaban ito dahil sa mga nangyayaring intimate sa kanila kagabi , wala pa rin siya sa posisyon gawin ito dahil di niya alam kung nasaan siya sa puso at buhay ni Ayessa.

Binalikan ang dalaga, mahimbing pa din ito.

Dahang dahan kinarga ito, at inilipat sa kwarto ng dalaga. Si Ayessa naman animo batang nagpaubaya.

Ramdam niyang may bumubuhat sa kanya pero nanaig pa din ang antok at hinayaan na lang kung sino man ang may gawa nito.

Nilatag siya ni Eddy sa kama, at tinakpan ng kumot.

Pinagmasdan ng binata.. At buong puso itong hinalikan sa labi.

Mahal na mahal kita Ayessa... Lagi mong tandaan yan.

At saka lumisan. Sinara na ang joint door, para magkaroon na ng privacy si Ayessa at di maiistorbo kung sakali mang may magagawi sa kanyang cottage dahil simula ng magdatingan ang mga ka board meeting nito maya maya lang.

Sinimulan na ang mag ayos ni Eddy , inayos ang kama...

Andoon pa din ang amoy ng dalaga malinaw na malinaw sa isip niya ang mga nangyari kagabi sa kanila.

Bago mabuhay ulit ang init ng katawan nag desisyong maligo na ngunit pag dating naman sa shower nagugunita na naman ang nangyari kagabi sa kanila dito

ahhhh... Ayessa.. You drive me crazy!

Paano kita malilimutan kung darating ang araw na kailangan ko ng lumayo.

Nag shower na ng mabilis para makakilos na at makalabas.

Plan niyang mag handa ng almusal para sa minamahal.

Sa kabilang kwarto, heto si Ayessa gising na gising na ang diwa.

Di nagpahalata kay Eddy kanina alam niya ang pagbuhat sa kanya at paglipat ni Eddy sa kanya.

Nahiya siyang ibuka ang mga mata dahil sa nangyari sa kanila ni Eddy kagabi di niya alam kung paano ito haharapin.

Nahihiyang di alam ang gagawin, halos nakitaan na siya ng lahat lahat ng kababata.

Kaya nagkunwaring tulog tulog pa din siya hanggang nailipat na siya sa kama niya.

Napakasarap mong mag alaga Edison, nahuhulog lalo ako sa iyo.

Napapamahal ako lalo sa iyo...

Diyos ko tulunga niyo po ako anong dapat kung gagawin para maipaglaban ko ang narararamdama ko kay Eddy na di masasaktan si Greg.

Tanging dasal ni Ayessa.

Nag umpisa na siyang bumangon ng may marinig na mahinang katok sa pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapantay mo man ay langitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon