Chapter 8

7 0 0
                                        

Chapter 8
Worth it



Pakiramdam ko ang tagal namin sa daanan ni Asspel na magka hawak kamay kahit anong pilit kong alisin yun hindi ko magawa dahil sa sobrang higpit.

"Bat kasi ang ganda mo ?"
Bulong niya sa hangin.

"Bitawan mo na nga ang kamay ko "
Utos ko sa kanya.

"Tracey pwede ba kahit hanggang ngayon lang" naka tingin lang siya sa daan ,hanggang sa naka punta kami sa kabilang kalye.

Bibili lang sana ako ng makakain kasi nakaka sawa na yung chocolate I hate sweets.

At alam niyo ba nakita ko si Ziko sa Store,malamang dun siya nagtratrabaho umayos ka nga Tracey.

Kumuha ako ng Isang Nova at dalawang C2.

"Ziko magkano to ?" sabay abot ko nung binili kong pagkain at inumin

"Carmen ikaw pala " kalma lang Tracey

Ako nga hehehe. Mukhang busy kanya I let him do what his doing baka istorbo lang ako. Sa labas nakita ko si Asspel habang may hawak na isaw I don't like isaw nakaka cancer kaya yan.

"Wag ka ngang kumain niya'n nakaka cancer yan"

"Pwedeng wag mong pangunahan ang lahat ,di mamatay kung mamatay."

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan masaya mabuhay alam mo ba yun "

"Masaya ang buhay kung ginagawa kung saan ka masaya"

Okey tama siya pero dapat iniiwasan natin ung mga bagay na nakakasakit sa atin pero siya mas ginugusto pa niyang masaktan.

Bumalik kami sa kotse niya at pinagmamasdan ang mga tala sa langit na ngayon ay masayang nakabantay sa aming dalawa.Hindi ko ibinigay ang C2 binili ko kani kanina.

"Na alala mo ba nung bata tayo"binasag niya ang katahimikan"Oo walang tayo pero ,naaalala mo pa ba "

Syempre makaka limot ba ako .May lugar kami nun sa probinsya magkapit bahay kami at mga bata pa kami nun pero sariwa pa ang mga alalang iyon

Tanging laro ang dahilan ng pagtawa niya noon,naaalala ko pa ang mga ngiti niyang ngayon hindi ko na makita kita,tanging laro lang noon ang tangi niyang dahilan ung matakpan ang sakit na dinadanas niya.

Lagi kasing nagtatalo ang mama at papa ni Asspel noon at hindi niya alam kung paano sila mapagbabati,lagi kasing umuuwi ang papa niyang laging at nabalitaang may babae .

"Tracey tagu taguan tayo ,taguan ng feelings "sabay ngiti niya Grade 4
siguro kami nun.

"Sira nag ayaw naman siguro mama at papa mo na"hindi siya umiinik at dapat hindi ko na tinanong kasi.

"Sige ako taya"nag tagu taguan kami kahit dalawa lang kami kesa naman sa mag isang kong nagtatago taguan ,hahanapin mo ung sarili mo mahirap un. Yun ung pinaka mahirap na laro ung magtatago taguan kang mag isa pero ang hahanapin mo ung sarili mo.

"Teka pagod na ako, habulan naman"sabi niya sabay agaw niya sa kanyang hininga.

Akala ko ba pagod na siya bat gusto niya pa.

"Pagod na akong tago ng tago"

Bigla akong bumalik sa aking diwa.
Narinig ko mula sa aking tenga ang mga alingaw ngaw at mga busina sa daan kahit gabi na madami pa ring bumabagtas sa daan .

"Okey ka lang?"si Asspel

"Ahm oo napaisip lang" sabay tingin sa malayo hanggang sa hindi na mahagip ng mga mata.

TREACHEROUS GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon