Chapter 7

10 0 0
                                        

Chapter 7
Tiwala


Tadhana nga ba ang dahilan ng lahat kaya pinagtagpo kami Ziko o baka natagpuan ko hindi ko lang napapansin.Siguro kailangan ko ng kumawala mula sa hawla kung saan ako namalagi upang tahakin ang bagong tipan ng aking buhay.This time gusto kong maranasan kung ano ba ang pakiramdam ng ma inlove.

Si Marie na naman laging naka buntot sa akin at si Fifth naman andun na naman sa canteen hindi ata yun nabubusog kaya himala pag inaya mo siyang kumain at ang sagot niya "kayo nalang busog pa ako"  pero pagsinabi mong libre "wait lang nagutom ako bigla ,tara bilisan niyo baka maubusan tayo"

Hindi ko alam kung anong meron sa magkapatid na yan kung may kallog may matakaw ,panu kaya sila sa bahay nila,pero I admit sila ung mga taong masarap kasama hindi kj.

Ang masayang paligid ko biglang nabalot ng kamalasan .Anak ng major naman talaga oo ang landi niya lang ,kalalaking tao ,pero ang alam ko bakla yan si Asspel nang chi-chixx lang yan para hindi mahalata ng iba ang tunay niyang kulay iwwww.

Late ata si Ziko hindi niya tuloy naabutan ung announcement ng adviser namin di bale sasabihin ko nalang sa kanya.Sa susunod na Grading kasi ung mga bababa ang Grade sa First Grading ay mapupunta sa ibang lowest section at ang mga tataas  naman ang grade sa ibang section ay mapupunta sa First Section,kaya gagalingan ko talaga kahit mas magaling si Marie para hindi kami maghiwalay.

Nasa isang park kami sa school kung saan kami nakaupo sa isang recycle na upuan gamit ang mga gulong na ibinaon sa lupa at sa gitna namin ay ang isang lamesa na kahoy na hugis bilog .Sa kanan ko ay si Marie si Ziko ko naman sa kaliwa sa harap ko si Asspel at kaharap naman ni Fifth si Ziko.

"Palit nga tayo Marie hindi ako sanay katabi tung kapatid mo "Sabay tingin ni Asspel kay Fifth na parang nandidiri.

"Dyan ka na ,ang sweet niyo nga ehh"pang kukutya ni Marie sa dalawa at nagsimula na kaming magreview .

Kailangan naming magreview kasama ang napakatalinong si Marie syempre mainit kailangan ng mahanging si Asspel at para hindi sila maboring sa pangit na tanawin andito kami si Ziko para pampaaliwalas ng lugar at si Fifth bilang taga ubos ng baon.

Unlike charge attract, like charge repel

Moving charges or current in a wire produces a magnetic field.

The earth acts like a giant bar magnet and has a magnetic field.

The higher the frequency the higher the energy .

The bigger the Opaque the bigger the shadow.

The less you assume the less you'll get hurt .

Less stress more beauty.Sinasabi ni Marie sa isip ko.

Abala ang lahat sa pagrereview pero si Asspel may hawak na reviewer pero sa akin nakatingin ,ang lagkit ng tingin niya nakaka tunaw wag ng pansinin delekado na.

"Globalisasyon?" Si Ziko

"Ay proseso mg mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,bagay,impormasyon at produkto sa iba't ibang bansa (Ritzer,2011)" si Asspel ,nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot niya without looking at his note.

Magaling pala siya hahaha,don't judge a book by it's cover.

"Ang talino ahhh"si Marie.

"Sabi kasi si Crush galingan ko daw" naubo ako bigla ,feeling ko ako yun kasi sinabihan ko siyang bobo last day.

"Ahh okey"sabi ko ng hindi sila tinitignan mag focus lang ako sa copy ko.

Nang natapos na kami mag review may nakita akong bote malapit sa basurahan San Mig yun malinis siya may naisip akong laro para hindi naman kami mabored dito.Pero bago ko pa sabihin kung gusto ba nilang mag Truth or Dare kinuha na agad ni Marie ung bote . Bago ko pala naisip ,naisip na din niya kainis.

TREACHEROUS GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon