Once

3.6K 183 37
                                    

Cassie's POV

Maaga akong nagising. Since wala naman akong pasok ngayon, pagkakaabalahan ko na lang ang garden sa likuran ng bahay ni Yuri. Sa laki ng lupa, parang hindi mansyon, parang estate na nga sa lapad. Parang mahihirapan tuloy akong linisin ang kabuuan nito. Hay.

I moved myself up from the comfy bed. It was empty then. Natulog akong mag-isa kasabay ng puso kung namanhid sa mga nangyari at nasaksihan ko kagabi.

After ko kasing iwan si Yu sa room, lumabas ako sa outdoor living space, may pool kasi doon at may bubong na gawa din sa glass. I stayed there until may narinig akong tugtog ng isang malungkot na pyesa. Abala ako kakahanap ng visible constellation sa langit, baka kasi may makita ako or mas maganda if may falling star. I will always have this innate belief about wishes and soulmates.

Ganoon din ba si Yu?

I sighed.

Bakit ba hirap na hirap syang gustuhin ako?

Nagising ang ulirat ko dahil sa tugtog. Alam ko ang pyesang yun. Narinig ko dati yun sa isa kong kaklaseng lalaki na kinakanta nya. Actually, maganda at soothing sya. Full of emotions pa. Sobrang luma na pero iba pa rin ang epekto ng kanta. Parang... ang sakit.

Tumayo ako mula sa gilid ng pool at nagpunas. Try kong tingnan sa likuran, alam ko may garden kasi sya doon at may Grand piano. May mga furnitures din sya para pwedeng tambayan or pwedeng place para sa isang relaxing breakfast, lunch or dinner.

I made my way sa kung saan nanggagaling ang musika. And there she was, nasa harapan ng piano habang kaharap ang MacBook nya. Nakayuko sya habang patuloy sa pagtugtog. And then I saw her smiled. Sadly.

"It feels like a lifetime, a thousand days have passed by since I held you... close to me."

I remained still sa frame ng glass door. Tinititigan lang sya. Ramdam ko kasi ang bigat ng lungkot sa pagkatao nya. Malamig ang boses ni Yuri, hindi magaling pero hindi din sintunado.

"I know that I could live again, I need you... here with me."

Alam kong matalino si Yuri. Talented din sa kahit anong bagay. At ito ang unang beses na narinig kong tumugtog sya, at unang beses makita kung paano sya lamunin ng sakit sa harap ng minamahal nya. Nakaskype sila.

At ako, hindi ito ang unang beses na masaktan ako dahil sa kanya. Pero every time, it feels like the first time. Deep. Mahapdi. Excruciating. Unbearable.

"Heaven knows what to say, even though for right now, you're so far away. Gonna tell you and show you, do whatever I can do to get back to you..."

Sabay sa linya ng kanta ang pagpatak ng tahimik kong mga luha. Bakit ba nya ako nasasaktan ng ganito? Ilang beses ko naman tinangkang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi, hindi ko kaya. May sariling utak ata ang puso ko kaya sobrang hirap nitong pasunurin sa gusto ko.

I rested my forehead against the glass door. Wala, nabato na ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makagalaw, kahit paghinga ko ang bigat at ang hirap. Para kasing na pupunit ang puso ko. Kumakalat ang sakit sa buo kong pagkatao. Diba dapat namamanhid na ako kasi sa tagal ko ba naman ininda ang sakit sa puso kong ito, dapat hindi na ako nasasaktan ng ganito?

"I miss you, Elise." She painfully whispered.

Pero sobrang linaw ko syang narinig. Hay puso, please tigil na sa pagdurugo.

And then tumigil sya sa tugtog at humarap sa babaeng matagal nya ng minamahal.

Elise Aubrey Montegrappa

Planetarium Series: Uranus (Editing)Where stories live. Discover now