Seis

3.7K 196 12
                                    

Cassie's POV

I opened my eyes slowly. Halos wala akong matinong tulog at 8 ng umaga ang first class ko. I noticed it's still dawn outside. Pero medyo maliwanag na. Palibhasa summer kasi, bilis matapos ng gabi. Naiwan ko kasing bukas ang curtain ng room ko-

I halted and roamed my eyes around. Beige colored walls, abstract paintings and a wall clock stating it's 5:15 in the morning. And a very familiar bedside table.

Halos lumundag ang puso ko.

Shit! This isn't my room.

Para akong binuhusan ng tinunaw na yelo sa pagkabigla. Diyos ko, huwag naman sana. Akmang babangon na sana ako ng parang may pumipigil sakin gumalaw. Nakahiga ako left sideways, kaharap ang bedside table na pumapagitna sa bed at door. Dahan-dahan ko tinanggal ang comforter at akmang babangon ulit pero parang may mabigat na bagay nakapulupot sa beywang ko.

Pagtingin ko, it's a long slender arm. Napahilamos ako sa mukha ko trying to remember what happened. Oo nga pala, I picked her up kasi tipsy na sya last night. It was Ninang who asked me a favor if pwede kong sunduin si Yuri sa Burned. I didn't have a hard time finding the place, super sikat kasi sa city yun.

When we reached home, inalalayan ko sya sa room nya kahit halos masubsob na ako kung saan kakatulak nya sa akin palayo. Paano kasi, hindi mo malaman kailan eepekto ang alak sa system nya kasi pagdating pa lang sa room nya, ayun, she told me she felt nauseated. So I helped her going to the toilet. Pagkalabas ko, I heard her vomited.

Nung lumabas ng toilet, wala na syang dress. She took it off. She was in her undergarments and hindi ko mapigilan kabahan especially if nakikita ko sa mala universe nyang mata na bigla itong nagdark. Nagpanic ako. Halos hindi ko alam if sasalubungin ko ba ang mga titig nya or aalis na ako kasi mukhang nahimasmasan naman na sya.

I just couldn't take my eyes off her. Grabe, ang ganda ng katawan nya. Napalunok ako at pinagpapawisan ng malapot. Oh Gods. Anong parusa ba ito? Mga ilang segundo ata akong tulala lang sa kanya habang sya hindi rin kumibo mula sa kinakatayuan nya.

The last thing I can fully remember, lumapit sya sakin at biglang bumagsak ang katawan nya dahilan para pareho kaming nahiga sa bed nya. Nakapatong sya sakin ng marealize kong nakatulog sya agad. I gently placed her on her bed at akmang aalis na ako para magpahinga na rin, it was almost 2am ng umaga, ng may pumigil sa kamay kong umalis totally sa kama.

"You can stay if you want." It was rather a whisper.

I was shocked. I looked at her at sobrang sleepy na ng mga mata nya. Sobrang pagod na rin ako para mag-inarte. I hurriedly took my pants off saka sumampa sa tabi nya. Gigising pa ako ng maaga para ipaghanda sya ng almusal at papasok sa school. Ngayon din ata ang start ng pagpasok nya sa office. Bukas ko na iisipin or raramdamin ang mga nangyari. Then I dozed off.

Yun lang ang naaalala ko. Nothing more.

I slowly turned my head on her direction. She's still asleep habang nakayakap ang braso nya sa bewang ko. Ang ganda nya talaga, grabe. Sobrang perfect ng nose at lips nya. Tas may slightly divided chin sya.

Ganda mo talaga!

I want to enjoy this moment na kasama sya pero ayaw ko naman isipin nyang inaabuso ko ang pagpayag nyang magpahinga kasama nya. Kahit masakit ang ulo ko dahil kulang sa tulog, I gently removed her hand and moved up from her bed. She softly growled. Pero pagtingin ko himbing pa rin sya.

Pinulot ko ang pants ko and sinuot ulit. Actually, magkaharap lang naman ang rooms namin pero baka kasi gising na si Manang Fe at makita akong umalis sa room nya papunta sa room ko na naka undies lang. Baka anong isipin nya.

Planetarium Series: Uranus (Editing)Where stories live. Discover now