Cassie's POV
I know, I'm still half asleep pero ramdam ko ang lamig na bumabalot sa buo kung katawan kahit pa na may kumot naman. Gusto kong gumalaw pero parang kakalas lahat ng buto ko sa bigat ng pakiramdam ko. I don't understand. I was okay last night. No. I was better last night. Pero ngayon, para akong binugbog ng paulit-ulit dahil sa sakit ng nadarama ko.
What happened?
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi ng bigla kong minulat ang mga mata ko at nakita ang mga nagkalat na damit sa lapag. Seconds passed when I realized... yeah, right. I gave myself to her last night. Gusto kong mahiya pero tapos na, wala na rin naman akong magagawa. But in all honesty, I never felt so better. It feels like, adulthood welcomed me wholly. Ewan, para kasing once someone breaks inside you, yun yung time na masasabi mong nasa entry point ka na ng pagiging adult.
Or is it just me who's thinking that crazy thought?
I covered my face of whatever I can use. Hands, blanket or dadapa ako para lang mawala ang hiya ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na may nangyari na samin. Gods! What now?
I'm in the middle of torturing myself when I noticed that no one is with me. Asan ang asawa ko?
Napabalikwas ako bigla. It's all foggy and gloomy outside. Sobrang lamig pa. Nagpalinga-linga ako sa paligid and then I decided to stand up at hanapin sya. I'm not worried, I'm just wondering if saan sya nagpunta para iwan akong mag-isa dito sa kubo. Sa totoo lang, ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Feeling ko magkakasakit ako. Ganun ba yun? After ng... alam mo na, magkakasakit talaga? And I feel sore down there. Medyo masakit at mahapdi pa rin. Masakit din ang ulo ko. Hay.
Dahan-dahan kung pinulot ang mga nagkalat kong damit habang kumot lang ang tanging nagproprotekta sa katawan ko sa lamig at kahubaran. Medyo masakit din ang lalamunan ko. Magkakatrangkaso pa ata ako nito. Bigla akong nagulat ng may marinig akong yabag sa hagdan ng kubo. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa kumot. Pag ito nabitawan ko, buong pagkatao ko ang malalahad kung sino man ang nasa likuran ko ngayon. I closed my eyes. Hinihiling ko na sana si Yuri ang pumanhik papunta sakin. Nanatili akong tahimik, at wala din akong ingay na narinig mula sa likuran ko. Kinakabahan tuloy ako.
I gained strength and courage bago ko hinarap kung sino man ang nakatayo sa may bungad. Thank Gods. Ang asawa ko lang pala. Nakapag-ayos na sya ng sarili nya.
And she look so stunning. Umagang umaga, ang ganda na naman nya.
"Yu?" Pukaw ko sa atensyon nya, hindi kasi sya sakin nakatingin. "May problema ba?" Lumapit ako sa kanya at sabay sinundan ang tingin nya. Nasa mattress.
I blushed. Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ngayon sa hiya. I bit my lower lip at iniwas ang tingin sa bagay na yun. I bent my head down kasi ayaw kong salubungin ang tingin ng asawa ko sakin. Nahihiya ako na ewan.
"Hon, I... erm.." kahit sya hindi nya alam ang sasabihin nya sakin. Hindi naman ganun ka thick ang awkwardness samin ngayon. Pansin ko lang.
"I didn't regret anything..." which is totoo naman talaga. Namamaos na ang boses ko. Siguro dala na rin ng pagod at sama ng panahon.
"I wish you told me." Hinapit nya ako sa beywang at niyakap. I love her warmth. "At least to avoid you getting hurt." Gusto kong kiligin. Umagang-umaga! Ba yan, Yuri!
Tumingin na naman sya ulit sa mattress. Kung pwede lang magpakain ng buhay sa lupa, kanina ko pa ginawa. I just left a red stain lang naman sa white sheet ng mattress. Tanda na sya talaga ang nakauna. Kung kanina nilalamig ako, ngayon, ang init ng pakiramdam ko lalo na ang mukha ko. Ilang buwan na rin kaming mag-asawa pero hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako.
YOU ARE READING
Planetarium Series: Uranus (Editing)
RomanceYuri is an aristocrat. Elite. Lone heiress of Altamirano Corp. Pinakamalaki, Pinakamayaman at Pinakamalakas na Business structure sa Asia. A lady with an unbearable temper. Heartless. Cold. Serious. Unpredictable. Cassie is a simple lady. Anak ng is...